PROLOGUE

86 12 3
                                    

"Class kung tapos na kayo you may now pass your papers."

Wika ni Ma'am Hernandez kaya nagpasa na ng mga papel ang mga kaklase ko.Nang lahat kami ay nakapagpasa na ay muli siyang nagsalita.

" We still have 20 minutes left kaya may gusto akong ishare sa inyo. Yung mga gustong makinig stay here at yung mga ayaw you can have your early lunch. "

Halos na ngalahati na lang kaming mga natira dahil marami sa kanila ay mas gustong maglunch agad. Yung iba naman ay dahil bored sila na natili lang sila dito sa room.

" So class do you believe in ghost? "

Tanong ni Ma'am at halos lahat sa kanila umiling except for me at sa mga kaklase kong wala namang pakielam.

Kung ako ang tatanungin, I believe in ghost why simply because I can see them with my bare eyes. I dont know kung kailan at paano nag-umpisa basta alam ko isang beses tinawag nila akong baliw dahil nagsasalita daw ako mag-isa at dun ko napag-alaman na multo pala ang kausap ko.

I can determine if someone is a ghost or not just by staring at their eyes. If their eyes are color green then they are already a ghost trying to get some help from people like me who can see them.

" Tama nga ang prediction ko na halos lahat sa inyo ay di naniniwala sa multo pero for me they are real. "

Anya ni Ma'am kaya nagbulungan ang mga kaklase ko. Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko na si I-dont-care-about-his-name at nagsalita.

" Miss how can you say that ghost are real do you have evidences or rather can you see them? "

" I dont have any evidence Mr. Chan but I can sense that they are real."

Saad ni Ma'am kaya naman ay naupo na ang kaklase kong ang apelyido ay Chan. Nagtaas naman ng kamay ang kaklase kong babae eh na ang pangalan ay like-bloody-hell-I-care.

" Ma'am ibig sabihin po ba nito ay nakakakita kayo ng multo. " natatakot niyang wika

" Ms. Paulme as I said earlier I can sense that they are real. "
sagot muli ni ma'am at napadako ang tingin niya sa akin. Alam kaya ni ma'am?

" Ma'am sa pagkakaalam ko pagnamatay ang isang tao sinusundo sila ng grim reaper tapos dadalhin sa isang lugar then kapag mabuti ang isang tao papainumin sila ng tea tapos kapag masama hindi then pwede na sila pumunta sa kabilang buhay. " mahaba nitong linya at nagsigawan naman ang mga kaklase ko

" GOBLIN WHAAAAAAA!!!!! "

" Ma'am ibig sabihin po ba nun ay totoo rin ang goblin?"

" Ma'am gwapo po ba ang mga grim reaper tulad ni Lee Dong Wook? "

" Sana goblin's bride ako huhuhu "

" I see you never come my way
But I will someday
Never far away
I see you lover come my way
But I wanna stay
Never far away ~~ 🎵🎶🎶"

At kung anu-ano pang walang kakuwenta kuwenta. Ako di ako makarelate sa kanila dahil hindi naman ako mahilig sa K-drama. Pano ko nalaman na K-drama yun, simple lang dahil sa pangalan na binanggit nila.

" Class quiet. Hindi totoo ang goblin pero ang mga grim reaper ay totoo dahil ang mga grim reaper ang sumusundo sa mga taong namayapa na. "

Nagsimangutan ang mga kaklase kong babae tila ba desmayado sa kanilang narinig.

" Ma'am kung totoo si kamatayan bakit may mga multo na nagpapakita sa mga tao? " tanong ng kaklase ko

" Ang mga tawag sa mga yun ay lost souls o ligaw na kaluluwa. Let me explain it to you class, may mga tao na matapos mamatay ay gusto pa rin magstay dito sa Earth dahil kanya kanya nilang rason. Maybe some of them have unfinished business. "

" Ma'am kung ganun ay bakit nananakot ang mga multo base sa mga napapanood ko? "

" Sa totoo lang class kaya nagpapakita sa atin ang mga multo ay dahil kailangan nila ng tulong upang magawa nila ang mga unfinished business nila kaya wag kayong matakot kung may magpapakita sa inyo na multo. "

Bigla tuloy ako napaisip sa sinabi ni ma'am kaya ba nagpapakita at lagi akong ginugulo ng mga kaluluwang nakikita ko dahil may mga unfinished business sila.

Napatingin ako loob ng classroom namin at may nakita akong babae na nakatayo sa may pinto na nakauniform ng katulad sa amin. Duguan ito at nakatingin siya kay ma'am. Nakakakita nga kaya talaga si ma'am ng multo?

" Ma'am may tanong po ako, ba~ " naudlot ang sasabihin ng kaklase ko nang biglang nagbell.

Bigla na lang nawala ng parang bula ang mga kaklase ko at kami na lang ni ma'am ang natira. Napatingin ako kay ma'am habang inaayos ko ang gamit ko.

" Ms. Gomez nakinig ka ba sa akin kanina ? " tanong ni ma'am

" Ma'am nakakakita rin ba kayo ng mga multo kagaya ko ? " tanong ko rin sa kanya

" I dont see them but I can hear them begging and asking for our help "

AM'S note:

So ano guys foods for your thoughts maganda ba??? Comment naman dyan. Wanna see magic just press the star below it will become orange promise. Guys always remember fiction lang toh fiction. Hi kay khaycee3571 hope you reading this nonsense story lols.

OMO GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon