Chapter 3: Two

18 3 0
                                    

Nicole's POV

"Hindi ako makapaniwala! Pano mo nagawa yun, Nicole!? Pano mo nagawang patayin ang kapatid ko!"

"Ano ba, Jaze! Huwag mo ngang sigawan si Nicole!"

"T@n$#%/ Alice! Kapatid ko yung namatay! Anong aasahan mo? Mahinahon ako? Tatawa sa sobrang saya? Namatay si Ashley. Yung kapatid ko! Yung bespren niyo! Mababaliw ako kapag nawala siya!"

"Kuya Pren... H-hindi ko p-pinatay si A-ashley..." sabi ko

"Sorry?! P#t&$#%\a! Pagbabayaran mo 'to, Nicole."

And then I woke up...

*Kriiiii-iiiiiii-iiiiiiiiing!!!!!!

"HOY NICOLE! PATAHIMIKIN MO NGA YUNG ALARM CLOCK MO! KANINA PA ANG INGAY-INGAY! HOY BABAE-" sigaw ni kuya Tan.

"Nicole? Umiiyak ka ba?" umiiyak? ako?

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ang patuloy na pagbuhos ng mga luha. "Kuya... *hikbi* hindi ko siya pinatay..."

"Pinatay? Ano bang pinagsasabi mo kapatid?" agad niya akong nilapitan at pinunasan ang mga luha ko. "Shh... Stop crying. Lalo kang papangit niyan, sige ka."

"Kuya si Ashley... Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi ko siya magagawang patayi-" sabi ko habang umiiyak parin at nakasandal sa kaniya. Pinutol naman niya ang sinasabi ko.

"It's alright. Everything's gonna be alright, little 'sis. Walang namatay. Ang aga-aga gusto mong magkalamay dito so stop crying na. Kalimutan mo na kung ano man yang napanaginipan mo." pagpapagaan ni kuya sa loob ko. Sinunod ko na lang siya at pinilit ang sarili kong huminahon.

Hinatid naman ako ni kuya pababa sa dining area para mag-almusal at maghanda sa eskwela.

Pero... bakit ganun? Pakiramdam ko totoo ang mga pangyayaring yon.

Ah Basta. Kahit anong mangyari hindi ko hahayaang mangyari yun.

Ashley... Sana maging okay ka lang. Sana hindi maging totoo ang bangungot ko.

¤¤¤

@School

I tried to forget the nightmare na kanina pa bumabagabag sa isipan ko. Pero kahit anong gawin ko hindi pa rin siya naaalis. It hurts. Ayoko talagang mangyari yun. Sana hanggang panaginip na lang talaga siya.

"Ms. Castro! Kanina ko pa tinatawag ang name mo! If you're not interested in my subject then you are welcome to go outside. NOW!" what? Grrr... Kainis naman.

Agad akong tumayo at tumungo palabas ng classroom. Bakit ba kasi napanaginipan ko yun? Bahala na nga.

Lahat ng estudyante may klase ngayon kaya ako lang ang mag-isa sa hallways. Nakakatakot... but nevermind sanay naman ako maglakad mag-isa gabi-gabi.

Ang boring ng araw ngayon. Nakakalungkot. Wala kasi si Alice para ikwento ko sa kaniya ung bangungot. Nag-absent kasi ang maganda. Ay mali, na-suspend pala pinatulan ba naman kasi yung principal. Tsk.

Arghh... Naalala ko tuloy. Absent si Ashley ngayon. Hindi ko rin ma-contact. Para tuloy akong loner. Pero kinakabahan ako. Nagpapaalam kasi yung si Ashley kapag aabsent siya minsan nga sinasama pa kami sa mga trip nun eh. Ang kaso wala akong natanggap na niisang text o tawag man lang kay Ashley. Pati si kuya Pren out of reach. Kagigil yung magkapatid na yun eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon