Chapter 2: Beautiful Dreams

3 0 0
                                    


Nandito na ako sa Library at nadatnan kong walang tao, maliban lang kay Ms. Ava.

"Pinapatawag mo raw ako? Bakit?" Malamig kong tanong.

"Yun ba ang gusto mong panaginip? Bakit?" Wika nito.

"Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito?" Balik kong tanong

"Oo. May alam akong lugar kung saan patayan lang ang makikita mo" Wika nito.

"Meron?. Pinaplano ko palang ang magandang lugar na iyon." Nakangisi kong sabi.

"Seryoso akong meron at kaya kitang dalahin roon sa pamamagitan ng panaginip" Seryosong wika nito.

"Bakit? Bakit gusto mo akong dalhin doon? Hindi ba dapat pagsabihan mo ako? Dahil sa mura kong edad patayan ang gusto kong masilayan patayan ang gusto kong pamunuan?" Tanong ko sa kanya.

"Panaginip lang naman yon, walang katotohanang panaginip."Seryoso parin siya.

"Bakit mo ginagawa to?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Gusto kong makita mo ang lugar na pinuntahan ko." Wika nito.

"Ako ba ang napili mo?" Wika ko

"Hindi. May isa pa at siya ang ipapakita ko sa klase bukas at ikaw tayong dalawa lang ang makakaalam na napili kita." Walang ganang sagot nito. 

"Pwede na ba nating simulan ngayon tutal inaantok naman ako gusto ko ng matulog Ms. Ava." Sabay punta ko sa dulo ng Library.

"Hindi dapat tayo dito. Doon tayo sa likod ng bookshelf." Habol na wika nito.

"Nandito na ako Ma'am, dito na tayo. Dalahin mo ang sa magandang panaginip. " Wika ko.

"Beautiful dreams huh!!" Nakangising sabi ni Ms. Ave. "Matulog ka nalang muna. Pag tulog kana saka ko nalang sisimulan yang Beautiful dreams na gusto mo." Patawang sabit nito.

"Okay." maiksing sagot ko.

Madali akong makatulog, lalo na pag gusto kong matulog kahit saan tutulog ako kahit anong oras basta gusto ko. Sana makapunta ako sa lugar na yon.. Hindi na ako makapag intay. 

Minulat ko ang mata ko at nasa iisang lumang bahay ako, Hinidi ko alam kung saan ito at kung bakit ako nandito. May nakita akong T.V at binuksan iyon. Nagulat ako dahil sa balita walang lugar na ganon dito sa lugar namin saan ako? 

"May patay na natagpuan sa ilalim ng tulay, ayon sa nakakita nakasabit raw ito at puno ng saksak sa katawan ang may isang tama ng baril sa ulo. Iimbistig-------." Pinatay ko na ang T.V at napangisi nalamang ako sa narinig kong balita. Nandito na pala ako ang lugar kung saan ako mag hahari. 

Tumingin ako sa bintana at isang City ang bumungad saakin napakaganda nito, Pero ayoko ng ganito bakit ganito? Akala ko ba patayan rito bakit parang ang tahimik sa lugar na ito? Bakit parang ang saya rito? Ang saya ng mga tao. Ms. Ava niloko mo ako. Bumaba ako at hinanap ang pintuan palabas. Nung nakita ko na iyon ay nilapitan ko iyon bubuksan ko na ito at pag bukas ko isang gubat ang nakita ko madilim, masukal, madugo ang ganda dito.

May maingay sa di kalayuan at pinuntahan ko iyon, Tiningnan ko muna ang bahay na nilabasan ko at nagulat ako, Sobrang taas pala nito pero bakit nung bumaba akoy parang tama lang sa isang bahay na may 2nd floor. Panaginip nga ito.

"Attention, narinig na ba ninyo ang balita? Yung patay na nakasabit sa labas ng gubat? Sabi ko naman sainyo akong bahala sa bangkay na pinagtulungan ninyo. Ayos ba? Iimbestigahan nanaman iyon ng mga walang kwentang pulis HAHAHA" Nakakatakot yung tawa niya. "Konti nalang pamumunuan nanatin ang buong lugar na ito. Konti nalang magigingang madugo ang buong lugar na ito." Wika pa nito. Isa siyang clown. At may kasama siya Puppet. Nakikinig sa kanya lahat at parang lahat sabik pumatay. 

"Bago kayo bumalik sa tinutuluyan nyo ay may surpresa ako sainyo." May bumukas sa may gilid niya at iniluwa nito ang mga nasa 10 tao naiyak silang lahat at parang takot na takot. "Alam kong mag eenjoy kayo. HAHAHAHAHA" Napangisi ako dahil nag uunahan na ang mga tao roon upang patayin ang mga bihag. Hindi rin naman ako nag pahuli at tumakbo ako pero hindi ako nakipagsiksikan sa mga nag uunahan at dumaan ako doon sa daan na malapit ko na silang maabot. 

Bago ako makalapit ay hinikit ko ang espadang hawak ng isa sa nakikipag unahan. "Sino ka?! Ibalik mo ang espada ko" Pagrereklama niya at sinundan ako. Hindi ko naman pinansin ito. May lima nalamang natitira sa bihag nila at sisiguraduhin kong ako ang papatay sa limang iyon. 

May nakalapit na sa limang bihag kaya binilisan ko na. Tinaas na niya ang espada niya kaya binilisan ko ang kilos ko. Bago pa man niya maibaba ang espada niya sa mga bihag niya inunahan kong saksakin sa sa likod niya Hinili ko ang ulo at niya at nilapit ang tenga niya sa bibig ko. "Ako ang papatay sa kanila." Nakangisi kong bulong at . Napatigil naman ang mga nag uunahan at napatingin sa ginawa ko. "Walang lalapit rito kung ayaw nyong matulad sa kasamahan nyo." Malamig kong wika. 

"At sino ka para utusan kami?." Wika ng isa sa kanila. Tss. Kababaeng tao ang yabang.

"Sino ako? Ako lang naman ang kamatayan mo." Diin kong sabi. 

"Kamatayan namin? Si Delirious lang ang kamatayan namin at ang may karapatang patayin kami, at kung papatayin mo ako maglalaban muna tayo dahil hindi ka si Delirious." Sigaw pa nito

"Tss." Mahina kong imik

Lumapit naman ang isa sa mga bihag at yumakap saakin. "Salamat sa pagliligtas mo saamin alisin mo kami rito." Wika nito. Napatawa ako

"Wala akong sinabing ililigtas ko kayo papatayin ko rin kayo." Itinutok ko ang espada sa leeg niya. Umiyak ito lalo

"Mga demonyo kayo." Sigaw nito. Naikinangiti ko. "Mga hayop ka---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinagtagpo ko lang naman ang espado ko sa leeg niya dahilan para tumalbog ang ulo niya.Napasigaw naman ang kasamahan niya. "Walang hiya kayo. Makukulong  kayo ipinapangako ko." Napatawa nalang ako at tinapos narin ang buhay ng apat. "Ngayon makukulong paba ko?" Bulong kong sabi sa sarili ko.

May narinig akong pumalakpak sa likod ko at naramdaman kong malapit na siya saakin kaya humarap ako at itinutok ko ang espada sa kanya. Napasigaw naman ang lahat. "Wooh ang bilis mo ah." Hinipo niya ang leeg niya at may nakitang may dugo tanda ng nasugatan siya. "At nasugatan mo rin ako? Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa lugar ko." Wika nito.

"Lugar mo? Nagpapatawa kaba? Gusto mo agawin ko sa'yo ang sinasabi mong lugar?" Walang emosyon kong sabi.

"Umalis kana rito bago kapa mawalan ng buhay." Mahinahong sabi nito

"Pinagbabantaan mo ba ako?" wika ko

"Somewhat" Nakangising sabi nito

"Well. I'm not scared. Pero aalis narin ako wag kang mag alala pero pwedeng humangi na pabor?" Nakatingin lang siya saakin inaantay ang sasabihin ko. "Patayin mo na ang may ari ng espadang ito ang tanga nya para maagawan" Walang gana kong sabi.

"Sino ka para utusan ako." Wika nito.

"Ayaw mo talagang inuutusan ka Delirious. Kung ayaw mo ako ang gagawa." Hinagis ko ang espada at tumama naman ito sa ulo ng may ari noon. "Sa kanya yan diba?" Nakangisi kong sabi.

Akmang aalis na ako ng biglang may inimik si Delerious "Hindi ka makakatakas saaming mga Dicer." So Dicer pala ang pangalan ng grupo nila? Ang sama ng piniling pangalan niya.

"I'm sorry but I can. See you next time Delirious." At mabilis akong umalis at hindi na rin ako naabutan ng mga Dicer parang kaya naman nila ako.

Bumalik ako sa bahay kung saan ako nagising kanina. Paano ba bumalik sa reyalidad? Paano.... ? Ms. Ava?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Going to my nightmaresWhere stories live. Discover now