Chapter 1

2 0 0
                                    

SN's Point of View

'Nandoon sila' wika ni Hayden. Agad naman kaming tumakbo upang magtago sa isang malaking basurahan.

'Teka sino bang sila?' tanong ko naman at agad tinakpan ni DH ang aking bunganga.

'Wag ka maingay,sila ang kumuha ng Cosmos Gem' sagot ni NY sabay turo sa apat ng babaeng nakatayo.

ang gara ng mga suot nila. ang gaganda.

'Si SpiralCat hmm' wika ni Griswold sabay ngisi.

'Teka sino si Spiral Cat diyan?' tanong ko sa kanila.

'Yung babaeng naka overall na may maskara at cat ears' sagot ni Hayden.

'Ay wao. ang ganda naman ng suot niya' sabi ko sabay tingin sa kanila.

'Teka. SN diba may kapangyarihan kang maglaho?' tanong ni Griswold sakin. emehgesh me kresh. 😍

'A-ahh Oo, B-bakit' nauutal kong tanong sa kaniya. aish ano ba nangyayari saakin?

'Maari ka bang maglaho at pumunta sa kanila? pakinggan mo ang pinaguusapan nila para madali natin sila maatake' sagot ulit ni Griswold at agad ko namang ginawa iyon.

Naglaho ako at dahan-dahang naglakad papunta sa apat na babae.

'May nararamdaman ako---' wika ni SpiralCat at naghiwahiwalay sila.

'Teka may tao ba dito?' wika ng babaeng may magara ring damit. Sa pagkakaalam ko ang pangalan niya ay-- Catalysmic?

Hindi ako kumibo at dahan dahang naglakad papalapit sa kanila.

'Sigurado akong nanonood lang saatin ang mga taga Cosmos. Hindi natin alam kung totoo ba o hindi. basta kung maari ay alerto tayo' sabi ng babae na may magandang boses.

S-siya ba si Mythic? ang dating taga Cosmos?!

Oo siya nga, siya y-yung nagturo sa mga taga Chaos ng Cosmos Gem! Ughhh naiinis ako.

'Maupo na lang muna tayo ng makapagpahinga' wika ni Catalysmic at agad silang naupo.

Lumakad ulit ako upang bumalik sa aking mga kasama. Di ko sinasadyang matunggo ang isang basurahan na gumawa ng ingay.

'Teka may tao ba diyan?!' mukhang galit na tanong ni Catalysmic. 'Lumabas kayo!' galit din na sabi ni SpiralCat.

'Myaaaw' sabi ko with matching kyut voice. HAHAHA.

Di rin sinasadyang nawala ang bisa ng aking kapangyarihan kaya nakita nila ako.

'Aha! Ikaw si SN ng Cosmos diba?' wika ni SpiralCat at lumapit saakin.

Agad niyang hinawakan ang aking braso at para bang pinipiga ito sa sobrang sakit.

'Ahhh!' mahina kong sabi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko namang umakyat ang mga kasama ko sa bubong ng isang bahay upang macorner namin sila.

'Tigilan niyo siya!' sigaw ni TY at agad naghagis ng isang malaking basurahan na dahilan ng pagbagsak ng apat.

Agad ko namang sinipa sa tiyan si SpiralCat upang matauhan siya. Masakit kaya yun!

Mabilis na tumakbo si MM Papunta sakin at kinuha ako pabalik sa grupo.

'Aba. masyado naman ata kayong magaling' sabi ni Catalysmic at sumugod saamin na may dalang. E-espada?

Mabilis na Tumakbo si Griswold at sinipa ang espada na hawak ni Catalysmic. Nagsipaan at nagsuntukan silang dalawa. Marami silang napatama sa isa't isa nang mapatalsik ni Griswold si Catalysmic.

'Bwisit kayo!' sigaw ni SpiralCat at naghagis ng kutsilyo papunta sa amin. agad itong sinalagan ni Hayden at pinalutang gamit ang kaniyang kapangyarihan.

'Waaah!' Sigaw ni SpiralCat at akmang sisipain sila at sinalagan ko ito gamit rin ang aking paa. Sinipa ko ang gagamitin niyang pansipa saamin. Tinulak ko siya na dahilan ng kaniyang pagkatumba at agad niya akong sinuntok sa paa.

'Aray!' sigaw ko sabay sipa sa kaniyang mukha, tumayo siya at sinabunutan ako. 'Gumagaling ka ata ngayon SN,tignan natin ang kakayahan mo'.

Tinadyakan niya ako sa baywang at agad ko siyang sinampal. nagsipaan,nagsuntukan,nagtulakan,at iba pang paraan ng sakitan.

'Ahhh!' sigaw ko ng mapatalsik niya ako. agad ko itong napigilan gamit ang aking paa at kamay.

'Waaah!' sigaw nilang apat sabay sugod saamin. sumabay kaming lahat ng sugod at agad kaming nagsakitan.

Suntok dito suntook duon, Sampal ditp--Sampal rin duon. napahinto kami bigla nang maglabas sila ng mga baril at kutsilyo.

'Ano ang laban ni Cosmos,Poseidon,at Zeus niyo?' wika ni catalysmic at agad kinuha si CY at tintukan ng baril sa leeg.

Nakita ko na tumingin lang si CY sa baril at pinalutang ito. agad niyang sinalo ang baril at tinutok ito sa apat.

'E ano rin ang laban niyo kung sarili niyo nang baril ang papatay da inyo?' sagot ni CY sabay ngisi.

'Aba aba, tandaan niyo lahat yan. mga walang kwentang tao. Magtutuos ulit tayo' Wika ni Mythic sabay ngisi. bigla nalang sila naglaho ng parang bula.

'Psh. mga duwag' wika ni Hayden sabay ngisi.

Umalis naman agad kami upang maka balik na sa agency.

Cosmos Agency's SpiesWhere stories live. Discover now