Crazy 4

64 6 5
                                    

Unedited

CHECHE's

"What happened my dear feeling daughter?" Tanong sakin ni aleng carmen habang naghahapunan kaming dalawa. Wala pa kasi si tatay nasa trabaho pa.

"Po?" Takang tanong ko dito, ewan ko sa tanong nito.

"May nangyari bang maganda kaya kulang nalang umabot yang ngiti mo hanggang bunbunan?" Pakiramdam ko namula ako bigla sa sinabi ni nanay. 'to talagang nanay ko parang timang.

Kasi naman, naalala ko ulit yung accidental kissed namin ni miguel kanina.

My ghad mga beshie! Pakiramdam ko lumutang ako sa alapaap n'ong time na 'yon, kahit halos two seconds lang ata kung lumapat ang aming mga labi. Kasi naman, ang lambot ng labi ni miguel, kaloka! At kahit two seconds pa 'yon, ay para narin akong naka-jackpot sa lotto.

"Aray naman nay!" Reklamo ko kay nanay ng bigla ako nitong pitingin sa noo.

"Kasi naman 'nak, nakakatakot 'yang mga ngiti mo" kuda nito na ikina-irap ko.

"Bakit nay? Nung natakot ako sa mukha mo? Pinitik ko ba ang noo mo?" nabatukan akong muli ni aleng carmen. Napaka-hard naman ng nanay kong 'to sa 'kin.

"bastos kang bata ka! wala kang magandang mukha, kundi dahil sa akin!" depensa ni nanay sa sarili.

"weeeh? Totoo? Mamatey?" kuda ko dito.

"Actually, nagmana ka talaga sa tatay mo. Hihi" awkward na sagot ni nanay.

Sasabihin ko ba kay Nanay na lumalandi ulit slightly ang nag-iisa niyang prinsesa? baka kasi kapag sinabi ko na bet ko si Miguel ay pagtawanan lamang niya ako. Mapanlait pa naman minsan itong si aleng Carmen, akala mo naman apaka pretty.

"Nak, sabihin mo lang kung may problema ka, ha? nandito lang ako, kami ng Tatay mo." Napakunot noo ako sa mga salitang lumabas mula sa mabahong bibig ni Nanay.

"Ikaw ba 'yan, Nay? Naks, ang bait ha." Natatawa kong sabi sa kaniya habang patuloy pa ren siya sa pag bukas ng butong pakwan. Kaloka!

"Hayaan mo na anak, sa tinagal-tagal na ren kasing natengga ang kwentong ito, hindi na alam ni Author kung ano mga characteristic ng mga characters niya." Hinakawan ko si Nanay sa leeg saka sinakal. Charot, inilapad ko sa kaniyang leeg ang aking likod palad upang alamin kung may sakit ba itong si aleng Carmen.

"Ang init mo, Nay. may sakit ka ata kasi kung ano-ano lumalabas sa bibig mo." Pabiro kung sabi sa kaniya.

"Tse! natatae lang ako kaya mainit ang pakiramdam ko. " Wika niya habang nasa harap kami ng pagkain.

Ito talagang bibig ng Nanay ko walang pakundangan kung bumuka. Ang bastos, no? comment niyo, Oo.

"You know what my dear feeling daughter, medyo nase-sense ko na in love ka ngayon." Medyo may pagka seryosong wika ni Nanay. Tama, medyo. Minsan kasi kapag si Nanay na nagsasalita parang laging joke.

"Alam mo 'nay, 2022 na judgemental ka pa rin." Wika ko kay Nanay na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"See? sa sobrang tagal na natengga tong kwento umabot na tayo dito sa hapag kainan hanggang 2022. Parang kailan lang year 2017 ito, ah." Naguluhan ako sa turan ni Nanay. kaya bago ko pa siya ipadala sa mental hospital ay nagligpit na ako ng mga pinagkainan.

Kanina pa kami tapos sa hapunan, kaso itong si Nanay hindi matapos tapos sa pagbubukas ng balat pakwan.

"Nguyain mo na ren kaya pati balat, 'nay. Ako kasi 'yong nahihirapan sa'yo habang gamit-gamit mo yang pudpod mong kuko pangbukas ng balat pakwan." Pasigaw ko wika dito kay Aleng Carmen.

Loving You So CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon