Isang ordinaryong babae pag ako ay nakikita pero sa totoo ako ay leader ng gangsters na ang pangalan ay BLOOD WOLVES. Walang may gustong magalit ako at pumunta sa bad side ko. Ako ay marunong maawa maliban lang magmahal. Yun ang ayaw kong malaman dahil hindi ako interesado at hindi pa rin ako natuto magmahal. Ako ay hindi naman masamang gangster, estudyante ako sa paaralan ng mga hindi karapat dapat sa mga ibang eskwelahan tawag dito ay Bad High. Halata na ang eskwelahan ko ay hindi dapat sa mga mababait na tao ngunit mayroon paring mga estudyateng matitino dito. Ako pala si Xyle Reed.
Isang araw sa paaralan na kung saan dadating ang mga late enrolle. Isa na ako sa mga dun, pero kilala na ako at nakaready na ang paper ko agad agad sa counter. Nagulat ako ng ibigay ang schedule ko, nagbago ito at mukhang may mga matitino akong mga kaklase. Ayaw ko na sanang pumasok sa first subject pero hinila na ko ng bestfriend kong si Kyle Reed. Tama Reed rin sya kakambal ko siya. Tinuturing ko na rin siyang bestfriend ko. Gang Leader rin siya pero mas matino pa sya para maging leader ng isang gang.
Magkasama kmi sa lahat ng subject, ang gang naman niya ay naghihintay sa kanya sa labas ng classroom. Para siyang hari sa campus tawag sa gang nya ay Death Note. Walang kahit sino mang may gustong mapunta sa bad side ng Death Note dahil sa pangalan palang ay nakakatakot na itong marinig. Ngayong araw may isang lalaki mukhang gustong sumali sa Gang ng kapatid ko at bigla akong nagulat ng sabihin ng kapatid ko,
"Suntukin mo ko at pag nagawa mong mapablack eye ako pasok ka na"
Hindi pa nakakaabot ng 10 segundo ang pagiisip niya ngunit nasuntok na nya si Kyle at nagkaroon ng Black Eye. Kaya nakapasok siya sa Gang ni Kyle. Agad akong napatakbo papunta kay Kyle nang magsimulang dumugo ang kaniyang mukha. Doon ko lang nakita ang lalaki, mukhang natutuwa siya si ginawa niya. Agad dumating ang gang ko naman at inalalayan si Kyle papuntang clinic samantala ako ay sinuntok ko ang pader na naging dahilan ng pagkawasak nito at pagdugo ng aking mga kamao. Napatahimik ko ang lalaki na mukhang magsasalita na sana. Nakakabwisit tong lalaki na toh buti naisipan na niyang umalis at baka siya pa ang maging pader. Sa buong campus wala pang nangagalit sakin o kaya sa kapatid ko. Bawat miyembro ng gang naming magkapatid ay may pagsubok. Ang sakanya ay subukang suntukin siya at dapat magkablack eye samantalang ako ay dapat magkaroon kami ng hand to hand combat na hindi ko dapat matamaan siya ng kahit isa lamang pero wala pang nakakatalo sakin kung kaya't handpicked na lamang ang aking mga miyembro. Sa lahat ng gustong sumali sa Gang ko ay may kaya pero hindi sila umaabot sa expectations ko.
Nang nakita ko ang kapatid ko ay mayroon siyang sugat sa bandang mata na parang galing pa ito sa isang kutsilyo. Kaya napatanong ako sakanya
"Kyle bat ka may sugat akala ko ba hanggang black eye lang?" Galit kong tanong
"Oo nga pero hindi naman eto ginawa ni Tyler, akala ko siya rin mukhang may nagtapon ng kutsilyo"
"Anong may nagtapon eh wala ngang kutsilyo sa floor e.So Tyler ang pangalan niya.Mukhang bago hindi ko pa natitikman dugo niya ah. Can I have the pleasure to kill him?" pagtanong kong pabala
"XYLE!" galit na tawag saking ni Kyle
"Fine, hindi ko muna siya papatayin
Kyle:
Kilala ko na si Xyle kaya alam kong hindi niya papalampasin ang nangyari sakin. Pati naman ako gusto kong patayin ang gumawa nito sa gwapo kong mukha.
"Hindi mo naman ako kailangan protektahan at alalayan. Hindi mo ba alam ako ang Leader ng DEATH NOTE ang isa sa mga kinakatakutang gang sa campus" sabi ko kay Xyle na mukhang alalang alala sakin
" Kaya nga kita prinoprotektahan dahil ikaw ay kapatid ko at leader ka pa nang gang at bilang isang leader rin ng BLOOD WOLVES ay mas madami may gusto ng buhay ko. Dahil isa ang gang ko sa itaas."
She caught me off-guard. Alam ko naman na siya ang may hawak ng pinakamagaling at kinakatakutang gang sa campus.
Iniisip ko nga kung bitawan ko nalang ang gang ko pero mas ok na ko dito.
Dumating si Tyler na mukhang inosenteng bata na hindi. natanong ko sakanya kanina kung ano ang grade niya, yun pala kaparehas lang pala kami kami ng grade level.
Nakita ko na ang kamao ni Xyle kaya pinigilan ko agad ito at umupo sa kama. Siya palang ata ang nakagalit kay Xyle nang ganito. Pero mukhang kumalama na ito nung nagsalita si Tyler.
"Sorry, alam kong iniisip mong ako gumawa niyan sainyo...." Ikinagulat ko ang ibinigay nya at itinuloy ang kaniyang sinasabi
"Nakita ko yan malapit sa lugar kong san ka nasugatan. Nakita ko sa may field at kinuha, baka yan ang gumawa sayo"
Kilala ko ang kutsilyong iyon. Gamit yon ng BLOOD WOLVES. Siguro tinatarget na nila si Xyle.
"Wag na wag mo yang ipakita kay Xyle. marka yan ng kanilang grupo kung ako sayo wag muna" bangit ko at bigla syang napanganga
"osge po leader" oo nga pala pasok na sya sa DEATH NOTE
makalipas ang ilang minuto pagkatapos umalis ni Tyler ay bigla kong naalala ang mga sinabi sakin ni Xyle 'pag ako nagmahal ikaw ang unang makakaalam at kung ako ay nasaktan ikaw una kong iiyakan pero pag ikaw nasaktan mukhang masisira ang buhay ko' napatigil ako at tumingin sa bintana ng nakita si Tyler naglalakad na sa campus, para syang Cheetah ang bilis niyang maglakad.
Mukhang ako na ang target ng mga gustong magpabagsak sa kapatid ko. E wala pa siya naging mahal sa buong buhay niya kaya ako ang pinupuryenta nila. Kahit kailan talaga hindi rin kaya ni Xyle na ilayo ako sa gulo ng gang niya. Ayaw na nila si Xyle kasi malakas siya masyado at handpicked lang sila kaya ibig sabihin daw ay wala silang kwenta. Hindi man nila sabihin halatado na.
Kahit kailan talaga wala pang nakakatalo kay Xyle pero kung feelings niya ang gusto nilang talunin ay mas lalong mali ang punteryahin ako dahil mamatay sila sa paggulo sa buhay ko.
Diyan magsisimula ang storya sa gulo ni Xyle at ni Kyle

YOU ARE READING
Unexpected love
Ficção AdolescenteAng Reed Twins well known sa kanilang lugar. Leader ng kaniya kaniyang gang. Ang kambal na ito ay never nagkaroon ng relasyon dahil simula bata palang hindi na nila ito inisip kundi ang pagtratraining nalang at pagkahawak ng mga kutsilyo at baril an...