tmb - 2

946 44 17
                                    

Mika's POV

Nandito ako sa mall ngayon para i-meet si Jessey, ewan ko ba bigla nalang akong niyaya at tumawag pa talaga kaya naistorbo ang tulog ko. Sabi nya sa Starbucks daw kami magmeet. Kakarating ko palang, ang daming tao jusko. Holiday ba ngayon? Bakit parang kalahati ng populasyon ng Pilipinas eh naandito ngayon? 

Ayoko sana lumabas ng bahay dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na to. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari pero itong bestfriend kong matampuhin ay sinumpong nanaman dahil ilang buwan na kaming hindi nagkikita. Naglalakad ako ngayon at sinusubukang makalagpas sa siksikan dahil ang daming tao, nagkakabungguan na kami halos.

Nang makalagpas ako sa madaming tao ay inayos ko ang damit ko at buhok kong napariwara narin dahil sa siksikan kanina. Maluwag luwag na ngayon at natatanaw ko na ang Starbucks. Naglalakad na ako papunta don ng may mahulog sa tapat kong panyo kaya pupulutin ko sana para iabot sa nag mamay-ari pero sabay pala kaming pumulot. Napatingin tuloy ako sakanya, at ganun di sya sakin.

"A-ara? Ikaw ba yan?"

"Mika...

Parehas kaming napatayo agad at hindi alam ang gagawin. Teka, nagp-panic ako. Anong sasabihin ko, anong gagawin ko? Chance ko na to. Kalma, Mika.

"Kumusta ka na, Ara?" yan lang ang nasabi ko dahil ang awkward. Tumingin siya sakin at ngumiti ng pilit.

"Ayos lang naman. Mauuna na ako, Mika." sabi niya at nagsimula na syang maglakad. Aray, hindi man lang kinumusta o kung ano man. At halatang gustong gusto na nyang umalis.

"Teka, Ara." pagpigil ko sakanya. Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako. Hindi sya sumagot pero naghihintay sya sa kung anong sasabihin ko.

"S-sorry. Sa nangyari satin 6 months ago. Ara, you should've stayed sana narinig mo--" pinutol nya yung sinabi ko with a laugh, a bitter one at humarap ng maayos sakin.

"You know what, Mika? It doesn't matter. The damage has been done. Tapos na yun at ikaw na nagsabi 6 months ago. Ang tagal na non. Move on na tayo." sabi niya sakin ng seryoso.

"Pero Ara, mahal padin kita." sabi ko at yumuko. Shit, now or never.

"Problema ko pa ba yun? Problema mo na yun, Mika. Kasi ako, hindi na." matigas na sagot ni Ara kaya napatingin ako sakanya. Seryoso syang nakatingin sakin at paglipas ng ilang segundo ay tumalikod na at umalis.

Bigla ko nalang naramdaman yung mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Totoo ba, to? Hindi na ako mahal ni Ara? Bakit? Hindi ba ako karapat dapat? Sana kasi pinakinggan muna nya ako.

----- KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING -----

Bigla akong nagising dahil sa alarm clock ko. Napabangon agad ako at tumingin sa paligid, andito ako sa kwarto ko. Panaginip lang pala yun. Panaginip nanaman tungkol sakanya. 6 month na ang nakalipas pero palagi ko padin siyang napapanaginipan. Puro masasakit na panaginip. Gaya ng dati, pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko at bumangon na sa kama. 

Isa nanamang araw na nakakapagod dahil may training na kami. Sumali ako sa team ng Petron for PSL. Maganda ang offer na binigay nila sakin kaya pumayag ako sa contract. Medyo awkward nga dahil ka-team ko si Bang, yung ex ni Ara pero hindi pa naman kami naguusap, puro ngitian lang. 

Pagkababa ko nakita kong nakaupo na silang lahat sa mesa at ako nalang ang hinihintay. Pasukan na kasi nila Miko at Mikole kaya maaga nadin silang gumigising. Tumingin ako sa orasan at 6:00am palang. 8:30 am ang training namin ngayon.

"Ate Mika. Tara kain na tayo, upo ka na." aya sakin ni Mikole, napansin na pala niya ako. Bumaba naman ako ng hagdan at umupo na.

"Anong oras ang training mo, anak?" tanong ni Papa habang busy sa pagbabasa sa dyaryo. Typical Papa at typical breakfast ng mga Reyes.

"8:30am po, Pa. Hindi ko pa alam kung hanggang anong oras po kami kasi madaming adjustments pa ang ginagawa." sagot ko kay Papa habang kumukuha ng pagkain

"Ihahatid ka ba ulit ni Jerome?" tanong ni Mama

"Yie si Ate. Pero paano na si Ate Ara?" sabat ni Mikole.

"Ano ka ba, Mikole. Syempre kaibigan lang si Kuya Jerome. Pero si Ate Ara, yan ang laman ng puso. Diba, Ate?" pangaasar ni Miko sakin.

"Mikole. Miko. Masama sumabat sa usapan ng matatanda ha." saway ni Mama at tinignan ako. Hay, nabanggit nanaman pangalan nya. Ito talaga epekto pag naging close sa pamilya mo lalo na sa mga kapatid mo eh.

"Hindi po, Ma. May shoot po sya kaya dadalhin ko yung sasakyan ko." sagot ko at kumain na ng breakfast.

Si Jerome? Nanatili kaming friends kahit nalaman nya yung nangyari samin ni Ara. Nagsorry nga sya nun sakin at nag-offer pa na kausapin si Ara pero hindi na namin sya na-contact o nahanap. Hindi ako nag-try na kausapin sila Kim o kahit sinong teammate ni Ara, nahihiya kasi ako dahil panigurado may tampo sila sakin o sama ng loob dahil sa nangyari. Gusto ko mang magpaliwanag, pinapangunahan ako ng takot at kaba. Kaya hinayaan ko nalang, bahala na ang tadhana.

----

Author's note

2 chapters today, pangontra sa 3rd anniversary ng BaRa. Three years na silang naglolokohan mga mamshies. Charot, ang sama ko. Hahahaha. Nakakaiyak, F2 vs Petron sa Finals, torn na torn ang KaRa heart ko :((

Comment. Vote.

twitter: pakwanlifetime

text me backWhere stories live. Discover now