Chapter 2

510 13 0
                                    

Part 2

Dahan-dahang idinilat ni Tyrone ang mga mata nya at bigla syang inatake ng matinding sakit na ulo.

"Darn it!" Sinubukan nyang bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo sya sa gilid ng kama para kalmahin ang sarili. Pagkalipas ng ilang minuto ay maingat syang btumayo para maghanap ng gamot para sa sakit ng ulo nya.

Sakto naman na pagkainom nya ng gamot ay tumunog ang phone nya. Nakita nya ang pangalan ng pinsan na tumatawag sa kanya. Agad nya itong sinagot.

"Hey, a-hole! What's up?" Pabirong bati nya dito.

(Jesse on the other line)
Nothing twerp! Just checking kung may hangover ka. Ayos ka lang?

"I feel terrible! I'll never gonna drown myself to that much of alcohol ever again!" Reklamo nya sa pinsan. "Paano ako nakauwi?"

(Jesse again)
Ibinilin ko sa supervisor ko na ipahatid ka sa bouncer lango ka na! Naihatid ka naman yata ng maayos. Sige na I'll hang up now. May aasikasuhin muna ako. Ingat, Twerp!

"Ingat din, a-hole. Thanks by the way." Iyon lang at pinutol na nya ang tawag.

After that call he realize that he's naked. He quickly walks to his room to atleast grab a boxer. Pagpasok ay naagaw ang atensyon nya sa mantsa sa ibabaw ng kama nya.

"Did I hurt myself kagabi?" Then tiny bits of his memories from the night came.

May kasama syang babae kagabi!

Did he pick some random girl kagabi?

Naaalala nya na may ka-sex sya na babae but he can't put a face to it.

And the worst thing ay naaalala nya na virgin ang babae. He felt really bad for taking that girl's virginity and forget all about her.
Kung sino man ito ay nasaan na kaya ito?

*******

Hindi pa din makalimutan ni Andrea ang nangyari sa kanila ni Tyrone. Few nights had passed pero bigo sya sa pag move on.

Sino ba ang makakamove on agad agad when you lost your virginity sa isang one night stand.

Nasa gitna sya ng pagiisip ng bigla sya kalabitin ng isa sa bouncer.

"Ms. Andeng pinapatawag po kayo ng nasa VIP, maglalaro daw po ng billiards." Sabi nito sa kanya.

Tumango sya dito at kinuha ang susi ng taguan ng gamit ng billiards na nasa VIP area.

Pagdating nya sa taas ay inabutan nya ang ang mga kaibigan ni Tyrone na nag-iinuman. Kinuha nya ang mga gamit na kailangan ng mga ito bago lumapit sa grupo. Napuna nya na hindi kasama ng mga ito si Tyrone.

"Hello Ms. Andeng!" Bati sa kanya ni Rain.

"Hi, eto na ang mga kailangan nyo." Bati nya dito sabay abot ng mga gamit dito. "Kulang yata kayo?" Pasimple nyang paghanap kay Tyrone.

"May photo shoot si Tyrone ngayon eh, pero mamaya yun susunod din dito." Sagot ni Blue.

"Ms. Andeng, are you single?" Diretsang tanong ni Caine.

"Ha? Bakit? I'm single." Sagot nya.

Biglang inabot ni Caine ang kamay nya. "We're on the same boat, sugar."

Pasimple nyang binawi ang kamay. "Right, anyway I gotta go. Baka kailangan na ako sa baba. See you around guys." Paalam nya sa mga ito para makaiwas.

Bumaba agad sya, pagdating nya sa pinto ay bigla itong bumukas. Tumambad sa kanya ang mukha ni Tyrone.

"Good evening sir." Nakayuko nyang bati dito bago diretso ng sa bar para tulungan ang bartender nila.

******

Inabot ng gabi ang shoot nya para sa isang kilalang local brand ng mga damit, gaya ng pangako nya sa mga barkada nya ay susunod sya sa mga ito sa Oasis.

Naalala na naman nya ang huling punta nya sa Oasis, ang babaeng hindi nya pa din matandaan. Ilang gabi na syang hindi makatulog kakaisip sa misteryosong babae.

"Tyrone my man!" Salubong sa kanya ni Yohan. "Sayang na-late ka ng dating, you missed kung paano na-deadma zoned si Caine!" Nakangisi nitong turo sa kaibigan.

"Paanong deadma zoned?" Nagtatakang tanong ni Tyrone.

"He flirted with Ms. Andeng, pero yun nga d-e-a-d-m-a sya." Kwento naman ni Rain.

"Pare, madaming babae sa paligid. Wag na si Ms. Andeng, importante sa pinsan ko yun. Unless you're serious sa kanya." Paalala nya sa kaibigan. The thought of Andeng and Caine irritates him, pero hindi nya maipaliwanag sa sarili kung bakit.

"Girlfriend ni Jesse si Ms. Andeng?" Tanong naman ni Jade na nakikipaglaro ng bilyar kay Blue.

"Bakit? Selos ka?" Pang-aasar naman ni Blue sa dalaga.

Naisip na naman bigla ni Tyrone ang misteryosong babae. Wala sa loob na naiisip nya si Andeng at ang babae ay iisa. He shakes his head and drinks his beer. "Impossible." Pagkausap nya sa sarili.

"Anong impossible?" Tanong ni Rain sa kanya.

"Huh? Ah, wala lang. Don't mind me." Sagot nya dito bago tumayo at sumali kila Jade at Blue.

Dribble My Way In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon