CHAPTER 28 - Cold Xander

1.9K 51 0
                                    

CHAPTER 28 - Cold Xander

MYRTLE's POV

Birthday ni Ate ngayon pero lumilipad yung utak ko dahil sa mga nangyari. Hanggang ngayon, umiiyak pa din ako sa tuwing maaalala ko yung mga salitang binitawan nya bago nya ako iwanan dun.

"Hey you're idling" rinig kong sabi ni Sky. Nandito kami sa shoreline at nakaupo habang nakatingin sa malawak na dagat.

"Sorry" yun na lang nasabi ko.

"May problema ka ba?" tanong nya sakin tapos umupo sya ng maayos.

"Yes. Marami akong problema but ayoko munang pagusapan yung mga yun" sabi ko

"You know, hindi naman sa pinipilit kita, masama kasing isarili mo yung problema mo" sabi nya

I sigh, "Ano bang gagawin mo kapag sinabi mo sa mahalagang tao sa buhay mo na yung taong mahal nya ay niloloko sya tapos sa huli, nasaktan sya at sa di inaasahang pangyayari, nasaktan ka din nya"

"Hmm, gets ko naman kung masasaktan sya dahil sa sinabi mo, well ganun talaga, the truth hurts, pero sa tingin ko naman hindi naman nya sadyang saktan ka eh. Siguro, ayaw nya lang tanggapin yung katotohanan kasi nga sobrang sakit nun sa side nya kaya nasaktan ka nya. Pero, alam mo na ba yung side ng taong mahal nya?"

Side ni Gwen? Ano naman ang dapat kong malaman tungkol sa kanya? Kailangan ko pa bang malaman kung ilang ulit nyang niloko yung bestfriend ko? :/

"Hindi pa. Pero base sa nakita ko, niloloko nya lang yung bestfriend ko" sagot ko

"Try to know his/her side muna. Alam mo kasi, minsan, nabubuo ang isang malaking problema sa mga misunderstandings. Kaya nga nauso ang katagang 'be open minded' kasi sa bawat problema, hindi lang sapat na malaman mo ang side ng isa, dapat alam mo din yung side nung isa at tsaka ka magjudge sa kanilang dalawa" sabi nya

"Pero...nasaktan ako :("

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon