Chapter 7

468 12 0
                                    

Part 7

Walong buwan na sa pagbubuntis si Andeng, tamad na tamad sya magkikilos. Pakiramdam nya ay hindi nya kayang ibalanse ang sarili.

"Hon..."

Narinig nyang tawag ni Tyrone sa kanya.

"Po? Nandito lang ang sa room, nakahiga." Sagot nya sa lalaki. "Ang aga mo yata?"

"Saglit lang naman ang practice ngayon since magstart pa lang ang bagong conference at matagal pa ang first game namin." Paliwanag pa nito. "Wanna go out?"

"Where to?"

"Well wala pa gamit si Baby pero ready na ang nursery, we need to buy her stuff." Sabi pa nito.

"Oo nga pala noh... Sige now na tayo bumili." Pag payag nya. "Help me up, Ty."

"Wait." Hinalikan sya ng binata sa lips na ikinagulat nya. Pagkatapos ay hinalikan din nito ang tyan nya. "Love you baby, Daddy can't wait to see you."

Sa ilang buwan na kasama nya si Tyrone ay never pa sya nitong hinalikan sa labi maliban na lang ng gabing may nangyari sa kanila.

Narinig nya ang mahinang pagtawa ng binata na ikinalingon nya dito.

"Hon, natulala ka na dyan... Halika na. Shower and get dressed okay. We'll eat na din sa labas." Inalalayan na sya nitong tumayo at inihatid pa sya sa banyo. "Careful okay, baka madulas kayo ni baby."

Pagkatapos nya maligo ay lumabas sya suot ang bathrobe nya. Nakita nya na nakalatag na sa kama ang damit nya. Hinanda na pala ni Tyrone para sa kanya lahat.

Agad syang nagbihis. Naglalagay na lang sya na manipis na make up ng marinig nya ang boses ng binata.

"Hon, magmilk ka muna bago tayo umalis." Pumasok ito na may dalang isang baso ng gatas.

"Ty, you didn't have to pero salamat." Nakangiti nyang sabi dito.

"Maliit na bagay."

Natawa sya sa isinagot nito. "Grabe na talaga epekto ni Rain sayo, mga dialogue nya yan ah."

"He's contagious Hon. But he's a nice guy, super kulit lang talaga." Paliwanag pa nito sa kanya.

"Alam mo ba na maliban sayo ay sya ang isa sa fave ko na basketball player." Sabi naman nya sa binata.

"Huh? Now you're not allowed to spend time with Rain..."

"Ha? Bakit naman? Kaibigan mo naman yun ah." Tanong pa nya.

"Di pwede, baka mamaya sa kanya pa mapunta ang atensyon mo."

"Hay nako Tyrone, umayos ka ha." Inirapan pa nya ang binata.

"Why do you call me Tyrone or Ty? Hon nga tawag ko sayo dapat Hon din tawag mo sakin or Ney. Not fair..."

"Mamaya may makarinig na iba... Ikaw din inaalala ko." Sabi pa nya.

"Let them hear you. Wala naman ako pakialam sa iba eh."

"Tseh! Bahala ka nga." Humawak na sya sa kamay ng binata. "Let's go? Saka Ty, gusto ko kumain ng ice cream... pwede ba?"

Di agad sumagot ang binata sa kanya. Pagdating nila sa sasakyan ay pinagbuksan muna sya nito ng pinto. Pagkaupo nya ay dumukwang pa si Tyrone para ikabit ang seatbelt nya. Hindi agad ito umalis sa harap nya. Unti unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha nya hanggang sa lumapat na ang labi nito sa kanya. Nang inilayo ng binata ng bahagya sa kanya ang mukha nito ay bumulong ito sa kanya.

"Call me Hon or Ney muna then we'll have that ice cream." At binigyan ulit sya nito ng smack sa lips bago ito umikot sa driver's side ng sasakayan.

(Katapusan ko na yata...) pagkausap nya sa sarili....

Dribble My Way In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon