Chapter 9

33 0 0
                                    










Janayiah's,










"Ok class, I have an announcement to each one of you its about the Leveling Battle, dun malalaman kung hanggang dito na lang ba kayo o makakapasok pa kayo sa 1st section which is the Elite Section. Each of you should train your elements thats why you'll start your training tomorrow." Prof Yna said. Tsk. Nagtaas naman ng kamay si Princess.



"Yes? Princess Heart?" Prof Yna said.

"Kailan ang Leveling Battle?" She asked. Tsk. I can feel the black aura from her. Damn it.

"Next Monday. So gotta go class. Goodbye." Prof Yna and as if on que she vanished. Haist. Imma going to be bored this week. I don't need to train.









We are all here at the Cafeteria eating again, the food here is really delicious. Sino kaya ang nagluluto? Hmmm.

"So guys, tomorrow is the start of our training anong oras kayo magt-train?" Snow asked.

"Hmmm siguro mga 7:30 na lang para maaga tayong matapos and makatulog pa tayo." Ate said. Yeah right. At sinang-ayunan naman nila yun.
Si Abo? Dunno. Di ko na sya nakita after that day.







"What's Levelling Battle? I mean is it a battle between students?" I asked them.
They all nodded.

"Yeah. In fact kalaban ko ang kuya este si Jayce last year." Ate said. Tsk. Muntikan pa.

"I see. And what will happen kung matatalo mo ang kalaban?" I asked.

"May malaking screen na lalabas sa taas nyo and makikita nyo kung anong level na kayo." Autumn said. I see. Yun pala yun.

"Can I ask you something?" I ask. I want to know what's their level last year. They all nodded.


"What's your level last year?" I asked.

"96." Tipid na sagot ni Blue.
"97 samin ni Jayce"-Ate.
"95." Sabay sabay na sagot nila Theo, Sandy at Snow.

"95 din." Si Autumn.
"Fierre is 98 and Princess is, ay! wala pa pala sya that time." Ate said. Eh? Talaga?


Hmm. Kailan ba talaga dito nakabalik ang prinsesa? O let's say pekeng prinsesa? At ano ang ginawa nila sa Ancient Flower Daffodil?


"Ahmm ano na pa lang ginawa sa Ancient Flower Daffodil? Blue?" Baling ko kay Blue.

"Hindi ko alam eh, ang alam ko nandun pa yun hanggang ngayon kay Headmaster." Sabi nya na ikinatango ni Theo at ni Sandy.

"Oo nga, nung time na pinabalik kami ni Headmaster sa dorm namin nung dumating tayo, time din na huli naming nasilayan ang Ancient Flower Daffodil." Sabi ni Sandy ng seryoso. Woah. Bago yun ah! Ok seryoso muna Janayiah.

"I see. Para saan ba yun?" Tanong ko, napatingin naman sila sakin lahat.

"Ito ang tutukoy kung totoo ngang sya ang prinsesa." Sabay sabay nilang sabi, at take note seryoso sila nyan ah. Creepy.

"Pano?" I asked. They all shrugged, except ki Ate at Kuya kaya tiningnan ko naman sila.

"Pag bumukadkad ang bulaklak sa harap nya sis gamit ang kanyang mata, oras na tinitigan nya ito at bumukadkad na ito habang umiilaw. Patunay na sya nga ang prinsesa." Seryosong sabi ni Ate.

I see. Ganun pala yun. Pero bakit hanggang ngayon wala pa ring nangyayari?

"Pero bakit hanggang ngayon di pa rin nila sinusubukan? I mean di ba? Ang tagal na simula ng makuha yun nila Blue." Sabi ko.


"Kasi sis, pag napupunta kami sa topic na yun bigla na lang mawawala sa harapan namin si Heart o di kaya'y iniiwasan nya ang tungkol dun." Sabi naman ni Kuya.


Napangisi ako. Huh! Iniiwasan? Bisto ka na Prinsesa. Ang tanga mo naman. Kung ako siguro ang Hari ng Kadiliman pinatay na kita dahil sa kabobohan mo. Tsk.




"Ahhh ok po." Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa aming klase. History ang sunod. *smirks* feeling ko kailangan ko ng patayin ang pekeng prinsesa mamayang gabi, kasi










Sekretong malupet! Orytt.








Aish. Lumalabas na naman ang pagkaboyish ko. Tsk. Napansin ko namang nahuhuli na ko kaya sumunod na ko sa kanila. Haist.













Hailey's,



Hay naku. Feeling ko may mangyayari mamayang gabi. Feeling ko rin may mamamatay.



Anyways, kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ng mga Royalties pabalik sa room. Katabi ko namang naglalakad ang mga kapatid ko. Di pa rin ako makapaniwala na nandito na ang bunso naming kapatid. Matagal na rin kasi namin syang hinahanap, kaya sobrang saya ko. Tiningnan ko sya at nakakunot noo sya habang naglalakad at maya maya ay ngingisi. Creepy. Haist.



Kailan kaya kami babalik sa palasyo? Miss ko na si Ina at Ama. Kumusta na kaya sila? Sana naman ok lang sila.



Nga pala di pa ko nagpapakilala. Ako nga pala si Jannah Hailey Crystaline Ivy Cas Prestine. Siguro, napansin nyo na pareho kami ni Janayiah na may Cas. Malamang! Apelyido yan ni Ina! At kapatid ko sya pero wala pang nakakaalam. At sana wala pa talaga. Ako ay may kakayahang makarinig ng tunog kahit malayo pa man ito, kakayahang magteleport at gumawa ng portal. Ang aking mga elemento naman ay Hangin at Tubig. 24 na ako. Pero kung nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon nag aaral pa rin ako at kaklase ko ang mga batang ito dahil sa may misyon ako.





At dahil sa pagdadaldal ko, di ko na napansin na nakarating na pala kami sa aming silid-aralan.



Kaimbyerna. Tumutulo na ang dugo mula sa aking ilong dahil sa aking pagtatagalog.







Janayiah's,







After so many decades we are now here infront of our room. Its close so I think the Prof is already starting?


Snow knocked at the door and it automatically opened. And we just saw Abo looking outside the window while Heart is staring at the whiteboard infront. Creepy. Tsk.


I just go to my chair and sitted quietly. Nakita ko naman si Ate-ng lumapit at umupo sa katabi ko. Hmm. Here's our sitting arrangement.

Autumn- Snow

Blue- Theo

Abo- Heart- Sandy

Me- Ate- Kuya

Ang gulo right? Si Abo at si Heart ay magkatabi talaga. Utos ng Mahal na Reyna 'kuno' kaya ganun. Si Autumn at Snow naman ay may dalawang upuang pagitan sa kanila. Same with Blue and Theo. Si Sandy naman mula kay Heart ay may tatlong upuang pagitan.


Feeling ko nga may dadagdag pa samin eh. Pero nevermind.

Makalipas pa ng ilang minuto ay dumating na rin si Prof Brendon. 25 pa lang sya at bata pa hah? Hmmm. Humigpit naman ang magkakakapit sakin ni Ate at nakita ko naman syang nakayuko habang namumula. Eh? Ano yun?









 I'm the Powerful PrincessWhere stories live. Discover now