26.

927 44 21
                                    

Fairy Tale Ends.

"Miss Ab?" 

Tumigil ako sa pagiiyak, inangat ang tingin kay Hazel na gulat na gulat. Hindi ko alam kung ba't siya nagulat at kung bakit ganiyang ang itsura niya.

Sinundan ko ang tingin niya sa likod ko at nakita ang babaeng nakatayo sa gitna, nakangisi ito at nakatagilid ang ulo na para bang nangaasar ng bata.

"Hello, Hazel. Lalo na sa 'yo, Agnes."

Ramdam ko ang kakaibang presensya. Bigla akong nakaramdam na parang kiniliti sa tyan at ang pagbigat ng pakiramdam ko. The presence of this woman gives me a quick creep, and I don't like it.

I promised myself that by the time I'll face her, hindi ako matatakot. Hindi ko siya uurungan. Pero ngayon na nasa harapan ko siya, hindi ko alam kung bakit ako natulala at hindi makapagsalita.

"A--Agnes, ang creeepy niya," tumabi sa 'kin si Jenny at nasa tabi ko naman si Hazel. Si Selena ay nasa likod namin ni Hazel, probably nakisilip para makita ang adviser namin na nagdala sa 'min dito sa hell.

Lumapit din ang iba pa sa 'min, hinarap namin ang nagiisang si Miss Aberdeen Farrowlance, the crazy and weirdest adviser sa balat ng lupa.

Lumunok ko.

"What are you doing here? Ibabalik niyo na ba kami?" ginawa ko ang lahat upang hindi ako tuluyang matiklop sa presensya niya.

Ano ba, Agnes? Nasaan na yung tapang mo?

Tumawa siya na para bang may nakakatawa sa sinasabi ko. Sinabayan pa niya ito ng palakpak, napaatras ulit kami.

"What a good joke, Agnes. Kayo? Ibabalik ko?" muli siyang tumawa at ilang segundo ay bumalik siya sa pagiging seryoso, "No way. And by the way, I'm here to have a talk with Agatha."

Ginalaw niya ang mata niya--sideways, tsaka 'yon nanlilisik sa galit. Nilingon ko naman si Agatha sa gilid na nanginginig sa takot dahil sa titig sa kaniya ni Miss Aberdeen.

Nilapitan ko siya at itinago sa likod ko. Kahit naman siguro may koneksyon ang dalawang 'to, hindi ko hahayaan si Miss Ab na makalapit kay Agatha.

"Face me, Aberdeen," nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniyang pangalan. 

Bakit? Masama bang hindi siya galangin? She's a total crazy woman!

Maya-maya'y ngumisi siya na para bang natutuwa sa pagtawag ko sa kaniya gamit ang pangalan niya. I didn't dare to call her Miss, she's no longer a human.

"Ang tapang mo, Agnes. Tingnan natin kung hanggang kailan ang tapang na 'yan," she raised her hand, as-if she's forming a ball of fire or something.

Maya-maya ay lumiwanag ang paligid, unti-unting nawawala ang mga bagay na nasa loob. Ang bilis ng pangyayari, nasa gitna kami ng sala ng malaking bahay. May malaking chandelier sa tapat namin, mga magagarang gamit ang nasa paligid.

Nilibot namin ang paningin namin at napako ang tingin sa harapan na tila isang maliit na stage kung saan nandoon ang fireplace, nakatayo doon si Miss Aberdeen na may suot-suot ng gown.

"Welcome to my mansion," she then laughed wickedly pero huminto din nang mapagtantong hindi kami natutuwa sa kaniyang tawa. "Here's the last five task of yours, Agnes. I mean, for all of you."

Lumapit siya at may hawak-hawak na papel sa kanang kamay. Sa kaliwang kamay naman niya ay may hawak siyang strawberry. Nang makuha ko ang inabot niyang papel ay tsaka naman niya kinain ang strawberry na nasa kamay niya.

"Read it out loud, students."

Binuksan ko ang papel at sinimulan naming basahin 'yon. 

You've met a terrible fate, haven't you? You've met a terrible creatures, haven't you? Well, it's not yet the end of your thrill. Here's the five task you need;

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon