Chapter 1: Survival

71 25 10
                                    

Chapter One
Survival

The bell rang, sign that the class would be dismissed. But for me that is the sign of warning, and a sign of danger. Subalit hindi na ako nabahala sa maaaring mangyari sa akin dahil araw-araw na 'tong nangyayari.

Wala silang araw na pinapalampas sa pagtatangkang patayin ako. Wala silang kapaguran na gawin 'yon. Seryoso silang papaslangin nila ako.

Ano ba ang nagawa kong mali para maging gan'to ang buhay na dinaranas ko at ng pumanaw na pamilya ko? Ano ba ang naging kasalanan namin sa kanila? Hindi ko rin alam. Wala akong alam kung hindi ang takasan ang naghihintay na katapusan ko.

Hinayaan ko lang na maglabasan ang lahat ng kaklase ko. Unti-unting nagiging tahimik ang kapaligiran sa paglipas at pagpatak ng bawat minuto kasabay ng pakikiramdam at pagiging alerto ko ngayon. I know they're here, somewhere else, hiding.

Nararamdaman ko ang pagkalat ng nito sa kapiligiran, parang pinalilibutan nito ang buong paaralan. Segundo, minuto, oras ang lumipas bago ko napagdesisyonang lumabas. Kinakailangan ko pa ring maging alerto. Hindi ko hahayaang mapatay nila ako. Gusto ko pang mabuhay at marami pa rin akong hinahangad. Mga pagkakataong gustong makamit.

Tutuparin ko rin ang pangako ko sa mga magulang ko na mabubuhay ako. Hindi sa galit, paghihiganti, takot, di kaya ay magkaro'n ng dugo sa kamay.

Mabubuhay ako kasi dapat akong mabuhay. Sinabi ko rin sa sarili ko na hindi ako papatay. And yes, they're dead. They're dead because of this group of persons who is already chasing me and will never stop until I'm dead.

Tumayo ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Napabuntong hininga pa ako bago maglakad papunta sa pinto.

I'm acting like I didn't knew they were here. I'm acting like I couldn't't feel their presence. Hence, the truth is its opposite.

Naghihintay sila ng pagkakataon upang atakihin ako.

Naglalakad ako ng walang pinapakitang emosyon sa mukha. Dinaanan ko na ang mga classroom sa third floor ng school na pinapasukan ko. Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon pababa ng hagdan sa second floor.

Wala ng studyante, teacher o kahit man lang janitor na naglalakad. Palubog na rin ang araw. Nagdidilim na. Tanging tunog lang ng pagyapak ng sapatos ko ang napapakinggan ko. Bawat paghinga ko ay tila nakakapanikip ng dibdib.

Habang pababa ako ng hagdan na 'to ay siya namang pagtaasan ng mga balihibo ko. I'm near them. Malapit na ako sa kanila at ramdam ko iyon. Parang sasabog sa kilabot ang katawan ko. Pero iyon naman ang palagi kong nararamdaman. Kilabot, hindi kaba o takot. Kahit gano'n ay hindi pa rin ako nasasanay.

Datapwat sa kabila ng nararamdaman kong ito habang papalapit ako sa nagbabadyang kapahamakan ay nagpatuloy pa rin ako. Parang walang pakialam sa posibilidad na mangyari sa 'kin. Sa huling baitang ng hagdan papuntang second floor ay siyang pag-iwas ko sa dagger na kamuntikan ng sumapol sa sintido ko.

Ngunit nahuli ako ng konti sa pag-iwas dito kaya nadaplisan nito ang kaliwang pisngi ko. Naramdaman ko na lang ang karampot na paghapdi nito kasabay ng unti-unting paglabas ng isang mainit at malapot na likido rito.

Tumigil ako sa paglalakad bago pinunasan ang kaliwang pisngi ko gamit ang hinlalaking daliri ko sa kaliwang kamay. Nagsimula na muli akong maglakad. Lumiko ako bago tinahak ang hagdan papunta sa first floor.

Dahan-dahan kong tinatahak ito. Sobrang lapit na nila. Napangiti ako sa isipin ko na iyon. Bakit ba hindi nila itago ang presensya nila? Bakit masyadong obvious para sa 'kin na malamang ay nandito na sila? Masyado ba silang halata o talagang ganoon lamang kalakas ang pakiramdam ko kaya alam kong malapit na sila sa gawi ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Association EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon