Chapter 2: One New Message

29 5 4
                                    

----------------'s POV

Bakit ba ang pogi ko? Oo, pogi ako- inborn na. Hindi ko alam kung bakit napakagwapo ko. Pero ang alam ko lang ay....



Sobrang POGI ko xD

Haayyy... Sarap talgang magrelax sa park. Presko ang hangin, dami kasing mga puno. Ansarap ng katahimikan...









Tch.



"Oy Jaze!! Ba't ba ang tahimik mo?! Mag-ingay ka naman!!!!"

"..." sabi ng dakila kong kausap. May halitosis daw kasi siya kaya di nakakapagsalita.

"Ampanget mo talagang lalaking ka. Dapat gayahin mo ko. Pogi na nga, pogi pa rin." sabi ko.

Tch. Alang kwenta talaga 'tong kausap eh. Magkwento nga ko ng kwento... xD

"So ayun na nga..." sabi ko kay Jaze na nakatutok lang sa cellphone niya. Tsk. Walang pagka-kinig talaga 'tong lalaking 'to. Kinuha ko yung cp niya at tinago yun sa bag ko.

"Tch. Bakit ba?" walang gana niyang sabi na may halong inis.

"Patay na siya." pagpapatuloy ko.

"... I-ikaw pumatay?" tiningnan niya ko sa mga mata. Natakot siguro. Di pa talaga siya sanay.

"Huwag ka mag-alala. Hindi ako."

"Eh, sino?" tanong niya.

"Si ---------"

"S-s-sigurado ka ba? Imposibleng siya ang pumatay!" sigaw niya. Buti na lang nasa tagong lugar kami kundi nasa front page na kami ngayon ng university dyaryo, tsk. tsk.

"Kilala ko si ---------! Mabait sya. Alam kong hindi niya magagawa iyon." dugtong niya.

Haayyy... Hirap talaga kapag inosente kausap mo. Sarap sapakin.

"Sure ka bang hindi niya talaga magagawang pumatay para kay -------?" pabalik kong tanong sa kaniya. Natahimik siya ng saglit. Nag-aalinlangan ang mokong.

"Well, naiintindihan naman kita. Normal lang yung reaksyon mo..." pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. "... pero hindi lahat ng pinapakita ng isang tao ay totoo, minsan pagkukunwari lang ang lahat ng iyon. Lahat tayo ay may tinatagong sikreto na ayaw nating malaman ng iba." bulong ko sa tenga niya.

"O siya, kita na lang tayo sa club bukas ng hapon. Meron tayong mahalagang bisita na darating..." sabi ko habang naglalakad papaalis.

Kawawang Jaze... pano kasi, inlababo na naman. Sa mamatay tao pa na-flush! Buhay nga naman...



Nicole's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nung namatay si Jim. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung hindi namin nakausap si Ashley...

"Nicole, ikaw na lang gumawa nung article tungkol sa nalalapit na foundation day ng school sa lunes." sabi ni ate Joanna ng newspaper club.

"Sige, ako ng bahala." tugon ko sa kaniya. 

"Tapos pwede bang kumuha ka na rin ng mga pictures sa mga gaganaping events next week para makapag-issue na tayo ng dyaryo by next week din. Ok lang ba sayo?" ani ate Joanna.

In the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon