Prologue

61 1 0
                                    

Bridge

"Bes!! Ang pogi ni Lawrence!" sigaw ng kaibigan kong si Senere habang pinapanood na naglalaro si Lawrence daw.

"Hoy, Sen! Tumigil ka nga! May boyfriend ka na!" paalala ko sakanya.

"Alam ko, Skye pero talaga ang papi ni Lawrence 'e!!" kilig n'yang sabi.

"Aish! Bahala ka 'pag nagtampo na naman si Gyujin sayo!" pagwawarning ko sakanya.

"Mahal na mahal ko 'yon bes wag kang ano!" pagpapaliwanag n'ya.

Nandito kasi kami sa court ng Chevalier University. May laban kasi ang mga nasa 3rd and 4th year high school sa basketball, kaya lahat ng students ay manonood para suportahan ang gusto nilang team. Syempre susuportahan ko ang mga nasa 3rd year na ang tawag ay 'Falcons' dahil 3rd year ako. HAHAHA.

"GO FALCONS!!!" sabay naming sigaw ni Sen.

"Oy bes!! Tumingin sa direksyon natin si Lawrence!!" sabay hampas sa braso ko.

"OH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! HINAMPAS HAMPAS MO PA BRASO KO!! BUSIT KA!" sigaw ko sakanya.

"Ay sorry na bes! Tumingin kasi siya 'e! Eng pege n'ye telege!" pabebe n'yang sabi.

"Ang pabebe mo! Susumbong talaga kita kay Gyujin." pananakot ko sakanya para manahimik.

"Hala bes! Eto na tatahimik na, basta 'wag mokong isusumbong kay Gyujin." pagmamakaawa n'ya.

"Oo na basta tumahimik ka d'yan kundi susumbong talaga kita." pananakot kong muli sakanya.

"Eto na bes oh, mananahimik na." at pakunwaring zinip ang kanyang bibig.

"Bes, tignan mo oh! Tinitignan ka ni Dale or ako? Hehehehehe." aniya.

"Ha? Sino na naman'yon?" tanong ko sakanya.

"Yung magaling magbasketball sa Falcons, yung tropa n'yang sikat dito sa school? Bad boys nga sila 'e." aniya na may panghihinayang sa boses.

"Ah! Yung mga bad boys na sikat dito sa school?" tanong ko sakanya. Di naman kasi ako interesado sakanila pero alam kong sikat sila.

Napatingin ako don sa sinasabi n'yang Dale, at nakita kong nakatingin nga s'ya sakin at biglang iniwas ang tingin nang napagtantong tumingin rin ako sakanya. Okay so what was that? Lol.

"Ano nga ulit name n'ya?" tanong ko kay Senere.

"Zeke Dale Montreal." sagot ni Sen.

So, Zeke Dale ano Montres? Ha ano daw? Ah oo Montreal, hay Skye! Pogi! Okay Skye tigil tigilan kalandian!

Lumalamang na ang Falcons dahil pumasok si Dale sa laro at lagi s'yang nakaka 3 points! Grabe magaling talaga s'ya.

"Go Falcons! Go Falcons! Go go Falcons!" cheer naming mga nasa 3rd year.

Pagkatapos ng ilang minute ay nanalo ang Falcons laban sa Jaguars ito ay ang 4th year. P.E naming mga nasa 3rd and 4th year kaya napagdesisyunan ng MAPEH teacher namin na maglaban ang Falcons at Jaguars.

"Congrats to FALCONS!!" sigaw ng MAPEH teacher naming na nag-emcee sa laban.Sigawan lahat ang mga nasa 3rd year at ibang supporters ng Falcons dahil sa pagkapanalo nito. Pagkatapos ng laro ay pwedi na kaming umuwi dahil last subject na rin naman 'to.

Pauwi na kami ni Sen ng biglang bumunggo sakin at napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact.

