CHAPTER 2•

373 19 9
                                    

   •Crystal


       Nakasakay na ako ngayon saaking sasakyan na limousine. Pang-mayaman ang school na aking papasukan kaya dapat daw pang-mayaman din ang aking mga transportation na gagamitin.

Bakit ba ang lalim nun?! Nakaka stress ng kagandahan.

Hays! nagsasawa nga ako minsan dahil palagi nalang limousine ang sinasakyan ko. Ano kasi eh...parang may ililibing. Di bagay sa beauty ko. Choss~

Baka kasi pagkamalan na may patay sa loob ng kotse.

Pinapasok na ng guard ang kotse at sa harap ng nakabukas na malaking pinto ng school huminto ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto ng driver.

Syempre agaw pansin toh kasi pang-mayamang kotse eh. Halos lahat kasi ng studyante dito scholars. Hindi kasi nila afford ang tuition fee dito at may shares kami sa school na ito. So why not study here instead.

Yung mga nag-aaral din dito na mga Hindi scholars ay anak ng mayaman o anak ng mga negusyante at anak ng mga government officials. Taray no?*flip hair*

Pero me? Model ako ng sikat na Parisian clothing line pero hindi pa ako ganoon kakilala ng mga tao, bale baguhang model pa ako kaya wala pang medyo nakakilala saakin. Inuna ko ang paa ko sa paglabas ng kotse at dinig na dinig ng aking tenga ang malakas na paghiyaw ng mga estudyante.

Well, guess I'm popular.

Bumaba na ako ng kotse at as always pinagtitinginan nananaman ako ng mga students dito. Yung iba may banner pa na nagsasabing *Welcome Back* ano toh? Galing ako abroad?

Hays! hirap maging maganda.

*Pasa ko nalang kaya ito sainyo?*

Huwag nalang, you can't take it mahihirapan ka lang sa atensyon.

Pumasok na ako at ayan na naman sila, puro bulungan kahit rinig na rinig ko naman. I hate that kind of thing na ginagawa nila hindi na kasi yan bulungan, it gets so irritating sometimes. Sometimes I wish I'm not famous but I can't help it, I chose this kind of carreer even if it means to have no friend here at school.

"Grabe pre ang ganda ni Crystal, no wonder why crystal ang pangalan niya."

It's really crystal clear that I'm the most beautiful girl here at school. Di nako magtataka kung bakit sandamak-mak na mga offer at project ang pinaaaprobahan saakin araw-araw. Ako pa ang pinapalaban sa mga beauty contest and modelling promotions sa school.

"Di siya maganda...sobrang ganda niya!"

"Oo nga mga pre naghahanap na nga ako ng paraan para makapanligaw sakanya eh."

"Like omg girl! ayan na si crystal she's so pretty as always talaga." Alam ko na yan di na Kailangan sabihin.

"Oo nga girl! At mabait pa, she's so perfect."

Nabasa niyo yun ah?! Perfect daw.

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, hays! I just flipped my Gorgeous-shiny-silky-wavy hair at pumasok na ako sa room may napansin naman akong dalawang babae na nasa likuran na tili ng tili.

I just smiled at them and put my bag to my desk and sit in my favorite spot in the room. Front.

Sabi nila yung mga magaganda dapat nasa gitna lage, What? I just followed the rule.

Pagkaupo ko may dalawang estudyante ang lumapit saakin na todo ang tili. Infairness may itsura sila, now that I see them close. Sila yung kanina na nasa likod.

"Hi miss Crystal!" Babae 1. Pagbati ba yun? O sigaw? Nakangiti lang ako sakanila.

"Pwede po na magpa-autograph?please? we are a big fan of you." Babae 2. "We watch every fashion show that your included and followed all your social media accounts, we bought every magazine of your's and make ups that you indorsed." Uhmmm, they don't need to say those. Kaloka medyo nakakatakot din kaya yun.

"As in were such big fans!" Babae 1. Ngumiti lang ako at tumango. Paulit-ulit?

"Sure!"I said. Pinagbigyan ko na.

Kinuha ko na ang magazine na hawak-hawak nilang dalawa. Kinuha ko din ang marker ko na kulay pink. I like pink. Grabe ang ganda talaga kumuha nang litrato ng photographer ko.

So I signed their magazines na ako ang cover. May nakasulat pa sa itaas.

:Beware a new gorgeous face is coming!

Nang ibalik ko sakanila yung magazines ay feeling ko sasabog na yung buong classroom sa ingay dahil sa tili. Eh kung pasubugin ko kaya tong dalawang to?

Bumalik na sila sa inuupuan nila at dumating narin ang adviser namin at mga kaklase ko.

••●••


     Natapos ang klase at umuwi na ako. Nakabow lahat ng katulong pagka daan ko sa harap nila.

Pumunta muna ako sa office ni daddy at kiniss siya sa cheeks.

"So? how's school?" Dad. Habang pinipirmahan niya ang mga papeles.

"Ganun pa din."Ako. Habang nakatingin sa phone ko. Grabe andami na agad friend request at flood likes. I was about to go out ng...

"Take a seat."Dad. Sinunod ko siya at nagtatakang tumingin ako sakanya.

I mean every time na papasok ako sa opisina niya para-ikiss siya lalabas din ako kaagad.

"So? What's up?"

"Crystal you will transfer to a another school tomorrow."Dad. Nanlaki naman ang mga mata ko.What?

"Ano? why? may nagawa ba akong Mali? May nasira ba akong mahalagang gamit ng school? Tungkol ba to sa student noon? Na nabangga ko at nasalampak sa sahig tas biglang umiyak, yun pala naiyak sa saya dahil dumikit yung katawan ko sakanya tas dina naligo ng isang buwan? Ano?"Ako. Omg! Ano ba nagawa ko? As far as I know wala naman eh!

"Wala naman kasi ano eh, hmm safe ka doon and besides you're too famous you own a hotel a mall and a coffee shop which is sikat sa buong pilipinas. What if may kumidnap sayo? May papatay sayo? Hold you for ransom? What will I do? What can I do? I can't live without you, you know that sweetie."Dad. I kinda agree pero tutol parin ako. I love that school they treat me well. And besides nasasanay na ako sa praise and ingay ng mga estudyante doon. Also I wanna have friends.. 4 years na ako sa paaralamg iyon pero ni isa wala akong naging kaibigan.

"What? anong safe?bakit naman ako magiging safe? Dad please tama na yang what if? Mo I'm not a kid anymore and besides tinuturuan mo naman ako ng mixed martial arts and boxing oh diba?! And also is someone after me? Who? The paparazzi again? Da- Arrgghh." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumakit ang dib-dib ko.

Parang may tumutusok dito. Tumulo bigla ang mga luha ko sa sakit. Ansakit parang sinasak-sak ng paulit ulit na may kasamang alcohol. Amg hapdi!

"Aaarrgghh! D-daaad!" Daing ko. Ang sakit talaga!

Nataranta naman si daddy at inihiga ako sa sahig. Itinapat niya ang kamay niya sa dib-dib ko at umilaw ito.

What? paano nangyari yun? bakit umiilaw ang kamay niya? nanghihina narin ang katawan ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Black out,

•◇•

Hello~

This is the update for today~

Please vote and comment your thoughts ^_^

Mayikoss Academy: The Lost Oracle GemWhere stories live. Discover now