Real Game.
Wala kaming magawa sa buhay. Tulog na yung iba samantalang heto ako, nakaupo sa couch habang pinapanood ang makulit na si Francis. Ginawa pa niyang unan ang tyan ni Joseph at inipit niya sa leeg si Chris.
Kawawang Chris.
"Hindi ka makatulog?" muntik pa akong mapatalon nang may tumabi sa 'kin.
"Ikaw lang pala 'yan Hazel," natatawang sabi ko habang umiiling pa't nakahawak ang kanang kamay sa dibdib. "You startled me."
Humagikgik siya, "Sorry. Ang lalim kasi ng iniisip mo, hindi tuloy ako makatulog ng maayos."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong konek do'n?"
Ngumiti siya sa 'kin at sinukbit niya ang braso niya sa braso ko, sinandal pa ang ulo niya sa ibabaw ng balikat ko.
"Sabi kasi nila; when you truly care for someone, their mood literally affect yours," napangiti naman ako sa sinabi ni Hazel. Saan kaya niya nakuha ang hugot na 'yon?
"Hazel," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?" hindi pa rin siya umalis sa pagkakasandal sa balikat ko kaya hinayaan ko nalang siya. Akala ko natutulog na siya sa balikat ko.
"Can we take a picture together?"
Tuluyan na siyang umayos ng upo at napatingin sa 'kin. Nilingon ko siya, nakita ko ang ngiting hanggang magkabilang tainga niya.
"Oo, ba! Pero teka, ma-save ba kapag makaalis na tayo dito?"
Tumango ako. The last time kasi no'ng tsineck ko ang camera ko, nakita ko doon ang picture namin ni Caleb. Yung nasa gitna kami ng ballroom. And speaking of my camera, nasa bahay pala 'yon naiwan. Iniwan ko matapos kong makapagdesisyon na bumalik sa Sacred High, ang bumalik dito.
"Tara," hinila ko siya papunta doon sa kusina kung saan hindi nakapatay ang ilaw.
Sa isang utos ko lang sa isip ko, nasa kamay ko na ang camera ko. I missed taking photos, literally.
"Ikaw na hawak," utos ni Hazel.
Tinapat ko yung lens sa aming dalawa at pinindot ang shutter button. Sunod naman ay nag-wacky kami, natawa kami pareho nang makita namin ang epic faces namin.
"Yii! Epic, Nes!" sabay pahid niya sa luha niya dahil sa kakatawa. Nakitawa na din ako kaya ang ingay-ingay namin dito sa kusina.
"Nga pala, ano pinaguusapan niyo ni Caleb kanina?" tanong niya bigla nang tumigil na kami sa ginagawa namin. Wala na yung camera, pinabalik ko na sa totoong kaganapan--doon sa bahay.
Sana nga, na-save 'yon. Kung hindi, lagot sa 'kin ang may sala ng lahat na 'to.
Nakaupo kami sa high stool chair, kaharap namin ang sandamakmak na tsokolate galing sa ref. Feel at home kami ngayon dahil hindi namin malalaman kung kailan ulit kami magkakahiwalay at kung kailan ulit kami hindi makakatikim ng ganito.
"Alam mo, Hazel. Ang sarap ng tsokolate na 'to," tinuro ko pa ang tsokolate at dinilaan ang kamay ko. Ayoko kasing pag-usapan ang nangyari sa labas--sa reality.
Ayokong sabihin sa kaniya ang mga na-witness ko. Ayokong sabihin sa kaniya na kaya ako nawala panandalian ay dahil nakabalik ako sa totoong kaganapan and then poof! Here I am, sitting beside this lady. Ayoko kasing iwan sila dito habang ako ay nakatunganga dahil walang makakausap.
Sometimes, being at the real world is lonely--kapag wala doon ang mga napapalapit na sa 'yo. Lalo na si mama at si kuya Joel. My classmates, si Sir Benjamin at ang mga na-biktima ni miss Ab.
BINABASA MO ANG
Mystique Puppeteer
Viễn tưởng✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. But here's the twist of their journey; they're stuck in a darker version of fairy tale stories that children loved, looking clues to get out...