[22] Girl Or Boy?

186K 4.2K 351
                                    

[22] GIRL OR BOY?


LYZA'S POV

I love you...

Since that day, hindi ko na ulit narinig ang three words na yun mula kay Derrick. Ayoko namang i-open up ulit ang topic na yun dahil baka sabihin pa niyang nag-fifeeling ako. Basta, contented na ako pagkatapos niyang sabihin yun. He may not be vocal about his feelings yet he proves it to me the other way around. At mas mabuti yung ganun dahil napaka-affectionate niya sa akin all the time.

Kasalukuyan kaming nagbe-breakfast sa veranda, at nakaupo sa couch while facing the beautiful sight infront of us.

"Sigurado bang ayaw mo pang malaman ang gender ng baby natin?"

Naputol ang pagmumuni-muni ko nung tanungin yun ni Derrick sa akin. "Ayoko pa," sagot ko at nginitian siya. "Gusto ko maging surprise ang gender ng first baby ko." KO. Naiilang pa rin akong gamitin ang salitang 'NATIN'.

Nilapag niya muna ang tasa ng kape sa center table saka niya ako tinignan na may kunot sa noo. Here he goes again, bringing up the topic I've already dismissed before. "Bakit? Kahit ako nalang, Lyza. Promise, isi-sikreto ko pa rin sa'yo. Eight months na ang tiyan mo pero 'di mo pa rin inaalam."

Oh, right. This is my 8th month of pregnancy. Ang bilis 'no? Parang kailan lang nung nalaman kong buntis ako, tapos ngayon, parang halos nakalunok na ako ng pakwan sa laki ng tiyan ko! Hindi ko rin namalayan na nakasurvive ako ng 8 months kasama si Derrick na sa araw-araw na ginawa ni God ay puro away-bati ang daily routine namin. Siguro, tama nga ang sabi ng ibang tao na hindi mo namamalayan ang pag-usad ng araw kung nag-eenjoy ka.

"Ayoko pa, okay? Saka na kapag manganganak na ako. Para you know, may thrill."

"Edi ako nalang. Bukas, kapag nagpa-check up ka, aalamin ko sa OB mo kung ano'ng gender ng anak natin," he said will full of conviction and smirked at me.

I rolled my eyes, then. "Masyado kang atat. Next month na ako manganganak. Duh? 'Di ka ba makakapaghintay, Derrick?"

Umiling lang siya sabay kagat sa hotdog na niluto niya. Hanggang ngayon naman ay puro pre-cooked food pa rin ang kaya niyang lutuin. Kailan ba siya matututong magluto para sa amin? 

"Derrick, alamin nalang natin kapag lumabas na. Okay?"

"Gusto ko talagang malaman."

Napailing nalang ako at inubos na ang pagkain ko. "Mas maganda kung surprise," sabi ko at uminom na ng tubig.

"I hate surprises."

Tinaasan ko siya ng kilay. Yung tingin na tipong 'bakit ang kulit mong nilalang?'. 

"Bahala ka. Bakit ba gustong-gusto mong malaman? Eh ganun din naman yun. Boy or girl man, basta normal at healthy."

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. Kapag natatawa pa naman siya, ang sarap niyang panuorin. Eh kasi naman, geez, yung mga mata niya mas lalong sumisingkit. Nakakagigil!

"Para mabilhan na natin ng gamit. Paano kapag nanganak ka? Anong ipapasuot mong damit? Hindi naman ako makakapayag na ibalot nalang siya sa dahon ng saging," sabay tawa na naman niya.

Natawa na rin tuloy ako. Sheez. Oo nga, wala pa pala kaming napapamili kahit isang gamit para sa baby namin. I mean, baby ko.

"Eh kasi naman, Derrick, kapag inalam mo yung gender, syempre bibili ka na ng gamit nyan," umusog ako sa tabi niya at sumandal sa backrest ng couch. Siya naman itong ipinulupot ang kaliwang braso niya sa bewang ko. "Makikita ko kung pang anong gender nung gamit. Mai-spoil ako. Ayoko ng ganun."

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon