Sa isang kwarto na ang pintura at ang mga palamuti ay kulay rosas ay mahimbing na natutulog si Kaye. Pumapasok na ang sikat ng araw sa kanyang bintana. Naaabot na din ang kanyang mukha ng init nito kapag natatangay ng hangin ang kurtina ngunit hindi pa rin ito bumabangon. Ilang beses na din tumunog ang alarm ng kanyang cellphone. Ilang sandali pa ay tumawag na ang kanyang inay.
"Anak, hindi ka pa ba gigising?"sigaw ng ina na abala sa kusina. "Anong oras na?"
Walang isinagot si Kaye sa halip ay kinuha nito ang kumot at itinalukbong
"Naku, naman si inay. Sabado naman ngayon walang pasok. Alas siete pa lang ng umaga. Mamaya na ako gigising," bulong nito sa sarili.
Maya-maya ay sumigaw uli ang ina ni Kaye.
"Kaye, bumangon ka na! May pasok ka pa!" lumakas na boses ng ina at agad na sumagot si Kaye.
"Inay naman, Sabado ngayon."
"Ay, oo nga pala. Pero kahit na! Naghihintay ang mga gawaing bahay."
Walang nagawa si Kaye kundi ang tumayo na lang at mag-ayos-ayos.
"Opo, babangon na po."
Agad na hinanap niya ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito makita.
"Nasaan na kaya iyon. Ay, baka wala namang importante," wika nito sa sarili.
Naghilamos na nga siya ng mukha at pinalitan ang pajamang suot-suot. Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya napilitan na siyang hanapin ito.
"Oh my God, where could it be?" at tuluyang hinanap ito. "Saan ko ba nalagay?"
Hinanap niya dito at hinanap niya doon ngunit hindi niya pa rin makita. Sa sobrang kakaikot ay nadulas ito. Sa kanyang pagkadulas ay nakita niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng kama.
"At bakit ka you're there? OMG, my phone. Siguro kagabi nataping kita nang natutulog ako. Anyway you're here! Pero, anu ba naman ito. Halos lahat good morning lang ang text. Nasaan naman kaya yong text ni mahal. Hay... hindi man lang nakaalala. Mahal Kaye? Talaga, yun na ang tawag mo. Manliligaw pa lang pala," pagbawi nito at nilapag ang kanyang cellphone sa mesa. "Makapag-ayos na nga and para makapagbreakfast."
Ngunit tumunog ulit ang kanyang cellphone.
"Sandali at sino naman kaya ito? OMG again! I received load," tuwang-tuwa na sabi ni Kaye. At may sumunod ulit na text.
"Hi, Kaye. Good Morning! Na-receive mo na ba yong load?" ang nasa text.
"Oops, si Rick pala ito. Ang bait talaga niya. Lagi niya akong binibigyan ng load," at nagreply na nga siya dito.
Mayroong dalawang manliligaw si Kaye ito ay si Rick at George. Ngunit wala pa siya ditong sinasagot.
"Hi Rick. Thank you!" ang reply ni Kaye.
Pagkareply ni Kaye kay Rick ay may natanggap ulit itong message.
"Load received," ang laman ng text.
"Ang swerte ko talaga. Another load. Pwedi na yata ako magregister sa unlimited texting and call. Tiyak galing ito kay George. I'm so lucky. Ang dami kong admirer. With S pala. ADMIRERS. Sumpa na yata ang kagandahan ko," at napangiti na lang ito. "Pero sino kaya sa kanila ang sasagutin ko. Hay... so hirap. Anyway, never mind. Hindi na muna. Sayang ng load. With S pala ulit. LOADS."
Halos malito na si Kaye sa kakareply sa kanyang mga manliligaw. Maging habang kumakain ng agahan ay katabi pa rin nito ang kanyang cellphone at panay ang reply nito.
"Kaye, hugasan mo yong mga pinagkainan mo," ani ng ina. "Aalis muna ako at mamalengke. Ikaw na muna ang bantay dito sa bahay."
"Opo, inay," sagot ni Kaye habang panay pa rin ang text.
Pagkatapos nga kumain ni Kaye ay naghugas ito ng mga pinagkainan at naglinis ng bahay ngunit nasa bulsa niya pa rin ang kanyang cellphone. Nakagawian na ni Kaye ang ganitong gawain kung wala siyang pasok lalo na kapag Sabado at Linggo.
"Hay naku! Parang gusto kong pumunta ng mall ngayon," wika ni Kaye sa sarili. "Siguro mamayang hapon na lang. Ngunit parang I need kasama. Sino kaya ang pweding i-text. Si Krissy at Angel kaya? Busy kaya sila now. Parang I want shopping!"
Si Krissy ang isa sa mga close friends ni Kaye. Nagkakilala sila noong first year high school sila. Siya ay matangkad ng kunti kay Kaye at kayumanggi ang kulay. Isa pa sa close friends ni Kaye ay si Angel. Si Angel ay medyo mataba, maputi at halos magkasingtakad lang sila ni Kaye. Ang tatlong ito ang laging magkasama sa loob ng eskwelehan. Sa gimik hindi sila nagpapahuli. Kapwa silang tatlo mahahaba ang buhok pero ang pinakamaporma sa tatlo ay si Kaye at ang may manliligaw.
"Hi Krissy and Angel. Busy ba kayo. Shopping tayo mamayang hapon," ang text ni Kaye sa dalawa.
Kinuha ni Kaye ang remote ng TV at ito ay pinaandar. Manonood muna ito habang nagpapahinga at naghihintay ng text ng kanyang mga kaibigan.
"Ang tagal naman nilang magreply," ani nito sa sarili habang kumakain ng mansanas.
Mayamaya ay tumunog ang kanyang cellphone.
"Kaye, Go ako diyan. What time?" ang text ni Angel.
"Uhm, siguro mga 2pm. Pero hindi pa nga nagrereply si Krissy," reply nito kay Angel.
"O sige at 2pm. Sure... Tawagan mo na kaya si Krissy? Baka kasi wala iyon na load."
"Mabuti pa nga! Wait. I just call her. I will just text you maya."
"Okay," reply ni Angel.
Tinawagan nga ni Kaye si Krissy.
"Nasaan na ba yong number niya. A heto pala. Ano kaya ang ginagawa niya?" wika ni Kaye sa sarili habang tinatawagan si Krissy ngunit panay lang ang tunog ng cellphone nito. "Krissy sagutin mo ang phone mo.
"Hello?" sagot ni Krissy.
"Krissy, ano ka ba bakit ang tagal mong sagutin ang cellphone mo?" wika ni Kaye.
"Sorry naman, naglilinis kaya ako ng bahay. Alam mo naman sabado ngayon. At ang dami-dami ko pang linabhan."
"Anyways, pwedi ka ba mamayang hapon. Mga Alas dos. Punta tayo ng Mall. Sinabihan ko na din si Angel, pwedi daw siya. How about you?"
"Sure! Paano ba yan text text na lang maya. I need to finish the gawaing bahay pa," reply ni Angel.
"O sige, Kitakitz later," ang reply din ni Kaye.
Agad na sinabihan ni Kaye si Krissy na okay daw kay angel ang sumama at pumunta ng mall mamaya.

BINABASA MO ANG
I'm Sorry, I'm Not
Teen FictionDahil sa sakit na naidulot ng pag-ibig kay Andrew ay magbabago ang pananaw niya dito at ito ay magiging isang laro na lamang para kanya. May pag-asa pa bang magbago si Andrew at kung magbago man siya ay huli na ba ito?