Chapter 3

54 0 0
                                    

Althea's POV

Umalis na si Monica.

Tiningnan ko si Cyriel at nakita kong nakatitig sakin ang loko.

"So.. pano ba yan. Bantayan daw kita?" sabay ngisi.

"Matanda na ako. Kaya ko sarili ko. Dyan ka na nga." iniwan ko sya.

Naglalakad ako papuntang music room. "Uy, san ka pupunta?"

"Wala ka na dun." Patuloy parin sya sa pagsunod sakin hanggang makapunta ako ng music room.

"Music room? Anong gagawin mo dito?"

"Ay tange. Edi tutugtog."

"Anong tutugtugin mo?"

"Piano."

"Ang boring mo naman."

"Eh sino bang nagsabi sayong sundan mo ako?"

"Si Monica."

"Dinamay mo pa talaga si Monica?"

"Sabi nya bantayan ko daw ikaw."

"Wala ka bang klase?"

"Meron."

"Ba't andito ka?"

"Cutting."

"Bahala ka."

Umupo na ako sa tapat ng piano. "Oh? Baket?"

"Wala lang. Marunong ka pala nyan."

"Tch." 

Tiningnan  ko sya. "Hindi ka pa ba tutugtog?" tanong nya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa piano at nagsimulang tumugtog. (yung tinugtog nya po pakiplay nalang sa multimedia.)

Habang tumutugtog ako, ay naaalala ko si Samuel, ang ex ko. Naging kami for 1 year. Mahal na mahal ko siya. Pero nahuli ko syang may kahalikan. Hindi lang basta halik, they were making-out.; their hands were searching each other's body. He tried to deny it, pero kitang kita ng dalawang mata ko. Ayokong magpaka-martyr dahil mas masaasktan ako. Kaya I chose to break up with him. 5 months na ang nakakalipas simula ng break-up namin. At hanggang ngayon, di parin nagbabago ang nararamdaman ko. 

Natapos akong tumugtog. Tahimik lang kami. Maya-maya, tumulo ang aking luha.

Cyriel's POV

Nag simula nang tumugtog si Althea. Ang lungkot ng kanyang tinutugtog. May problema ba sya? Kitang kita sa kanyang mata ang sakit na nararamdaman nya.

Natapos syang tumugtog. Umiyak sya.

"A-Althea, may problema ba?" patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. humihikbi sya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Hindi ko alam kung ano ang problema mo..iiyak mo lang yan. Sana makatulong akong mapagaan ang pakiramdam mo ng kahit konti."

"Ang sakit, sakit Cyriel. Mahal na mahal ko sya pero niloko nya lang ako. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali at ginawa nya to sakin. Pero bakit ganun? Mahal ko parin sya." patuloy ang pag-iyak nya.

"Kung sino man 'yung tinutukoy mo, gago sya. Gago sya kasi ginawa nya to sa'yo." pero kahit na hindi niya niloko si Althea, maghihiwalay parin sila dahil dito sa fixed marriage. Mas mabuti na ito.

Nagpatuloy ang iyakan session for 10 minutes. At ginawa nyang panyo ang polo ko "Oh.. eto panyo. Baka umiyak ka pa. Basang basa  na ang polo ko." tas inabot ko sa kanya ang panyo ko.

Tumawa sya. "S-salamat ha, Cyriel. At sorry din..kung naging masungit ako sa'yo."

"Okay ka na ba?"

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon