Thank you

28 2 0
                                    

Bridge

2 DAYS AFTER....

"Kasi ganto yan-"

"Teka kinikilig ako!" pagpuputol ni Senere sa kinukwento ko.

"Oo sige, okay lang ako. Alis nalang ako. Bye." inis na sabi ko sakanya.

"Oo na eto na makikinig na!" aniya at pakunwaring zinip ang bibig.

"Nung Friday kasi pumunta ako sa park katapos ng laro para mabisita ko si dad. Habang inaalala ko memories namin umiiyak na pala ako 'non, tapos may nakita akong panyo sa side ko. Tinignan ko sinong nagbigay, 'tas nakita ko lang mga couples na nagda-date. May nakita akong isang lalaki na naglalakad palayo at sa tingin ko s'ya yung nagbigay ng panyo. Hahabulin ko na sana kaso malayo na s'ya pero nakita ko yung jersey n'ya na number 17." pagk'kwento ko sakanya.

"OH MY G! SI PAPI LAW-" 

"Oo alam ko! Pwedi bang kumalma ka, baka marinig tayo n'yan 'e!" pagwawarning ko sakanya.

"Haba ng buhok! Pero anong plano mo n'yan?" tanong n'ya.

"Anong plano?" tanong ko rin sakanya.

"Gaga! Syempre dapat mag-pathank you ka sakanya kasi kahit papano cinomfort ka n'ya." aniya.

"Paano? 'E diba sikat s'ya? Baka mapahiya pa ako!" banggit ko.

"Hindi 'yan! Malay mo ma-appeciate n'ya pa diba? Chill lang!" aniya.

"Oo sige mamaya nalang! Bye una na ako!" pagpapaalam ko sakanya.

Pumasok na ako sa room namin at buti nalang wala pa teacher namin. Isinakbit ko sa tenga ko ang earphones at nagplay ng mga kanta ng BTS.

May naramdaman akong umupo sa both side ko, ang alam ko ay wala akong katabi! 

"Shit." napamura ako nung tinignan ko kung sino ang nakita ko.

Si Lawrence sa left side ko at si Dale naman sa right side ko! 

Ngumiti sakin si Lawrence at nginitian ko rin s'ya samantalang si Dale tinignan lang ako at naupo na.

"Good Morning, class." ani ng adviser namin na di ko namalayan na pumasok na dahil nakuha ng atensyon ko ang dalawang lalaki na katabi ko ngayon.

Binati namin s'ya at pinaupo n'ya kami dahil may sasabihin daw s'ya.

"May dalawa na nailipat sa section n'yo. Mr. Montreal and Mr. Grey, please come infront and introduce yourselves." aniya at pumunta sila Dale at Lawrence sa harapan para ipakilala ang sarili kahit na kilalang kilala sila dito sa school.

Habang nagpapakilala sila maraming babae ang mga tumitili. Nang paupo na sila sa upuan nila ay tinitignan ako ng masama ng mga babaeng tumitili kanina. Aba! Kukunin ko 'yang mga mata n'yo!

"Group yourselves into three." ani ng adviser/teacher namin.

May kumalabit sakin at pagkakita ko si Lawrence na nakangiti.

"Meron ka na bang ka-group?" tanong n'ya.

"W-wala pa." sagot ko.

"Nice! Tayo nalang tatlo ni Dale. Okay lang ba sayo?" aniya.

"S-sige. Wala rin naman akong ka-group 'e." sagot ko.

"Looks like everyone has their own group." ani ng teacher namin at sumagot naman kami.

"So basically gagawa kayo ng biography. 3 pages in a short bond paper. Ask about their personal information, faves, and dislikes. Since it's Monday, ipapass n'yo yan ng Wednesday. Rotation 'yan class, okay? Are we clear?" pagpapaliwanag n'ya.

"Yes, Sir." sagot ng klase at umalis na s'ya.

"Anong name mo?" tanong ni Lawrence sakin.

"Skye Alvarez." sagot ko.

"Skye, bukas nalang tayo mag-interview sa bahay nalang namin. I-interview'hin kita tas ikay kay Dale tapos si Dale sakin. Okay lang ba?" aniya.

"Oo naman." sagot ko at ngumiti sakanya.

"Sige bukas nalang after class. Bye, Skye! Dale tara!" aniya at umalis na kasama si Dale.

"Lawrence! Sandali lang!" pagtawag kong muli sakanya bago tuluyang makaalis.

"May sasabihin ka?" aniya.

"T-thank yo-"

"Lawrence bilisan mo!" pagpuputol ni Dale sa sinasabi ko.

"Una na kami, bye!" aniya at tuluyan ng umalis sa classroom.

Kainis yung Dale na 'yon! 'Yon na yung chance na magpa-thank you ako 'e! Aish. Badtrip!

"Skye!" may biglang tumawag sa pangalan ko at alam ko na kung kanino 'yon.

"Ano na naman Senere?!" sigaw ko sakanya habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Bilisan mo! Labas ka na!" aniya at naghihintay sa pintuan ng classroom namin.

"Baka gusto mong maghintay?" sarkastiko kong sabi sakanya habang palabas na ng classroom.

"Tara sa canteen!" aniya na para bang kinikilig.

Hinila n'ya ako papuntang canteen at hingal na hingal akong umupo.

"Ano bang sasabihin mo? 'Pag 'yan walang kwenta itatakwil kita bilang kaibigan!" banggit ko sakanya na hinihingal.

"Nalipat daw sa section n'yo si Dale and Lawrence?!" kilig n'yang tanong. Chismosa talaga 'to. Agad-agad nalaman n'ya. Aish!

"Ano naman ngayon?" masungit kong sabi.

"Gaga! Ang swerte n'yo kaya! Lalo na yung katabi nila! Bakit kasi naiba section ko?! Palipat na ata ako 'e!" aniya.

"Maswerte? Ako? Seryoso ka? Marami na nga ang may ayaw sakin dahil katabi ko sila 'e! And fyi, magsasawa ako sa mukha mo 'pag nagpalipat ka." mataray kong sabi.

"SERYOSO KA SKYE?! IKAW KATABI NILA?! OH MY G! Haba ng hair mo!" aniya at sinabunutan n'ya akong pabiro.

"Oo nga!" sagot ko.

"Taray neto! By the way, nakapag-pa thank you ka n'ya kay Lawrence? Baka inuna mo kalandian ha!" aniya ng tumatawa.

"Hindi ko nga natuloy sasabihin ko 'e! Si Dale naman kasi ang epal. Nung magpapa-thank you na ako saka n'ya inayang umalis si Lawrence kaya di natuloy. Pero sana naintindihan na 'yon ni Lawrence." pagk'kwento ko at saktong nag-ring na ang bell.

"Una na ako beshi! Bye!" pagpapaalam ko at pumunta na sa classroom.

Umupo na ako sa upuan ko at sakto naman dumating sila Lawrence and Dale at naupo na rin. 

Dumating na ang teacher namin sa AP at binati naman s'ya. Nagsimula na rin s'yang mag-turo saamin at eto ako inaantok sa pagtuturo n'ya. Hay kaantok!

"Okay ka lang? Nakakaantok s'yang magturo no?" napatingin ako sa nagsalita.

Si.

Lawrence!

"Oo nga 'e." sagot ko nalang. 

Natapos na palang mag-turo ng lesson namin si Sir at lumabas na s'ya. Di ko man lang namalayan! Hay ang antukin ko talaga!

"Skye, bukas ha? After dismissal. Baka makalimutan mo 'e. HAHAHAHA. Sige una na ako!" pagpapaalam ni Lawrence sakin. That smile tho! Ilang beses na n'ya ba akong tinawag sa name ko? Hay! Kalandian ko na naman umiiral!

"Sige. Bye!" paalam ko rin sakanya. Ugh! Bakit kasi ang gwapo n'ya? Oy Skye tigil na!

Saktong pagkalabas ko ay nakita ko si Dale.

"Oy bukas yung interview." aniya. Wow?! Maka-oy! May pangalan kaya ako!

"Oo alam ko. Ge bye." pagtataray ko sakanya at umuwi na dahil wala na rin akong pasok.

  A/N. Hi mga beshi! Owemji sorry kung natagalan pag-update sa chapter 1. Naging busy kasi 'e. Huhu. Mianhe! Sorry sa mga typos and grammatical erros hehe. Enjoy reading!

~takemetotheskyyy













BridgeWhere stories live. Discover now