Crazy 7

29 0 0
                                    

Unedited

Cheche's

"I like you as a friend."

Eme. Hindi na kayo mabiro mga Accla. Syempre, bet niya lang ako as a friend. No na no for you. I know, masakit. Kasi sino ba naman ako para magustuhan 'di ba?

Hindi tayo aasa for today's vidyow mga vebs! Go!

Napangiti naman ako nang pilit habang tinatanaw ang kabuuan ng kanilang hacienda. More na more ang mga kabayo, baka at kambing na nag lalafang ng mga green long living things also known as damo. Yes na yes for all the animals out there na masaya lang na ngumunguya ng kanilang pagkain. Walang ibang iniisip kundi kung paano lang sila mag su-survive for everyday's vidyow.

Oo na mga accla. Masakit malaman na wala kang pag-asa sa taong gusto mo.

"Your parents must be proud to have you. 'yong Mom ko kasi laging hinihiling na magkaroon ng Gay son," He chuckled.

"I am the youngest and my sister is now happily married and happily living sa U.S with their 2 kids," Dugtong niya.

"After magpakasal ni Ate, laging sinasabi sa akin ni Mom na he wants me to be gay." Muli siyang natawa sa kaniyang ikini-kwento.

"Kaya kanina, I know my Mom's genuinely happy to see you." Napatingin ako sa kaniya and I caught him staring at me.

Our eyes met. Napalunok ako. Nasuring muli ng aking mga mata ang kabuuan ng kaniyang mukha.

Ang gwapo talaga ni Miguel. Napaka swerte ng taong mamahalin niya. Sa mga oras na ito, hiniling ng aking isip na sana ako ang taong 'yon. Iyong taong sana'y para sa kaniya. Sana pwede kaming dalawa.

"Alam ko na proud na proud din silang lahat sa'yo. Lumaki kang successful, mabait at saka lumaki kang pogi." Sagot ko saka muling tinuon ang paningin sa harap.

"I know. They should be." Tugon lamang niya.

Matapos ang medyo nakakalerkey na paguusap na iyon, napagdesisyonan din naming bumalik na ng kanilang mansyon. At hanggang pagbalik sa kanila ramdam ko pa rin ang kawalan ng pag-asa.

Tinanong ko ang aking sarili. Ano ba ang ginagawa ko ngayon? Bakit ko ba kasama si Miguel ngayon? Crush ko lang naman siya, 'di ba? My ghad! No na no for me, nasa chapter 7 palang kami medyo na he-hurt na ako. Eme!

"I am so happy that My bunso has a pretty neighbor like you Cheche. Ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay, are you working already or still studying?" Busisa sa akin ng Mama ni Miguel habang nasa harapan kami ng kanilang pagkalaki-laking lamesa na halos kalahati lamang ata ang aming nagagamit.

"Graduate na po ako sa kursong Hotel Management. Pero sa ngayon po ay isa lamang po akong dakilang tambay." Sagot ko na kaniya namang ikinatawa ng bahagya.

Matapos ang pagsagot kong iyon ay dali-dali ko ring sinubo ang hipon na kanina ko pa binabalatan gamit tong letseng yayamanin nilang tinidor. Hindi naman ako pwedeng magkamay dito mga teh.

"Paano naman kayo nagkakilala nitong si Miguel?" Medyo nabilaukan pa ako sa sunod na tanong na iyon ni Tita.

"Nako po, nakakahiya Tita kung alam mo lang." Medyo prente kong sabi dito na muli na naman niyang ikinatawa. Sampalin ko 'to, e. 'di naman ako nag jo-joke.

"I am excited to know what happened." Aniya.

Napatingin naman ako kay Miguel na katabi ko lang na kanina pa prenteng kumakain habang naka ngiti.

"Gan'to po kasi 'yan Tita. Hindi pa po kasi ako familiar sa village namin so itong si mother inutusan akong bumili ng meryenda. Hindi ko naman po akalain na malayo pala ang bilihan at need ko mag walk ng pagkahaba-haba under the sun. So ayon, hinimatay po ako sa daan at si Miguel nga po ang tumulong sa akin." Kwento ko kay Tita habang nakangiting nakakikinig sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You So CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon