[Vince's POV]
Hi there! Vince here.
Alam mo kung gaano kasakit na magmahal ng isang tao pero hindi mo alam kung mahal ka din niya? Ang sakit-sakit no? Parang sa tuwing na makikita mo siya, para ka na rin pinapatay araw-araw.
Alam mo kung gaano kasakit magmahal ng isang kaibigan? Ako, alam ko din eh. Yung kailangan mong pumili ng desisyon. Yung dalawa lang ang choices na pipiliin mo. a.) Aamin ka pero your friedship is at stake. or b.) Mananatili yung friendship niyo pero kailangan mo itago yung nararamdaman mo. Diba ang hirap? Parang talo ka sa dalawa. Eh ang sakit naman kasi eh. Bestfriend ko nga si Trixie, pero mahal ko siya at hindi ko man lang masabi sa kanya ang nararamdaman ko apara sa kanya.
Alam mo kung gaano kasakit na makinig sa mahal mo na magkwento ng mga crush niya? Diba sobrang SAKIT! Parang tinuturok ng napakahabang karayong yung puso mo. Parang pinupukpok ang maraming pako sa dibdib mo.
Kung alam ko lang naman na mahuhulog pala ako kay Trixie, eh di sana, una palang na makilala ko siya, niligawan ko na sana siya. Pero hindi eh, hindi naman kasi ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtagal lang naman ito eh. Nung tumagal, nakilala ko yung tunay na Trixie. Yung Trixie na mamahalin ko pala. Pero, isang araw, nalaman ko na bestfriend niya lang pala ako...
[flashback]
"Huy Vince. Wala tayong iwanan ha? Wag mo akong iiwan. Wag mo din akong sasaktan ha?"
"Eh bakit, ano ba kita?"
"BF kita eh."
"Eh? Ano ulit? Boypren mo ko? Yuck, yoko nga sayo." :P
"Hindi! Bestpren! Makayuck ka! OA mo ah!"
"Eto naman, jowk lang eh."
[back to reality]
Aaminin ko, okay lang sa akin noon, hindi ko pa naman siya mahal noon eh. Until nung isang espesyal na araw.
[flashback]
Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno dito sa park. May meteor shower daw kasi ngayon eh, dito daw magandang panuorin.
"Vince, ang tagal naman."
"Trix, maghintay ka lang. Malapit na yun. Tingin ka lang sa langit."
"Sigi na nga. Sabi mo eh." Ginawa niya naman. Pero, napatingin ako sa kanya. Ang ganda pala ng babaeng 'to? Bakit ngayon ko lang napansin?
"Ayun! May isa na! Nakita mo ba yun Vince?"