After that incident, nagbago ang lahat between us. Hindi ko pala masasabing insidente kasi sinadya ko yun. Talagang pinamukha ko sa kanya na inis na inis na inis na inis na ko. Hindi ko naman siya girlfriend eh. Kung makaasta para ko siyang asawa. Ginagawa nya ko na parang ewan. Hindi ko na nga siya pinapansin para tantanan na nya ako.. Amputekkkkkkkkkk eh sobrang kulit..
Kaya, nung umeksena sya sa harapan ng mga kaklase ko na parang nangangampanya na humihingi ng simpatya, Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ko sa matagal na pagtitimpi sa inis ko sa kanya. At ayun nasampal nya ko. Pati mga kaibigan ko galit sakin. Hay buhay.
Simula nung araw na yun. Wala nang nangungulit sakin. Wala nang pagkain sa desk ko. Wala nang letter. Wala nang nagtatanong kung kumain na ba ako. Wala nang nagkwekwento ng kung ano ano. Mula sa kalokohan ng aso niyang si Budoy hanggang sa nagyayari sa kapitbahay nila wala na. Tumahimikna ang mundo ko.
Hindi ko na rin siya masyadong nakikita. Dati rati lagi syang sumusulpot para magbigay ng kung ano ano. Ngayon wala. ngayon ko lang narealized na masyado na kong naexposed sa presence ni Gabby. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan kung paano nya ko tiningnan na parang na-disaapoint siya.
Ang hirap pala nang ganitong pakiramdam na may mga taong galit sayo. Isa lang ang naisip kong paraan. Ginaya ko si Gabby. Lagi akong nagkwekwento nang kung ano ano sa kanya. Kinuwento ko na isa na lang champion na ang Bmeg at matatalo ang team ko ang TnT. kwento lang ako nang kwento kahit hindi niya ko pinapansin.
Nag-iiwan na rin akong regalo tuwing umaga sa desk nya. Siguradong kukuyugin ako ng kantyaw ng mga kaklase ko. Hahayaan ko na lang. iyon ang consequence ng ginawa kong pagpapahiya sa kanya. Pero wala eh, wa epek pa rin. Siguro, hindi swak ang mga binibigay kong regalo sa kanya.Hindi ko kasi alam kung ano ang mga paborito nya eh.
"Janine, alam mo ba kung ano ang mga paborito ni Gabby?'' kinapalan ko na ang mukha kong magtanong kahit nakakahiya.
"At bakit mo naman tinatanong?" sabi ni Patricia. mataray talaga. ano kayang nagustuhan ni Bagay sa kanya.
"Gusto ko kasi siyang bigyan ng regalo eh. Alam mo na peace offering :)''
"ahh teka, paki check nga kung si Tommy ba talaga to. Baka kasi sinasapian lang nang mabuting ispiritu eh! hindi kapani paniwala.
"Grabe ka naman nagsisisi na nga yung tao eh!. Sige tommy isusulat ko sa papel yung mga paborito ni Gabby tapos bibigay ko na lang sayo.
Napangiti ako at nagpasalamat. Salamat at meron pang mga tao na gaya ni Janine na marunong umunawa .. :)