Arranged Marriage

162 1 0
                                    

“What? No please, ma! Wag naman po! Ayoko pa! Ang bata-bata ko pa para magpakasal!” tutol ko kay mama at papa. In-arrange marriage ba naman daw ako?! T__T

“Princess, para ito sa ikabubuti ng negosyo natin. At gwapo naman ‘yung magiging fiancée mo eh. Tsaka, pag graduate nyo na sa college kayo magpapakasal. Fourth year na kayo parehas sa next sem., oh, pwede pa kayong magka develop-an.” mahinahong sagot ni papa.

“Papa naman eh! Kahit na! Ayoko! Ma, please ‘wag nyo po ‘tong ituloy!” pagmamakaawa ko.

“Pasensya ka na anak ha, pero napagdesisyunan na namin ito ng papa mo at ni Mr. and Mrs. Garcia,” sabi saakin ni mama habang pinupunasan ang aking luha.

Napayuko nalang ako. Wala naman akong magagawa eh. Wala na, final na. Kung dati rati’y pwede akong umayaw sa mga ganito, ngayon hindi na. Malakas kasi ang lecheng kompanyang ito kina papa eh. Food and Catering Services ang sa kanila habang Hotel & Restaurant Services saamin. “Ok po.”

“Oo nga pala, We’re having dinner with them mamayang 8pm. Formal ‘yung theme,” dagdag ni papa.

“Sige po,” tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ang dalawa kong bestfriend.

“Punta ka dito. I have kwento. I need you here, waaaahh :’(“ and send.

Dumating sila after 20 minutes, “ALLIE!” sabay silang dalawa.

“What happened? Anong nangyari sa’yo? Ba’t ka umiiyak? Sino nagpaiyak sa’yo?! Sabihin mo at susugurin namin!” sunud-sunod na sabi ni Monica.

“Oo nga! Sino? Spill it! Nakuu, lagot saamin ‘yun,” sabi naman ni Julienne.

“Guys….” sabi ko habang pinupunas ang aking luha, “I’m engaged!”

They gasped,

“HUWAAAAAAT?!?!”

“Joke ka ba?!” -Monica

“Hindi.” -Ako

“Paano nangyari ‘yun?” -Julienne

Kwinento ko sa kanila ang nangyari kanina.”WAAAHH, ok lang ‘yan Allie. Malay mo gwapo ‘yun diba?!” -Julienne.

“Oo nga!” -Monica

“Pero guys—”

“Sshh.. tama na yan. Wala ka nang magagawa. Wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa, mag-ayos ka na para sa dinner nyo mamaya. 5 o’clock na oh. Maligo ka muna, para mabango ka mamaya.”

“S-sige.”

Pumunta na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos ko, pumunta ako sa dressing room at pumili ng aking susuotin. At ang napili ko ay ang Little Black Dress. Okay na siguro ‘to. Lumabas ako at nagpa make-up kay Julienne habang si Monica naman ay nag-aayos ng buhok ko.

“Ayan. Ang ganda ganda mo na! Siguradong magugustuhan ka nila!” natutuwang sabi ni Julienne.

“Gosh. You’re so perfect. Nakakainggit. Sa ganda mong yan, siguradong gwapo rin ang fiancée mo. Like, hello, tiwala naman ako sa taste nila Tito at Tita. Hindi ka naman siguro ipapartner sa pangit, diba?” -Monica

“T-thank you guys. Ang swerte ko naman dahil andyan kayo!” at niyakap ko sila.

“Jusko. Ang drama naman natin. Mabuti pang isuot mo ‘to,” sabi ni Monica habang inabot saakin ang isusuot kong heels.

“Maghikaw ka rin at necklace,” inabot nya rin ang lalagyan ko ng alahas.

“There! You’re ready! Tara na! Go go go!” masiglang sabi ni Julienne.

Lumabas na kami ng kwarto, “Oh, Julienne, Monica. Andito pala kayo,” -Mama.

"Good evening po, tito at tita," -Monica

“Anak, tara na. Quarter na oh. Baka ma-traffic pa tayo,” -Papa.

“Sige, Althea, alis na kami ha? Goodluck sa’yo! Tara na, Julie!” -Monica.

Umalis na kami sa bahay at pumunta sa aming destinasyon. Saktong 8 o’clock kaming nakarating. Pumasok kami at pumunta sila papa sa table kung saan nandoon sina Mr. and Mrs. Garcia. Sumunod ako sa kanila.

“Oh. Brian, Andrea! Mabuti naman at nakarating kayo!” bati ni Mr. Garcia habang nakikipagkamay kay papa. Nagbeso naman sa kanila si Mama.

“Kumusta kayo? Ahh ito nga pala ang anak namin, si Althea.” ngumiti ako sa kanila.

“Good evening po.”

“Ang ganda mo naman, hija. At ito naman si Cyriel, ang aming anak,” tiningnan ko siya. Tama nga si papa, gwapo siya. Maputi, matangkad, mukhang foreign-ish. Sabagay, mukhang foreigner naman ang mama niya; itim ang buhok, maputi rin, siguro may halo. Ang papa naman nya, moreno.

“Nice to meet you,” ngumiti sya kina papa. Then tumingin sya saakin and he smirked at me.

Okay....

Like, who the hell was that?!

I know whe is Cyriel Garcia, damn it! Pero nakakakilabot 'yung ngiti nya o_o

Argh...

Ewan ko pero nainis ako sa kanya.

“Ah, upo na kayo. Nag-order na ako ng ating kakainin. Mag-kwentuhan muna tayo.” yaya ni Mrs. Garcia.

Umupo na kami at nagkwentuhan, kumain, etcetera, etcetera. Napagdesisyunan na naming umuwi na nung 9:30. I felt relieved kasi makakapagpahinga na ako. May pasok pa bukas. Pagdating sa bahay, nag bihis na ako. Nakahiga na ako sa kama nung 10 o’clock na at mabilis na nakatulog.

 Lord, kayo na po bahala sa akin.

-----------------

GUYS! This is my first story here in wattpad :))

Well, I hope you like it.

Hit 'vote' if you liked it :)

Chos. Hahahaha.

Althea's look for dinner night sa right :>

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon