DMC 3

1K 55 16
                                    

Chapter 3

"Turn your books on page 346" finlip na namin ang libro namin sa Science.. hay~ chemi.. bakit ka pa ba pinag-aaralan kung hindi ka naman namin kailangan? Magiging artista ako! Kaya bakit pa to pinag-aaralan kung hindi naman to maiaaply sa real life? 

Nakaramdam nalang ako na may nambabato saakin ng papel. Putspa, yung mga demonyitang kaibigan nanaman ni Clarisse yung nambabato saakin ng crumpled papers

Syempre matured na ako kaya naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog nalang ako ng 'Let it go'

Pero kahit anong pagiging mature ko ay hindi parin sila nagpapatalo. Kaya ang ginawa ko nalang ay hinayaan ko nalang sila na pagbabatuhin ako at umiyak nalang deep inside.

NO WAY. KAHIT MATURE AKO(at malandi) AY HINDING HINDI AKO NAGPAPAAPI. ang ginawa ko, binuksan ko cellphone ko at pinindot ang video mode. Kaya habang binabato nila ako ay vinivideo ko mga impakta nilang mukha.

"Ms. Lopez ano yang ginagawa niyo kay Ms. Sevilla?" sumilip ako sakanila at mukhang nagulat sila, mabilis nilang tinago ang papel

"S-Ser! Si tabachoy yung may kasalanan noh, siya po yung nambabato saamin kaya sinalo lang namin" palusot niya

"Ser may proweba ako" pinakita ko yung video na pinagbabato nila ang ng papel

"So what can you say about this Ms. Lopez?" mukhang nabisto na kayo. Clarisse

"Tsk" parang natataranta ng sandali si Clarisse

"E ser, diba bawal magdala ng cellphone sa school?" sabi ng kaibigan niya.

Uh-oh.. Good one impaktas. Good one.

"oo nga miss Sevilla" tumingin saakin si Ser ng may pagdududa

Think Angelica. Think

"But that won't stop the reason that they bully me. According to Republic Act Number 10627, section two. Acts of Bullying.  For purposes of this Act, "bullying" shall refer to any severe or repeated use by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student, infringing on the rights of the other student at school, or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school. For that I invoke my right against self-incrimination."

Actually Hindi ko talaga alam ang pinagsasasabi ko. at believe me nung nakita ko yan sa facebook post kinabisado ko na para in case sa mga pambubully gaya nito. ready ako e.

Tinignan ko silang lahat. mukhang nabrain blast ata sa sinabi ko.. hwehwe

"Ser may I go out?" yun nalang ang sinabi ko para matigil na ang katahimikan. nakakabwisit din kasi yun nangyari e...

Pumunta ako diretso sa water fountain. Wala sila Timothy at JB ngayon, may boy scout. Si Denria naman kasi nasa ibang section. awtsu

"Ayoko pa.." ayoko pang bumalik sa bulok na classroom na yun, gusto ko munang makapag 'peace of mind' kaya pinatugtog ko sa ipod ko yung 'Do you want to build a snowman'

Ineenjoy ko lang yung music at nakatingin lang sa sahig. Di ko namalayang may nakabangga na pala ako

"Oww.." tangi ko lang nasabi, feeling ko parang ang cliche ng nangyayari? diba sa mga stories may makakabangga ang bida tapos may makikilala siyang lalaki, at take note. obvious na ang ending nang makabangga ng bida yung lalaking yun.

Tumingala ako para makita yung lalaking dapat kong makikita, Sana si Timothy hihi..

"Whatda.. Who are you?! Ang tanga tanga mo naman! You're not looking on what's infront of you! Ang laki laki mo pa naman! Pa'no kung naaksidente ako? Geez!" kinunatan ko lang siya, putrages e ako nga yung natumba e! Siya pa nga yung nakatayo pa dyan.

At mas okay pa sana kung lalaki yung nagsabi nung line nayun. PERO HINDE, isa nanamang impakta ang nakita ko, wait mali. nakabangga ko.

"Ah, miss. Gomen, gomen" o diba, nagjapanese na ako. di po ako magpapatalo miss

"Tsk, damulag" nang pagkatayo ko ay bigla niya akong binangga sa braso, leche magsama kayo ng trio ni Clarisse! Impakta alert...

Pero parang.. ngayon ko lang siya nakita? Ay ewan. Basta ako masaya ako na nakalayas ako sa room nayun

x x

"Angelica!" nakita ko si Denria na papalapit saakin at hinug ako ng mahigpit. "I miss you na"

"Sino ka po?" binatukan ako ni Denria

"Baliw! Haha.. By the way, ano? Balita kay Timothylabs mo?" inakbayan ako ni Denria

"Eww kadiri naman ng T-Timothylabs.." napakamot ako sa pisngi ko "Wala pa sila e, mamaya pa babalik"

"Sinong mamaya pa babalik?"bigla nalang ako nakaramdam na may umakbay saakin at kay Denria

"Tch.. JB!" tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso "Tanggalin mo nga braso mo!!"

"Grabe naman reaction neto, di ko ibigay sayo yung pasalubong ko e" parang nagspark yung mga mata ko at tumingin sakanya

"Seryoso?! Pahingi! Nasaan na?" tingin ako ng tingin kung nasaan. kaso hindi ko naman makita. "Nasaan?"

"Syempre mamaya na, baka ubusin mo pa" tapos ngumiti siya saakin ng pilyo, adik talaga si JB.

Trip niya na parati niya akong dadalhan ng mga pasalubong tapos aasarin niya ako. Ganyan yan e, pero nagpapasalamat ako kasi mukhang mamahalin ang mga foods na dala dala niya

"Wait nasaan na sila Timothy, JB?" tanong ni Denria

"ah, nasa classroom na yan. Siya ang may mas madaming ginawa nung nasa camping kami e" medyo nanlaki tenga ko nang sinabi niya yun

"Ah.. parang may nakalimutan ako sa classroom, mamaya mo nalang ibigay saakin yung pasalubong ah!" sabi ko at nagsimula nang tumakbo

Pumunta ako sa classroom namin, buti nalang at lunch na kaya wala nang mga taong tumatambay sa classroom, wala nadin yung mga bitch na nang-aaway saakin.

Nakita ko si Timothy na naka-sleeping position, halatang pagod. mukha ngang natutulog na

Hindi na ako lumapit pero nasisilaw ko yung sleeping face niya. MEGHADNESS. those hawt lips. those beautiful.hot.lip-- okay, ang landi ko po.

Umupo na ako sa harapan na which is I'm so lucky dahil nasa likod ko lang si Timothy yay! Bait talaga ni Lord. Malakas ako sakanya e

Ang peaceful niya palang matulog no? Parang angel na napadpad sa earth para i-save ako dun sa mga mangkukulam na yun.. Hay layp

Dear Ms. ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon