Wala akong pera, wala akong dalang sasakyan at lalong wala akong phone! Ang tanga tanga ko naman.
Iniisip ko kung makitawag ako sa mga villagers dito kaso baka pagkaguluhan ako! Ayoko pumunta sa ospital. Ayoko matunton ang nga hinayupak na gumagaya kay Miranda.
Kinapa ko ang sugat ko, medyo hindi na tumutulo ang dugo ko pero mahapdi parin. Kailangan ko ng mapupuntahan at naisip ko si Genesis.
Tiningnan ko ang sarili ko at puno ng dugo ang shirt ko tsaka shorts ko. Paano ako maglalakad ng ganito?
* * *
"Boss Gen?" I said as I entered my boss' office. Nakaupo siya sa swivel chair niya at humihigop ng kape.
"Bakit ganyan ang suot mo, at bakit may dugo dugo? What happened?" Kumunot noo niya sa itsura ko.
Nakasuot ako ng tee na pambabae at basa basa ang shorts ko. Nakakainis lang. Nahuli kasi agad ako ng kasambahay nung isang mansyon doon sa village na nanunungkit ng shorts. Buti nalang may nakuha akong tee shirt.
"Sir, sinaksak ako. I was kidnapped by that imposter! Help me, sir. Kailangan ko ng back-up..." Mahina kong sabi. Sobrang desperado na din ako na mahanap ang fiance ko. Kailangan matuloy ang kasal... Kailangan.
"Anong maitutulong ng K Company?" Humigop uli siya sa kape niya bago ako tiningnan.
"I want this company help me to find my fiance, sir." Nakayuko kong sabi. Totoo na well-trained secret agent ako pero Miranda is my weakness. Natataranta ako kapag nasa panganib siya.
"Markus... this is your mission. This is your break. Kaya mo 'yan, may tiwala ako sa'yo. Tsaka hindi naman malala 'yung nangyayari, so-" I cut him off. I am pissed. Sobrang unfair na sa employees ang ginagawa nila.
"Hindi malala? What the hell, sir?! Hindi pa ba malala 'yung nangyayari sa akin? Hindi pa ba sir? Mutikan na ako mamatay, sir! Yung fiance ko, until now hindi ko parin nahahanap tapos sasabihin mo, hindi malala?" Tsaka ko nagwalk-out. Hindi ko na maatim ang trabaho ko, I am going to resign to this fucking company.
Nakita kong hinahabol ako ni sir. Mas binilisan ko ang lakad pero naabutan niya parin ako.
"Fine, Markus. We're going to help you." Hingal na sabi niya.
"No, thanks sir. By the way, I am going to resign to this company. Hindi na ako masaya dito." I said straight to his face.
"Don't-"
"Don't ever call me again, sir. Bye." Saka ako umalis ng building.
Naglalakad na ako, medyo malayo na din pero tanaw ko parin yung building. Sobrang nakakalungkot, hindi naman totoo na hindi na ako masaya sa company pero sobrang unfair. It's about me, ako na yung tinitira ang suspects nila. Bakit hindi nila ako matulungan?
Nung tinititigan ko, medyo naiyak ako. I served this company for 1 decade. Sobrang tagal na din tapos mawawala lang din ako bigla.
Pinunasan ko ang luha ko, at nagsimula uli maglakad palayo. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. I am going to find Miranda without them. Kaya ko naman.
Habang naglalakad ako nagsisimula na akong bumuo ng plano. Kung saan ko sisimulang hanapin ang fiance ko. Alam ko nasa tabi tabi lang siya pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin.
Hanggang makarating ako ng bahay, iyon parin ang iniisip ko. Inayusan ko ang sarili ko. Ginamot ko ang sarili ko. I don't need to go to hospital kasi nga I'm well-trained. Kailangan ko pa ng lakas.
Madami akong kailangan pero mas kailangan ko si Miranda. I badly want her back. Gusto ko na siyang halikan.* * *
Nagising ako dahil sa mga kaluskos sa bahay. Naalarma naman ako bigla. Nalimutan ko na may duplicate pala ng susi iyong impostora ni Miranda. Nung malapit na yung footsteps nila agad akong nagtago sa cabinet. Good thing at may mahabang damit dito si Miranda at medyo kita ang labas ng cabinet.
