Chapter 1: Ms. Ava

6 0 0
                                    



Hope Pov'

Papasok nanaman ako sa school na pinagpapasukan ko. Habang papalapit sa gate ay makikita ang Raj Highschool. Bago ako papasukin ay kinausap muna ako ng Guard. 

"Sir Hope late nanaman po kayo." Wika ni manong guard.

"Kaya nga e, Lalo akong malelate kung kakausapin mo pa ko" Wika ko ng walang emosyon.

"Sorry Sir. bubuksan ko na po yung gate." Pagmamadali niya.

Nagpunta na ako sa Parking lot ng school na to. Bago ako bumaba nakita ko sa passenger sit yung niluto ni mama. Napangiti ako sa luto niya pero tinapon ko rin iyon.

Pupunta na ako sa room ko at ayun nagtuturo na ata si Ma'am.

"Hope Taylor! Late ka nanaman." Wika ng teacher namin na hindi ko alam kung anong pangalan.

"I know" wika ko sabay upo.

Hindi nalang niya ako pinansin. "Btw class, pumunta lang ako dito para sabihin sa inyo na hindi ko kayo matuturuan ngayon. May importanteng pupuntahan ako." Sabi nito..

"So hindi pala kami importante ma'am?" Wika naman ni Brent ang isa sa kaibigan ko.

"Ipinag uutos ito ng may ari ng School kaya wala akong magagawa Mr. Vincent" Ganting sagot nito kay Brent. 

"Oy Raj anong inuutos ng Daddy mo?" Wika ni Brent. 

"I dont know and I dont care Vincent" Wika ni Raj.

"Okay class may mag tuturo naman sainyo si Ms. Ava ang Librarian natin dito, Kaya may magtuturo parin naman sainyo, dalawang araw akong mawawala kaya magpakabait kayo." Sabi ni ma'am at lumabas na.

Mga ilang minuto ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ms. Ave. 

"Goodmorning Children. Ako ang magtuturo sainyo sa ngayon. Whether you like it or not." Wika nito. 

"Hindi sinabi ng teacher nyo kung anong ituturo ko kaya siguro ako nalang ang bahala kung anong ipagawa ko" Pagpapatuloy niya

"Ano naman pong ipapagawa nyo ma'am?" Wika ni Ken

"Baka tungkol sa Library" Bulong naman ni Brent..

"Baka pagbubuhatin tayo ng mga libro" Si ken 

"Hindi tungkol sa Library at hindi rin naman tayo mag aaral eh. May ibibigay ako sa inyong papel isang maliit na papel may isusulat kayo roon." May ipinakita siyang itim na papel. " Isusulat nyo kung anong gusto nyong panaginip" Wika pa nito.

"Seriously Ava? Anong kalokohan to?" Walang emosyong tanong ni Raj.

"Wala akong maipagawa sainyo kaya sundin nyo nalang ako" Wika ni Ms. Ava

At inabot niya sa classmate ko yung maliit na papel para ibigay saamin.

"So meron na ba ang lahat?" Tiningnan nya muna kaming lahat 

" Isang word lang ang isusulat nyo dyan. Halimbawa kung ang gusto kong panaginip at maraming libro edi isulat ko ay Book, Hindi makikita ang sulat nyo sa itim na papel diba pero mababasa ko iyan at ako lang ang makakabasa niyan kaya kahit anong isulat nyo." Pagpapaliwanag nito.

"Ma'am paano mo naman po mababasa iyon?" Wika nung isa kong classmate.

"Ma'am baka naman hakain mo lang po may maipagawa ka lang" Wika ni Brent

Going to my nightmaresWhere stories live. Discover now