Dear Baby Daddy,
"Mag-iingat ka by, video call tayo lagi pag wala kang pasok or break mo! I love you! Mamimiss kita"
Yan yung huling salitang binitawan ko bago ka tuluyang sumakay ng taxi papuntang airport dahil pupunta ka na sa Dubai. Pinipilit kong ihatid ka pero nagpumilit kang wag na dahil may pasok pa ko sa trabaho.Nagpunta ka dun para magtrabaho at para na din sa future natin, para maibigay yung kasal na pinapangarap natin.
2years lang yung contract mo dun bilang isang architect. 2 years lang kitang aantayin. Namimiss na kita, saglit lang naman yung 2 years diba? Pag balik mo dito ikakasal na tayo. Yung engagement ring na binigay mo sakin hindi ko hinuhubad kasi yun yung connection nating dalawa. Gabi gabi din tayong magkausap kaya kahit papano nalilibang ako, kahit papano hindi ko namamalayang lumilipas na yung mga araw at gabi na anjan ka sa Dubai habang ako andito sa Pinas hinahantay ka. Malapit na baby magkikita na ulit tayo, at ikakasal na tayo.Isang linggo nalang baby, isang linggo nalang magkikita na tayo ulit.
Lumipas na yung mga araw, yung isang linggo naging isang araw at yung isang araw naging isang oras at ngayon nga nakatayo na ko dito sa airport hinihintay ang pagbaba mo sa eroplano.
Kinakabahan ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko siguro kasi namimiss na talaga kita, gusto na kitang yakapin ulit.
Nakikita na kita, natatanaw ko na yung muka mong nakangiti, at ang mga kamay mong nakabukas at handang yumakap sa akin ng mahigpit.
Pero...
Pero..
pero bakit nilagpasan mo ako, sinundan kita ng tingin, baka kasi hindi mo lang ako napansin, balak ko na sanang sumunod sayo at yakapin ka patalikod pero bago pa kita yakapin may niyakap kanang iba. Isang babaeng nasa edad na 3 hanggang 4. Ang higpit ng yakap nyo sa isa't isa, at pag bitaw sayo ng batang babae, niyakap ka naman ng isa pa uling babae na halos kaedad mo lang.
Iniisip kong baka nagkamali lang ako, na baka mali lang yung taong nakita ko pero hindi eh, ikaw na ikaw yun, yung ngiti mo, yung lakad mo. Hindi ako pwedeng mag kamali ikaw yun.
Ang sakit, ang sakit sakit, hindi naman umuulan pero basang basa yung muka ko, yung luha ko hindi ko na mapigilan, umiiyak ako habang nakatingin sa inyo, umiiyak ako habang ang saya saya nyo, kinarga mo din yung batang babae at hinahalikan mo sa pisngi, na parang sabik na sabik kayo sa isa't isa. Napansin ko ding napatingin ka sakin pero iniwas mo din agad yung tingin mo.
Paalis na kayo pero yung paa ko nakapako ata sa sahig na airport hindi ko maihakbang. Gusto ko sang humabol sayo gusto kong humingi ng paliwanag, ang daming tanong sa isip ko na kailangan ng sagot. Sino yung babae? Sino yung bata? Kala ko ba ikakasal tayo? kala ko mahal mo ko? pero bakit?
Para kong nabuhusan ng kumukulong mainit na tubig, nalapnos yung buong pagkatao ko. Ilang minuto pa kong nakatayo habang umiiyak, hindi ko alam kung anong unang kong gagawin, basta ang alam ko lang ang sakit sakit na, yung iyak ko hagulgol na para kong batang inagawan ng candy.
Naghahanap ng kakampi, naghahanap ng tatakbuhan.
Hanggang sa marinig ko ang pangalan ko...
"Ms. Hailey Rivera will you please turn around?"
Ms. Hailey Rivera?
Ms. Hailey Rivera?
Hindi ko alam kung ako ba yun, hindi ako sigurado kung ako nga yon pero tumalikod pa din ako.
Hindi ko na alam yung mga pangyayari pag talikod ko nakita kita, nakita ko kayo, ikaw, yung babaeng kasama mo, yung batang babae, yung buong pamilya mo at buong pamilya ko. May banner at may nakalagay na "Baby! for the second time, will you marry me? Will you be my wife?"