"Galing siya dito, ayan yung short na suot niya kanina." Nakita kong tinuro ni peke Miranda ang short ko sa sahig.
Tatlong tao sila, si Brandon, si Miranda at isang lalaking malaki ang katawan. Kung susugudin ko sila, matatalo ako kay mas pinili ko nalang manahimik.
"Pakiramdam ko, ma'am at sir nasa paligid lang siya." Sabi nung lalaking malaki katawan.
"Yeah, I know. I can smell his perfume." May pagka-aso din naman pala itong peke na ito.
Hindi ako makagalaw sa loob ng cabinet kasi isang galaw ko lang may malalaglag ako gagalaw yung cabinet. Sobrang tagal nila lumabas sa kwarto ko. Sobrang nangangalay na rin ako sa loob.
"Miranda, I think mas maganda kung umalis na tayo. You need to rest. Buntis ka pa naman." Sabi ni Brandon sabay himas sa tyan ng impostora.
Buntis siya? Hindi halata... I felt worried sa bata kasi hinampas ng vase ang mama niya kanina. I felt sorry for the child pero sa mama niya? No way.
"Yeah, siguro nga. Tara na." Saka sila nagsialisan sa kwarto ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Makakalabas na din ako sa wakas sa mainit na cabinet ko. Siguro kung nagtagal pa sila, baka nagcollapse na ko sa loob non, hindi ko kinaya.
Paglabas ko, humiga naman ako sa kama ko. Hinawakan ko ang tahi ko sa tyan. Ilang araw pa siguro kung gagaling ito. Pero wala na akong paki don, mas mahalaga mailigtas ko si Miranda.
Bumaba ako para kumain, tiningnan ko ang cupboard at puro instant ang nandon, sobrang dami kong pinagdaanan ngayong araw. Wala parin akong nabubuong plano para hanapin ang Fiance ko.
Habang hinihintay kong maluto ang cup noodles na tinimpla ko, kumuha ako ng papel at ballpen. Sinumulan ko gumawa ng blueprint ng bahay, baka sakaling nandito lang si Miranda.
Habang nagsusulat ako, nakakarinig ako ng boses mula sa taas. Boses babae. Nung una, hindi ko muna pinansin iyon. Kailangan kong kumain pero nung malapit na matapos ang kinakain ko,
"Markuuuuuus!" Sigaw ni Miranda. Tsaka ako nagmadali. Wala akong pake kung noodles and kinain ko! Ang mahalaga mahanap ko ang fiance ko!
Inisa isa ko ang mga kwarto pero wala. Pinaglalaruan lang ba ako? Pero hindi parin ako sumuko, just for her. Siya nalang ang meron ako, pababayaan ko pa ba?
May naisip ako, isa nalang ang hindi ko napupuntahan. Ang attic. Dali dali akong umakyat pero pagdating ko doon, nakalock iyon.
"Fuck!" Nakapakamot ako ng ulo, wala pa naman ang duplicate ng susi ko. Kasama doon sa HQ ng mga demonyo. Bumaba ako at naghanap ng gamit para masira ang padlock doon, at nakakita ako ng pala.
Sa wakas, nasira na din. Sobrang saya ko, makikita ko na ang fiance ko. Inayos ko muna ang sarili ko. Naiiyak ako nung pasukin ko ang attic.
"Miranda?" Tawag ko sa kanya, "babe? Nandito na ako... Nasan ka?" Sobrang dilim. Wala akong makita.
Naalala ko naman na may ilaw nga pala dito kaya kinapa ko ang switch at binuksan iyon.
"Babe?" May nakita ako, upuan. Nakakakalat ang mga lubid sa paligid nito.
"Miranda? Nasan ka?" Naiiyak na sabi ko, gustong gusto ko na makita ang fiance ko. Gustong gusto ko na...
"Mirandaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko tsaka binato ang tape recorder na nakita ko. "Mga hayop kayo! Wag niyo ako paglaruan!" Hinagis ko ang upuan sa may bintana.
Napa-upo ako, "ibalik niyo na sa akin ang fiance ko..." Pabulong kong sabi.