Chapter 8

1.2K 54 17
                                    

*****************Chapter 8*******************

Lapit ng lapit lang naman siya habang ako atras ng atras .. ano to? Atras abante?

Hindi ko na namalayang nakasandal na pala ang likod ko sa mga upuan. Remember gumagapang ako habang naghahanap ng cp. Kaya malang naka-upo ako ngayon sa sahig.

Napa-pikit nalang ako dahil unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya ba ako?! For real?! Ano bang gagawin ko?!

Konsensya #1: suntukin mo mukha niya! Loka ka ba?! Mawawala first kiss mo!

Konsensya #2: wag ka nga makinig sa damuhong yan! Shunga ka ba?! Si Trace na yan! Ang lalakeng kinahuhumalingan mo! Napaka-baliw mo naman para sundin yang damuhong yan!

Konsensya #1: Napaka BI mo talaga! Isa kang malaking napaka-pangit na nilalang! ay mali , konsensya pala!

Konsensya #2: bwahahahaha.

Pati konsensya ko nag-aaway na! Ano bang gagawin ko?! .. naka-pikit pa rin ako pero dumaan na lang ang ilang segundo ay wala parin yung inaasam ng konsensya #2 ko.

*FLASH*

Bigla kong naimulat ang mata ko nang may naaninag akong liwanag. Nakita kong hawak ni Trace ang cp niyang kulay blue habang nakatutok ito sakin at nagpipigil ng tawa. Pulang-pula na talaga ako, nakakahiya yung ginawa ko kanina!

"HAHAHAHA .. grabe , napaka-hopeless mong tingnan kanina mushroom! HAHAHAHA" tawang tawa parin siya habang tinitingan yung larawan ko kanina.

Lumapit ako sa kanya at pilit na inaagaw ang cp niya upang burahin yung nakaka-hiya kong pagmumukha kanina.

Habang ilag parin siya nang ilag at pilit na pilit parin akong kunin yung cp niya ay di niya namalayang wala na palang paanan ng upuan ang masasandalan niya kaya naman ay na out of balance siya dahil narin sa bigat ko at ayun ... ang ganda nga posisyon namin , nakadagan ako sa kanya at napatahimik naman siya sa kakatawa niya. Napatitig siya sa akin at biglang nag flash sa isipan ko ang gusto kong kunin mula sa kanya kaya sinulit ko na ang pagkakataon , bigla kong hinablot ang cp niya at dali-dali kong binura ang nakakahiya kong pagmumukha at pagkatapos nun ay pinindot ko na yung home na icon ......

At bigla nalang akong nagulantang sa nakita ko .. 

Picture ko ang nasa home niya ... 

Wallpaper ako ..... ni CRUSH??!!

Bigla akong nakaramdam ng kilig sa nalaman ko .. tiningnan ko si Trace na nahihiya at nakakamot sa batok niya.

"Aaaa .. so alam mo na, maliwanag na siguro sayo ang ibig sabihin niyan .. i like you" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Seryosong seryoso siya sa pagkasabi nun .. hindi ako naniwala kaya hinintay ko talagang bawiin niya ang mga katagang nasabi niya kanina at palitan yun ng 'Joke!' , 'ASA' , 'Feeling mo naman, mushroom' . Pero wala ehh , dumaan na lang ang ilang segundo ay wala parin akong narinig na mga katagang iyon.

Bigla nalang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang e'rereact ko , kung ano ang sasabihin ko bilang ganti dun. 'Thank you'? , 'Okay'? .. Gaaaahhh!!! Ewan! Gulong-gulo na talaga ako.

Hindi pa nga ako nakapag-recover sa nakita kong wallpaper eh dinagdagan na naman niya! Torture to ehh!! Ajujuju

Binalik niya na sa akin ang pink kong cp sa kanan kong kamay habang nasa kaliwa ko naman yung sa kanya .. nakakatuwang isipin kasi pareho pala kami ng model tsaka ang cute pa nung color . Magkatambal talaga ..

Bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay kung saan naka lagay ang cp niya .. ang cp niyang naka wallpaper ang picture ko.

"Cam .. i like you . Would you let me take care of your heart , change what i said and instead of i like you , could I replace "I Love You"?

                                                                        ************ FIN ***************

A/N: Yaaayyy!! .. sa wakas natapos ko narin tong inaamag na sa sobrang tagal ng walang update na story! XD .. sorry talaga if natagalan na ng sobra, nawalan na talaga kasi ako ng time sa pag-uupdate .. kasabay narin ang sobrang pagka-busy sa school , kaya nakakalimutan ko narin to .. nawala nga yung draft ko nito ehh , kaya ayun hindi ko na talaga siya na update .. ewan lang talaga kung anong nakain ko at tinuloy ko to , pilit ko talagang e'invade ang sarili ko sa story nato upang magawan ko ulit siya ng panibagong plot .. kaya ito , na update ko na .. salamat sa mga nagbabasa :) .. sana suportahan niyo rin ang iba ko pang mga kwento . Dalawin niyo lang ang watty account ko .. wag kayong matakot , hindi naman ako nangangagat .. Hahahaha XD .. cge gora na si author! Babush mga kaibigan! ~~~~

 - sugar_cutiewink97

/ Polar Light <3

   Edieh <3

Wallpaper Ako .... ni CRUSH ??!! ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon