Masarap ang feeling ng may ka MU..
May taong nandyan para sayo,
May taong poprotekta sayo kahit alam niyang
WALANG KAYO..
May magsasabing,
Ingat ka.
Nandito lang ako para sayo.
Namimiss na kita
minsaaaaaan,,
I LOVE YOU.
Pero minsan, naiisip mo na,
Totoo kaya yun? Seryoso kaya siya?
Pero MAHIRAP UMASA
kasi baka mamaya
WALA KA NAMAN PALANG LUGAR SA PUSO NIYA. TANGNA ANG SAKIT NUN!
"hoy Xyla, tumigil ka nga dyan sa pagde-daydream mo!" aba pakialamera talaga tong si pauline, pasalamat siya at bespren ko syaaa.
Binatukan ko sya
"Aray. Ano ba, jk lang naman yun eh." pagrereklamo niya
"Peace! Tatlong buwan na ang nakalipas pero di pa rin ako nakakamove-on, Siya pa rin Pauline!" pag eemote ko
"Ay ang landeee hahaha jk. Mahal ka pa ba ni Alex?" tanong nya
di ko na sinagot si pauline.
Mahal pa ba ako ni Alex? Ay ang tanga mo rin Xyla no? Malamang hindi na, eh di sana hindi ka niya iniwan sa ere.
Minsan natanong ko sa sarili ko,
Minahal ba ko ni Alex?
Magiging kami pa rin ba sa bandang huli?
Niligawan niya ba yung babae para magselos ako? Para mag sisi ako na di ko siya sinagot agad? Na hanggang MU lng muna kami?
ALAM KONG DI NA NIYA AKO MAHAL PERO NAGHAHANAP PA RIN AKO NG DAHILAN AT SIGNS NA BALANG ARAW, MAGIGING KAMI. NA MAHAL NIYA TALAGA AKO PERO MAY HUMAHADLANG LANG. WALA NAMAN DIBANG MASAMA KUNG UMASA?
Alex's POV
Tatlong buwan na kaming hindi magka MU ni Xyla.
Mahal na mahal ko sya pero hindi pwede.
Mas madali nya akong makakalimutan kung maaga ko syang papakawalan.
Ayokong masaktan siya sa bandang huli. Ginawa ko ito para sa ikabubuti ni Xyla.
May sakit akong leukemia, pero di alam ni Xyla. Ginawa ko ang lahat para magalit siya sakin at para makalimutan na niya ako. Pinalabas ko sa lahat na nililigawan ko na si Jane. Ang hindi alam ni Xyla ay lahat ng ito ginagawa ko para sa kanya.
Masakit para sa akin na pakawalan ang nagiisang babae na tinitibok ng puso ko. Xyla Mahal kita, Sana'y mapatawad mo ko.
Mapagbiro talaga ang tadhana, kung kailan masaya ka tsyaka niya kukunin ang mga bagay na nagpapasaya sayo.
Pero minsan kailangan nating tanggapin na baka hindi tayo para sa isa't isa.
Namimiss ko na si Xyla :'(
Wala na talagang ibang paraan kundi ang pakawalan siya.
ang buhay ng isang tao ay maikokompara mo na parang isang libro...
bakit?
kasi hindi natin alam kung makapal o manipis lang ang kwento nito.
Sa madaling salita ay hindi natin alam kung gaano katagal ang ating ilalagi sa mundo.
Sa pagkasilang isang bagong libro ang binuksan... habang tumatagal ay nalalaman natin ang umpisa ng storya.
Pero daratring din ito sa punto na makikilala natin ang mga problema... Problema na susubok sa ating katatagan at kakayanan.
Sa pagusad ng kwento sa libro mga bagong karakter ang ating makakasalamuha... mga karakter na huhubog sa ating tunay na kahulugan.
Pero sa pag-agos ng rumaragasang kwento hindi natin namamalayan na nababawasan na ang librong ito... malay mo, malapit nang magtapos ang istorya mo.
Pero natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit mo nakikilala ang mahahalagang tao para sayo?
Dahil sila ang nawawalanh pahina ng libro mo...
dahil kung wala sila isa kalang kwento na walang simula at katapusan isa kalang blankong libro na walang ka malay-malay...
Kaya naman maging produktibo tayo sa kung ano ang meron tayo kasi baka hindi pa natin alam na isang pahina nalang ang naghihintay sa atin at iyon ang wakas...
![](https://img.wattpad.com/cover/14206237-288-k87018.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Umasa kasi ako
Historia CortaHanda ka bang magsakripisyo mapasaya lamang ang taong mahal mo? Kaya mo bang magparaya sa nararamdaman mo dahil ang iniisip mo ay ang feelings nya sa huli? Hindi man natin alam ang mang yayari sa huli ay kailangan nating maging handa.