"HOY IKAW! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO! DI KA MAN LANG MARUNONG MAGPASORRY?! KARMAHIN KA SANA!" sigaw ko sa lalaking bumunggo sakin, at wow!? Di man lang s'ya lumingon sakin?!

"Oy bes HAHAHAHAHAHAHA tumayo ka nga d'yan HAHAHAHAHAHAHA!" tawang tawang sambit ni Sen.

"Kaibigan ba talaga kita?! Pagtatawanan mo pa ako imbis na tulungan! Bwisit ka Senere!" sigaw ko sakanya at tumayong mag-isa. Kung di ko lang 'to kaibigan aish!

Di namalayan ni Sen na nandyan na si Gyujin sa likod n'ya. At ako naman ang tumawa dahil tinakpan ni Gyujin ang bibig ni Sen at sobra itong nagulat.

"HOY SEN! HAHAHAHAHAHA BOYFRIEND MO 'YAN! MUKHA KANG MAKIKIDNAPP!" sabi ko habang tumatawa dahil sa itsura ni Sen.

"O babe, ano na? Bakit ka natahimik?" tanong ni Gyujin. At bago ko pa marinig ang kalandian nang dalawang 'to ay nagpaalam na akong mauuna na ako sakanila.

Masakit pa rin ang pwet ko dahil sa nabangga ako kanina nung lalaking Falcons ang shirt, well.... Makisig katawan n'ya.. Kalandian na naman umiiral, Skye! Pero sino naman kaya 'yon? Hay tama na nga! Ang sakit pa rin huhu.

Pumunta muna ako sa park kung saan madalas kaming magpunta ni daddy ditto noong bata ako. Sa tuwing naaalala kong iniwan na kami ni daddy sobra ang iyak ko noon. Sabi kasi ni mommy, namatay daw si daddy sa car accident nung 6 years old ako. And now, I'm actually 15 years old but I'm still longing for my dad. Siya ang pinaka the best na dad sakin, yung tipong sasakyan n'ya lahat ng trip ko. Minsan nga mini-make up ko si dad at laging nagpapabuhat sa likod n'ya. I miss you, Dad.

May nag-iwan ng panyo dito sa tabi ko. 'Di ko alam galing kanino, pero namalayan ko na umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga memories naming ni dad.

Luminga-linga ako at nakita ko lang ang mga magkasintahan na nagbobonding. May nakaagaw ng pansin ko at nakita ang lalaking naglalakad palayo at may suot na jersey ng mga falcons at sa tingin ko s'ya yung nagbigay sa panyo na ito dahil kokonti nalang ang mga tao dito sa park. Number 17 ang jersey n'ya. Baka pweding matanong ko nalang kay Sen at baka sakaling alam n'ya. Hay.

Umuwi na ako at wala pa sila Mama, si Yaya lang nandito. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para matanong ko na kay Sen kung sino 'yon.

Skye: Bes, sino yung may jersey na number 17 sa falcons?

Typing....

Senere: Si Lawrence, why?

Skye: Wala wala, hehe thx!

Senere: Oy ikaw ah! May lihim na pagtingin kay Lawrence 💓

Skye: Gaga! WALA! Sigi na bye na, ang pangit mo 'e!

Senere: Gaga ka rin! Mana sayo, duh!

Pagtapos kong matanong kay Sen ay nag out na ako ng facebook account ko. Kainis talaga yung babaeng 'yon! Pero.... Si Lawrence 'yon? Hala totoo?! Kailangan kong mag thank you sakanya. Mabait naman pala s'ya 'e. Akala ko bad boy dahil kasali s'ya sa tropa nila Dale.

"Thank you, Lawrence." sabi ko at natulog na.

A/N. Hi mga beshi! Omyg! First story ko 'to huhu, sorry sa mga typos and grammatical errors hehe. Enjoy reading mga beshi!

~takemetotheskyyy

BridgeWhere stories live. Discover now