1

575 18 7
                                    

waiting.
day 110.

Sabi nila, kahit daw buhay kapa, maaari mong maramdaman na parang patay ka na.

Kahit na tumatawa ka, alam mo sa sarili mong maiiyak ka na.

Kinikimkim mo lahat ng sakit, kahit deep inside, hindi mo na kaya.

Masakit lalo na pag yung mga kaibigan mo ay sinasabing tumigil ka na kahit na ikaw, handa pang lumaban para sa kanya.

Alam nilang wala ng pagasa, samantalang ikaw, asa pa din ng asa.

Masakit.

Yan ang nararamdaman ko sa tuwing lumilipas ang bawat araw na hindi kita nakikita. Na hindi ka umuuwi.

Pakiramdam ko, dinudurog-durog ang puso ko sa tuwing lumilipas ang oras na wala akong balita sayo.

"Seulgi, punasan mo nga yang luha mo, o!"
inabot sa akin ni Moonbyul ang tissue na agad ko namang kinuha.

Sa tagal kong nakatulala, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"It's been 3 months and a half,"
sabi nya sabay tabi sa akin. "Wag ka namang magpakatanga, cous."

Ngumiti ako ng kaunti sa kanya bago binalik ang tingin ko sa kalangitan.

masama bang umasa na babalikan nya ako?

nag-promise kasi sya sa akin e.

"Nagpromise sya."
bumuntong hininga ako.

"But promises are meant to be broken."
sabi nya sa akin,
"Minsan, kapag kita mong wala na talagang pagasa, dapat ka ng tumigil."

waiting // seulreneWhere stories live. Discover now