CHAPTER 15 - Gwen Hanson Strikes Again

2.4K 75 0
                                    

CHAPTER 15 - Gwen Hanson Strikes Again

MYRTLE's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil may gegerahin ako sa school. Alam ko kasing may praktis sila ng basketball ngayon kaya sigurado akong andun sya.

Pumunta ako sa court at di naman ako nagkamali dahil lahat ng players ay nanduon. Hinanap ng mga mata ko yung lalaking yun at nakita ko sya sa gitna ng court na nagreready na magshoot ng bola.

Maglalakad na sana ako palapit sa kanya kaso naharangan ako ni Lester.

"Uy Myrtle! Good Morning! Ang aga mo ata ngayon? 7:30 AM pa lang ah." Bati nya sakin.

"Ah.. Hehehe. May importante kasi akong gagawin kaya inagahan ko talaga yung pasok ko..." Please Lester umalis ka na dyan. Nagiinit na yung ulo ko!! >.<

"Eh bakit andito ka?" Tanong nya sakin habang pinunasan nya yung pawis sa leeg nya gamit yung jersey.

"Ayun kasi yung business ko." Sabay turo dun kay Xander na masamang nakatingin sa direksyon naming dalawa. "Byebye!" Tapos lumapit na ako kay Xander.

Nung lumapit na ako sa kanya, bubulyawan ko na sana sya kaso bigla naman syang lumakad paalis papunta dun sa bleacher kung saan nakalagay yung mga gamit nung mga players. Sa inis ko, hinubad ko yung sapatos ko. Wala akong paki kung makita man nila akong nakamedyas ngayon.

Binato ko sa kanya kaso nakailag sya at si Max yung natamaan. Nagpeace sign ako kay Max. Sapul na sapul talaga eh. Sorry naman (_ _)

Lumapit din ako doon. "Grabe ka Myrtle. May galit ka ba sakin? Sabihin mo lang para mapagusapan nating dalawa. Hindi yung hahagisan mo na lang ako basta basta ng school shoe." Sabi ni Max sabay bigay sakin nung sapatos ko.

Narinig kong tumawa ng bahagya si Xander habang nakatingin sa mga nagpapraktis at umiinom ng mineral water. Nilapitan ko sya at hinablot ko yung iniinom nya. Tinignan nya naman ako. Ningitian ko sya sabay buhos sa kanya nung tubig.

"F*CK!!!!" Bigla nyang sigaw. Napatingin lahat ng tao sa court samin. "ANO BANG PROBLEMA MO???!!!!" Sigaw nya.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon