MY TOMATO LOVE STORY (short story)

27 1 0
                                    

                        MY TOMATO LOVE STORY

                                    (short story)

This is a story of a girl who was head over heals inlove with their neighbor's son. Seems common right? and this story was a love story. Obvious naman diba? Hahaha.

Itago nyo na lang ako sa pangalang Lyn. I'm 11 years old. Grade 5. ang aga ba lumande? hehehe. Ganun talaga. Love is unexpected diba?. Mula sa isang maliit na bahay sa baranggay kung saan ako nagkamalay, lumipat kami sa isang subdivision. Ako, si mama, yung lola ko at si Ed ang nakababata kong kapatid.  Sosyal na ba? haha. Pinakiusapan lang kaming tumira muna sa isang bahay dun ng aming butihing pastor. Born again christian kasi kami. Dahil nga mahirap tangihan, sa ganda ba naman ng bahay, fully furnished pa, we grab the oppurtunity na, Hahaha. So feeling rich kid ang peg ko that time. Pangarap ko kasi tumira sa ganung bahay, may malambot na kama, may sofa, may mesang salamin, appliances, at dalawang kwarto na may tig isang banyo. Syempre ang ganda ko kaya may sarili akong kwarto,hahaha, feeling lang...sa isang kwarto kami. Yung isa kasi laman ang lahat ng gamit na naiwan ng pastor namin na that time umuwi ng Bulacan ata. Hay naku ang haba naman ng description ko sa bahay, ito na yung may exciting part, ang gettting to know the neighbors. Actually neighbor lang kasi isa lang katabi namin.hahaha. Subdivision eh, mahal, kaya konti pa lang tao that time. Katabi namin ang bahay nina Mr. and Mrs.Aspir and family at dahil nga sa palakaibigan si mama nakasundo agad nya ang pamilya nila. Pulis si Mr. kiel habang yung asawa nya si Mrs. Jho may ari ng isang vegetable store sa bayan, may pito silang anak, sina ate zel,ate am, jok, ian, nemi,jas,at jo, at isa nga sa anak nila ang nagpatibok sa napaka bata kung puso... si Jok. 

Isang araw nung hinahanap ko yung kapatid ko, lumabas ako ng bahay, malamang diba... sa pagitan kasi ng mga bahay namin may isang maliit na kubo..kaya nga kubo kasi maliit hahaha. toinks lang. Kinikilig kasi ako. Teka lang. Ito na... nakita ko syang kalaro yung isa sa mga anak ni Mr. Aspir... si Jok. Biglang nag slow mo... ang gwapo nya... singkit ang mga mata, maputi, matangkad at makalaglag pangang ngiti... hay... ito ba ang tinatawag nilang love at first sight? kung oo ayuko ng pumikit. 

"Hoy! ate ilag". 

"Ha? aray!" 

anu ba yun...tamaan ba namn ako ng kahoy sa ulo. bwisit talagang kaptid kong...

"Ok ka lang?...hey?"

Mukha akong sira. natutulala ba naman ako habang nakanga2 sa kanya. syete naglaway pa ata ako. hahahha. lande. Pero ang gwapo nya lalo sa malapitan. saka tinatanong nya ako kung ok ba raw ako... hala sagot!

"ah...a,e,i...

"o,u?"-jok 

"Ah..o-ok lang..sorry..." (naman! bad shot!..anga2 lang.?)

JOKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK! (tawag na sya ng mama nya.)

"Andyan na po. Sige Ed una na ako, maya ulit. Pasensiya na ulit Lyn ha? Sana ok ka lang. :-) Bye."

Narinig nyu ba yun? Kilala nya ako. Alam nya pangalan ko. whoah!!!!!!! Pwede na akong mamatay. Nag alala sya sakin at kilala nya ako. Kilala nya ako! 

"Hoy! tulala ka na naman....saka patawa tawa ka pa dyan. nababaliw ka na ba?"

"Che! panira ka naman oh!"

"Ba't ba kasi tulala ka kanina?"

"Wala ka na dun.... tss!"

"Crush mo si Jok noh?.."

"Ha? Hindi ah!"

"Sus! masyado kang halata... saka nasa 2nd year high school na siya noh... Hindi ka na nun magugustuhan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY TOMATO LOVE STORY                                     (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon