Chapter Three

43 1 0
                                    

Jandi’s POV

Pagkadilat ko ng mga mata ko, Panaginip lang ba ang lahat? Nasan na si Jihoo ko?

Teka. Napansin kong wala ako sa kama ko.

Nakita ko na lang na parang nasa isang hospital ward ako na pangmayaman.

Ang lambot ng kama, tapos may shaded lamps pa.

May carpet, tv, vase, at refrigerator na parang hotel!

Ang ganda naman dito. Para akong prinsesa.

Habang nagpapantasya pa ako, bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang nurse.

Jihoo? Tama ba ang nakikita ko? Katabi ng nurse si Jihoo?

“Namutla ka at bigla kang hinimatay.” Sabi ni Jihoo sakin. :”>

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil tinitigan ko lang siya dahil baka panaginip lang ito.

“You’re Jandi, right?”

Dahil parang walang boses na lumalabas sa lalamunan ko, tumango na lang ako.

Yoon Jihoo is talking to me. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito.

“How are you feeling now?”

“A-ahh..”

“I mean, the doctor said you’re ok, pero kung may kailangan ka…”

“Ah, Okay lang ako.”

At nung time na may boses na lumabas na sa bibig ko, hindi naman ito matigil.

“Ah, salamat nga pala dahil dinala mo ako dito. Ah, alam niyo po ba, super duper fan niyo po ako!!! Sobra!! Kung hindi mo na maitatanong, madami akong posters mo sa bahay ko, sa kwarto…”

NAKO. Ano ba yung mga pinagsasabi ko. Mukha akong jologs. Kakahiya!!!

“Well, thank you.” Sabi niya sabay ngiti.

Ang gwapo talaga niya. Kinilig nanaman ako ng sobra.

“You know, alam mo, ah, k-kase, para kasing… no. I mean, you really do look like someone I once knew.” Biglang sabi niya.

Ano daw? “T-talaga?”

Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kwarto.

“Jihoo!! Tinawagan ako ng secretary mo! I came as soon as I heard…” Natahimik na lang bigla ito nung nakita ako na nasa kama.

“This is Jandi.” Pakilala pa sakin ni Jihoo. “Isa siya sa mga employees mo sa Spade Records, and hindi ako ang na-ospital kung hindi siya. And, insan, you need to hold a meeting with the higher ups. Hindi mo alam na may employee kang nagtatrabaho kahit nilalagnat na.”

“I’ll…do that.”

Tinignan ko maigi yung sinasabing pinsan ni Jihoo.

Parang namumukhaan ko siya eh. AH!! Si Gwapong model!!

At naalala ko siya yung taong nakabungo sakin nung papasok pa ako.

“M-Mr. Goo Jun Pyo? K-kayo po ang record producer ni Jihoo labs…ahh I mean, ni Mr. Jihoo?”

“Right. Ako nga. And I think we’ve met before, right?”

“Ah, yes. Ako nga po.”

“The girl who looks like Gail.  Ikaw yung nagmamadali sa may entrance.”

“Ahh, opo.”

Teka, una, sinabi ni Jihoo na may kamukha daw ako. Tapos etong isa naman ay sinasabing kamukha ko daw yung Gail. Ano ba?!

Sino ba si GAIL?!?!

Cupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon