general tips in editing

1.2K 49 20
                                    

salamat po sa mga nagcomment dito, at least feeling ko kahit papaano may willing matuto sa akin, di ko lang talaga alam kung may matuturo ba ako, lol. xD anyway, before anything, sisimulan ko muna to with this kasi tinatamad pa ako gumawa ng tuts na nakasulat sa tutorials list (lol ganun? haha). atsaka iseset-up ko ba yung bandicam at youtube channel, lol. i-lilista ko muna yung general na tips regarding editing as a whole, according sa "experience" ko okay, lol. photoshop cs5 portable gamit ko kaya most likely nag-aaply doon itong mga pinagsasabi ko.

1. experiment. ito kasi ginawa ko para matuto mag-edit. kapa-kapain mo lang yung mga tools at kung paano gamitin ang bawat isa. google mo pa kung 'di mo pa rin ma-gets. kahit isampal mo pa lahat ng textures mo sa ine-edit mong picture go lang, basta ba sa huli mahanap mo yung magwo-work, lol.

2. for editing in book covers, use 512x800 or 384x600 as dimensions. masyado kasing maliit kung 256x400 lang ang gagamitin na canvas size. kapag malaki kasi madaming space, di masyadong nalilimit ang creativity (lol), atsaka kung may ayaw ko na part sa may gilid o parang masyadong spacey yung edit mo, pwede mo ng i-crop to 256x400 na, gets niyo ba ako? haha.

3. credit list. for resources, importante to sa paningin ko. okay medyo makapal mukha ko kasi di ko naman to nagawa dati, pero nagawa ko na! under construction pa lang siya ngayon kasi tinatamad pa ako hakutin lahat ng mga magagaling na gumawa ng resources ko, lol. nasa profile ko yung credit list, kayo na bahala kung saan niyo gustong ilagay yung inyo kung sakali.

4. coloring and sharpening. okay tignan niyo po yung gif sa may gilid, lol. okay topaz clean yung ginamit ko doon sa gilid pero parang sharpening na din yun. haha. as you can see, kitang-kita naman kung gaano kalaki ang difference diba? tinanggal ko lang yung coloring at yung pagka-sharpen at ibang-iba na itsura niya. ako kasi dati, noong kapanahunan pa ng unang wave ng BCR ko at mga first edits sa second wave ng BCR, GIMP pa gamit ko kaya di ako maalam sa psd kaya di ako gumagamit ng ganun. Sharpening din, recently ko lang nadiscover ang wonders nito. feeling ko kasi may mga taong nakakaligtaan itong dalawang importanteng bagay sa pag-eedit. importante po yan, kita niyo naman diba? haha. sa coloring nga lang huwag masyadong dumepende sa psds tulad ko, apply your own coloring din minsan. pero pwede niyo rin naman akong gayahin na psd+own coloring. i think it works well like that, lol.

5. never use low quality pictures. self-explanatory, eh? lol. also, gumamit ka ng hd/hq na pictures. they work the best.

6. huwag tamarin mag-blend and cut. open niyo yung external link, sa edit ko na yan, kita niyo naman yung pag-blend ko, marami pa ring natira sa background, sa mga tamad na tulad ko na mag-cut, pwedeng kahit ganito na lang yung pag-blend. kadalasan kasi sa humor lang ako nag-cut. sobrang minsan lang ako mag-cut kapag yung ganitong type ng edit ginagawa ko. uhm, i don't recommend anyone to use pngs, yun nad-dl lang tapos isasalpak mo na lang sa photoshop, nalilimit masyado yung pag-edit eh, unless sobrang dami po ng kailangan na ilagay sa cover, well then, i think ayos naman kung ganoon, lol. ayos lang din naman gumamit ng pngs, basta ba huwag mo ring kalimutang matutong mag-render ng sarili mong png.

7. avoid using pictures na putol yung ulo slash may putol na part. basta uhm, may way naman para mag-work yung ganung pictures, it's either takpan mo ng texture or yung text. oh i-edit mo para magmukhang hindi putol. may mga edits ako na ganito, yung in-edit ko para magmukhang 'di putol yung ulo, di ko siya tinakpan ng text or texture, clone tool and polygonal lasso tool lang tapos kaunting adjustments lang para magmukhang totoo.

8. huwag masyadong malaki slash eye-catching ang watermark. i know kadalasan gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw nag-edit ng book cover nito or something kapag maganda gawa mo or yung ayaw mong may kumopya ng edit mo or may magsabing sila nag-edit ng ganito kahit ikaw naman talaga, pero alam niyo yun, keep it simple. yung makikita pero yung 'di gaano makikita, ganun. 

9. layer mask. always use this when you blend and cut, minsan kasi may mga parts na gusto mong i-edit ulit pero hindi na pwede kasi ayaw ibalik ni photoshop history, kaya kapag may layer mask, pwedeng-pwede mo balikan. c:

10. never ever ever cover the faces in the picture unless kailangan talaga. hinay-hinay lang sa textures, masyadong madumi tignan kapag masyadong natatakpan ang mukha. unless mas maganda kung ganun, basta make it work. yun na yun, haha.

12. RELEVANCE! I think isa to sa mga pinaka-importante na part ng pag-eedit. I know minsan hindi ko to nasusunod, pero i think this is really important. I mean, you can't just edit and make it pretty. dapat may relevance pa rin doon sa pinag-eeditan mo. for example marami akong nakikita dito na edits na, i admit, maganda, pero walang relevance doon sa pinagagawan ng cover. you can't just add random pictures in a book cover to make it look pretty, it won't make much sense if you do, masyadong random. find a way to make it relevant. ayos lang din naman kung may random na nakalagay para lang mawala yung spacey na parts, basta make sure na dapat makita pa rin yung storya sa cover.

12. have your own style. don't copy other artist's style. not cool po kung gumagaya kayo ng style ng iba, uhm, naiinggit ako sa ibang artist na kunwari makita mo lang yung edit nila, kahit walang nakalagay na kung sino gumawa madali mo lang sabihin na, "si *insert name here* nag-edit nito!" hindi naman sa sinasabi kong dapat magkakamukha lahat ng edits mo, dapat yung may distinct na something para makita doon sa edits mo na ikaw yung nag-edit, na kahit magkakaiba yung itsura ng gawa mo may something pa rin na nagsasabi na sayo yung edit na yun kahit na walang watermark na nakalagay or something. huwag niyo rin akong gayahin na masyadong kino-compare ang edits ko sa edits ng iba, for me, nakakababa ng tingin ito. i mean, i just look at other people's edits and can't help but feel how mediocre mine looks like beside theirs. just have your own style and find a way to make it work, i'm sure everything'll be just fine.

yun lang muna sa ngayon.

xoxo,

franneeeeeeeeeeeh

missfranny's tutorialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon