Mr. Stranger 2

67 0 0
                                    

Lunchtime….

Andito ako ngayon sa canteen para bumili ng lunck ko. Kanina ko pa hindi nakikita ang barkada pero wala ako paki. Mabuti nang hindi sila makita para naman matahimik ang buhay ko kahit saglit. Sa totoo lang, kanina pa ako wala sa sarili. Hindi ako nakikinig sa mga lesson ng teachers kasi naman hindi ko makalimutan si Apple. Kahapon pa hindi siya mawala sa isip ko. Haaay! Kailan ko kaya ulit kami magkikita?

“Huy!” sabi ng isang lalaki at binatukan ako

Hayop! Nahanap pala ako ng mga walanghiya.

“Grabe pare! Layo iniisip mo ah.” Sabi nung isa

“Hayop kayo mga pre! Tandaan niyo may kasalanan pa kayo sa akin.” Sabi ko

“Chill pre! Let us explain.” Sabi ni Nick

“Oo nga naman.” Eto naman si David

“Explain it to yourself! Two hours! Wala pa bang cellphone para itext ako nung gabi. Kabwisit kayo.”

“Next week nalang, pre. Babawi kami.” Sabi ni David

“Sige,sige. SIguraduhin niyo lang kung hindi ingangal-ngal ko tong tray na to sa inyo.”

“Anong order nila?” sabi nung tinder

“Spagetti po tsaka 12 oz na coke.”

“Oo , next Saturday. Totoo na to,” David

“Eto Ading.” At kinuha ko na yung pagkain

“Magkano po?”

“Sige, pre. Una na kami!” Nick

“45” sabi nung ale

“O san kayo pupunta? Eto po.” Inaabot ko bayad ko

“Defending kami this week e. Sige, paghandaan lang nmin.”

“Sukli ading.”

“Sige! Ay, salamat po.”

Umalis na ako. Naglakad-lakad ako at naghanap ng pwesto. Punuan na naman ang canteen. Hirap maghanap ng vacant. HAbang naghahanap, may napansin akong familiar na tao. Mag-isa lang niya kaya nilapitan ko. Oo, siya nga!

“Miss, pwede pa share?” tanong ko sabay lapag ng pagkain ko sa table at umupo sa harap niya

“Sige lang.” at tumingin siya sa akin. “Mr. Stranger!”

“Ikaw pala yan Apple.” Sabi ko naman. Kunwari hindi ko rin alam na siya.

“Dito ka rin pala nag-aaral”

“Oo, last year lang ako nag-transfer.”

“Kaya pala!”

“Kaya pala ano?”

“Kaya pala hindi kita kilala., kasi last year lang pinatupad ang block sectioning e. E, halos lahat ditp namumukaan ko, pero ikaw hindi talaga.”

“Ah…eh…hehe…” sabi ko nalang sabay kamot ng batok

“Ikaw din, ngayon lang kita nakita dito sa canteen.” True! Ngayon ko lang siya nakita dito sa canteen

“Ah…lasi first time ko talaga dito. Doon kasu ako sa kabilang building e. Gusto ko kasi masubukan yung canteen dito bago matapos ang semester.”

“Weh? YUn lang ba talaga ang dahilan o baka naman may nakaaway ka doon sa inyo kaya umiiwas ka. Aba ang layo kaya nonyo dito. Dadaan ka pa sa gym para makarating sa building namin tapos dito sa canteen.”

“Alam mo, kilalang-kilala mo agad ako. Oo, may iniiwasan ako, ang bff ko kasi siguradong kasama na ulit niya ang gf niya sa tropa. Lumayo na agad ako kasu baka mag-away lang kami dun. Umiiwas nalang ako sa away at heartbreak. Pero kakapagod talaga lumayo. Kailangan effortan talaga kasi ang layo ng canteen na to sa amin. Hehe”

Short StoriesWhere stories live. Discover now