Kabanata 2

55 1 0
                                    

Nasa loob na kami ng classroom pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Batista at Bagay sa pang-aasar.

"Akala ko ba pare maganda yung nakilala mo nung summer. Binida mo pa na kamuka kamo ni Marian Rivera, yun pla ni Betty La Fea! aba'y tadtad ng blachheads yung muka eh!  " tawa pa rin sila nang tawang dlawa.

"Pare, maganda talaga si Dia, hindi ko naman kilala yung babae na un eh. ngayon ko lang siya nakita>"

"E pare, kung hindi mo siya kilala, bakit alam nya na ikaw si Tommy?" pangangatwiran ni batista.

"Hindi ko nga rin alam eh. pare naman kung kilala ko siya matatandaan ko. abay exotic ung mukha eh.'' sabi ko na nagtataka.

Hindi na namin natuloy ang pagkwekwentuhan dahil dumating na si Ms. Lee Evangelista. Siya ang adviser namin last year at teacher namin sa Filipino kaya hindi na kami masyadong pasaway sa kanya. Umayos na ng upo ang mga kaklase ko.

"Good Morning Class. Since malalim na ang pinagsamahan natin ay hindi ko na i-aalphabetically arrange ang seats nyo. Kung saan kayo nakaupo ngayon ay iyan na ang magiging upuan nyo. saka na lang tayo maglipatan pagkatapos ng first periodical exam nyo. Pakiusap lang. bawas bawasan ang kaingayan lalo na kayo dyan sa likod."... tumingin siya sa amin lalo na kila Bagay at Batista. So, until then kailangan ninyong mahalin ang mga katabi ninyo.''

Biglang may nag-yehey sa likod. Si Mara. Long time crush nya kasi si Vic na katabi niya. Para siyang isdang pinapatay. pumipisik pisik pa sa kilig. Yung iba naman ay tuwang tuwa rin sapagkat bff nila ang kanilang mga katabi.

" I am glad to announce na magkakaroon tayo ng bagong pasyente sa ospital na ito. May vacant seat pa ba tayo?''

Nagtaas ako ng kamay dahil may bakante pang upuan sa kanan ko. sa kaliwa kasi ay katabi ko si Bagay. 

"Sige, diyan ko na lang siya i-aasign sa tabi mo. So, Tommy Im giving you the responsibility to guide her.

Halata ko na naexcite si Bagay pagkarinig nung her dahil sawa na raw siya sa mukha ng mga tao sa school namin. Konti lang daw ang chicks puro raw inahin. hahaha loko talaga si Bagay eh babaero.

Tumingin na si Mam sa may pintuan at pumasok ang isang babae na naka pony tail. Si Batista na tumayo para magpapansin sa bago naming kaklase ay biglang umupo at pigil na pigil ang tawa.

Nang tumingin ako sa bago naming kaklase gusto kong magunaw na ang mundo, kainin ako pating, lapain ako ng tigre at kung ano ano pa......ang bago naming kaklase???????????

juxme si Betty La Fea!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Humanap ka ng Panget :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon