DREI'S POV
"Babe, kanina ka pa sad jan? Anong problema? may sakit kaba?" Hinipo nya ang noo at pisngi ko..
ang kulit nya, kanina pa sya daldal ng daldal walang kwenta naman ang mga sinasabi
"Wala.wala inaantok lang ako sige umuwi kana" Tinanggal ko ang mga kamay nya sa mukha ko at tumayo
"Di mo ba ako ihahatid?" hinawakaan nya ang mga kamay ko at nag pout, Tsk, kulit kung ihahatid kita edi makikita tayo ng iba kong girlfriends. =_=
"Inaantok nga ako diba? uuwi narin ako" kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng classroom iniwan ko na sya dun mag isa kanina pa kami nasa classroom kami lang dalawa daldal ng daldal yung babaeng yun walang kwenta mga pinagsasabi nakaksawa Psh.
Para akong wala sa sarili habang naglalakad, kanina pa ako ganito, kanina pa ako tulala , malalim ang iniisip napansin nga ako ng mga teachers eh akala nila may sakit ako o ano,. simula nung mga nangyari kaninang umaga sa lumang building naging ganito na ako.. ish :/
"at bakit? ano ba kita?"
arrrrrrgh!!! ><' ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis sa sarili ..
ang tagal na nung huli kong marinig yan pero bakit feeling ko parang nasasaktan ulit ako?
Bakit ba hindi ako makalimut? Ugh!
napaupo ako sa green grass malapit sa street namin may river dito at may mga puno din buti nalang walang tao ngayon..
tumayo ako at kumuha ako ng bato at lumapit sa river tinapon ko yung bato sobrang layo ni hindi ko man lang nakita kung saan na..
napatingin ako sa tubig malapit sa paanan ko at nakita ko ang sarili ko, Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko kaya hindi ko namalayang pumatak yung luha ko dahil dito gumalaw yung tubig sunod-sunod pa ang pag patak ng luha ko at patuloy ring gumagalaw ang tubig dahil sa luha.. patagal ng patagal nagiging iba ang itsura ko sa tubig parang hindi ako..pero kilala ko to, kasi ang nakikita ko ngayon ay ang ..
Dating ako..
[FLASHBACK 1st year High School]
"Wag! wag please! akin na yan! Di ako nakakakita ng maayos.. please ibalik nyo yan"
Talon ako ng talon inaabot ko kasi yung eyeglass ko na nasa kanila
"HAHAHA! abutin mo! abutin mo! kuting kuting! HAHAHA!"
"HAHAHA!! pandak na mahina pa!"
Tawa sila ng tawa pero patuloy ko paring inaabot ang salamin ko dahil sa pag talon talon ko naapakan ko yung paa ng may hawak ng salamin ko
"Aray! aba? lumalaban kana ha?! Lumalaban kana?"
tinulak-tulak nya ako dahilan para mapahiga ako sa sahig bigla akong hinawakan ng mga kasama nyang lalaki sa braso at pinalapit sakanya
"Wag na wag mo kaming kakalabanin! Lalo na ako! nakikita mo ba to?" pinakita nya sakin yung fist nya sobrang lapit sa muka ko kaya umiling nalang ako
"kung ayaw mo tong dumapo sa pagmumuka mo! umayos ka!" tinuro turo nya lang ako hindi ako makagalaw at hindi rin ako makakita ng maayos gusto ko ng umiyak masakit na ang mga braso ko dahil sa pag hawak nila napayuko nalang ako at hinihintay na bugbugin nila..
1..
2..
3..
"Hoy! mga gago! tigilan nyo nga sya mga wala kayong awa! gusto nyo isumbong ko kayo kay maam?" napatingin ako dun sa nagsalita isang babae medyo di ko sya makilala dahil hindi ako nakasalamin pero kitang kita kong naka pa meywang syang nakatingin sa direksyon namin