When I Realized (ONESHOT)

20 5 1
                                    


Siguro totoo talaga ang sinasabi ng iba na mare-realized mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sila sayo. Tsaka mo lang malalaman na mahal mo pala sya kapag nagsawa na syang iparamdam ang pagmamahal nya sayo. Tama nga sila laging nasa huli ang pagsisisi.

At iyan ang kinakaharap ko ngayon. I'm Sheena Gardon and this is my story.

Naglalakad ako sa Corridor namin ng may biglang umakbay sakin. Si Joseph ang masugid kong manliligaw.

"Hi sheen,angganda mo ngayon ah? Ay hindi pala, araw araw kang maganda. Kaya nga nahulog ako sa iyo eh" sabi nya kaya agad kaming tinukso ng mga classmate ko. Puro hiyawan at asaran ang narinig ko mula sa kanila.

"Hayyy naku Pael tigil tigilan mo ko sa mga pambobola mong Laos! " gaya ng inaasahan ay nang-alaska nanaman ang aking mga kamag-aral dahil sa ginawa Kong pambabara sa kanya

Gwapo naman  si Joseph Pael, actually perfect na sya, matalino, gwapo, athletic at kapag nagmahal alam mong ikaw lang. Wala syang problema kaya kung gugustuhin ko ay pwede kami. Ang kaso ipinangako ko na sa aking sarili na kapagna-fall ako sa isang lalaki sya na ang magiging First and Last ko.

Pero alam kong sa panahon ngayon bibihira nalamang ang ganoon. Kaliwa't kanan kong makipaglandian ang iba, timer kumbaga. I like sheen, a lot. Pero masyado pa akong bata para malaman ang pagkakaiba ng pagkagusto sa pagmamahal. Minsan kasi akala mo sya na si The one. Pero ma r-realized mong hindi pa pala.

May mga tao pa palang darating sa iyo, yung mas karapat-dapat. Kaya ito ako hangga't maari ay hindi muna magmamahal. Kasi Kong kami talaga ang para sa isa't isa hanggang sa huli ay kami parin.

"Whatever you say sheen, hindi parin ako titigil na mahalin ka at patutunayan ko yan" sabi nya bago ako nakawan ng halik sa pisngi. Bigla namang nag-init ang pisngi ko dahil dun.

Mula ng sinabi nya ang mga katagang iyon ay mas naging madalas ang panliligaw nya sakin. I can't say NO to him, I just can't. Nandito kami ngayon sa mall at nag-arcade. Una naming pinuntahan ang basketball. Kailangan Kong manalo dahil Kong hindi ay sya ang makaka-date ko sa prom. At kahit malabong manalo ako ay pinag-igihan ko parin.

"Mukhang ayaw mo akong maka-date sa Prom sheen, but sorry I can't let this chance go" sabi nya at sunod sunod na ni-shoot ang bola. Kaya ang ending talo parin ako. At least I tried my best. At least na-ipamukha ko sa kanyang hindi ako easy to get, na mataas ang pride ko. In the end pride ko parin pala ang dahilan.

Nasa library ako ngayon at naghahanap ng libro para sa research namin. Meron parin naman kasing makikita mo sa libro na hindi masasagot ng Google, actually marami eh. Katulad ng Love kahit anong research ko ay hindi ko makuha ang ibigsabihin.

Biglang may brasong pumulupot sa aking bewang, sino pa ba? edi si Joseph.

"Tulungan na kitang maghanap" sabi nya sa seryosong tinig. Walang araw na hindi nya ako kinukulit. Kahit pa weekend's ay pumupunta sya sa bahay para magbigay ng Flowers and chocolate. Alam narin ng parent's ko ang ginagawa nyang panliligaw. I don't know why... But I'm happy... Siguro dahil alam Kong seryoso sya sakin. Yun!

"Okay lang, ako na" tanggi ko sakanya. Pero nagpumilit parin syang hanapin. Hanga rin ako sakanya dahil kahit ilang beses Kong iparamdam sa kanya na hindi kami pwede, hindi parin sya sumusuko. Hindi ko alam na kaya nya anong ligawan ng two years, yes! Two years na syang nanliligaw. Pero ni minsan ay hindi ko naisip na sagutin na sya.

"Anak aalis ba kayo ngayon ni Joseph? " tanong sakin ni mama habang nagbi-breakfast kami. Nabigla ako sa tanong nyang yun. Porke ba pupunta ako ng mall kasama agad si Joseph?. Tss.

When I Realized (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon