5

136 12 2
                                    

5- Tongue Tied

Lloyd's Point of View

Sh!t. Sh!t. Sh!t. Bakit nandito si Sophia? Nanlalamig ako sa kinatatayuan ko ngayon. Napapasulyap-sulyap ako sa kanya,ayokong tingnan siya ng matagal--- nakakakilabot.

Napansin kong tumigil siya sa harap nila Ralph, Rui at Kimberly. Takte. Ayokong makita siya at lalong ayokong nandito siya sa loob ng pamamahay ko. Napapahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ni Poging Axel.

Palihim ko siyang kinausap "Axel, bakit nandito 'yang monster cousin mo? Alam mo naman ang nangyari sa akin nung huli kaming magkita di ba?"

Nagkibit-balikat lamang siya at saka sinabing, "Lul. Sasabihin ko na nga dapat kanina sa'yo kaso ikaw 'tong siraulo kaya hindi na kita nabalaan sa pagdating niya." mahina ngunit may diing sabi niya.

"Pare, tulungan mo akong makaalis dito. Ayoko nang maulit yung nangyari last year." Kinikilabutan ako tuwing naaalala ko yung nangyari. TangnaOrange.

Flashback (Sophomores- Last School Year)

Naglalaro kami ng LOL ng mga kaibigan ko. Magkakakampi kami nila Rui, Ralph, Axel at Julius. Ang kalaban namin ay yung mga Juniors. Oo nga pala, kahit may pagkanerd 'tong si Ruru (Rui), magaling maglaro ng DOTA at LOL yan.

Astig na nerd yan e. Mataba at maliit nga lang tapos manang pa kung manamit.

Haha. Ang bantot naman nitong mga Juniors na kalaban namin, mga weak. Ang sarap tuloy nilang i-trash talk kaso huwag na baka matalo kami e. Ang laki pa naman ng pusta ko.

TangnaOrange. Sinusugod na namin ang kuta ng mga kalaban. Ang vovo ang potek! Yeah! Victory na 'to! Hala ka! Ako na lang pala ang natitira sa team namin.

Kung kanina pa-easy-easy lang ako pero ngayon? TangnaMango! Ibang usapan na 'to. Mapapatay ko na sana yung dalawang natira kaso may lalaking tikasin ang tumawag kay Poging Axel.

"Axel! Nasnip! Nasaan dyan yung sira ulong bumasted kay Princess Sophia namin?"

Parang akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang mapagtanto ko kung sino yung tumawag kay Pareng Axel. Sh!t. Bakit ngayon pang mananalo na kami? Bakit nandito ang mga Kuya ng pangit na Pia na 'yon?

Okay. I admit. Natatakot ako sa mga Kuya ni Liit. Sino ba namang hindi matatakot e mga senpai na namin yung mga 'yon. Mas malalaki pa sila sa akin.

"Nasnip! Mamaya na. Naglalaro pa kami. Pagkatapos na lang." sambit lang ni Axel habang seryosong naglalaro at ganun din naman ang iba.

Takte. Nakita kong galit na galit na ang tatlong magkakapatid. Paktay, wala akong kawala nito.

Sapilitan nila akong kinaladkad palabas ng computer shop at napalingon sa akin ang mga repa ko kaya nginitian ko na lang sila. Okay lang ako. TangnaMango, magiging okay lang ako.

Dinala nila ako sa isang bakanteng lote at binigyan ng tig-iisang suntok. Nagbilin din sila sa akin o matatawag nga bang bilin 'yon.

"Subukan mo pang saktan si Princess namin, hindi ka na sisikatan ng araw."

"Huwag na huwag ka nang lalapit sa kanya kundi ..."

"Maliligo ka sa sarili mong dugo. Mark our words. Subukan mo lang. Ayaw lang naming masaktan si Sophia dahil sa katangahan niya sa pag-ibig---sa'yo."

After saying those sh!ts, they left me dumbfounded. TangnaApple. Yung gwapo kong mukha sinira nila. Ang saklap ng kapalaran ko ngayong araw.

Tongue TiedWhere stories live. Discover now