Sky's POV
"Ano ba kase toh?" Hay kasalukuyang nakablindfold ako kase naman tong si Mark eh sabi niya may surprise daw siya sakin.
"Shhh, wait lang malapit na tayo, be careful" bulong niya sakin. I felt shivers and i had goosebumps sobrang lapit kase ng bibig niya sa tenga ko.
He slowly took off my blindfold and i found myself in the company's rooftop. Gabi na ngayon kaya ang ganda nung mga ilaw ng mga building. Sobrang breathtaking.
"Ang lamig lamig tapos dinala mo ko dito? Tss gusto mo ba ko magkasakit huh?" Nagkunwari akong naiinis pero sa totoo lang ang saya dito sa taas
"Nilalamig ka? Oh eto oh" nilagay niya sakin ung cardigan na suot niya. Grabe diko naman to ineexpect ha, akala ko makikipagtalo sya eh.
"Ano gagawin natin dito?" Tanong ko.
Nagulat ako bigla nalang siyang may nilabas na cake.
"Waah.. para san to? Hmm ang bangoo" lumapit ako tapos tinitigan ko ung cake
"Syempre congrats sa bestfriend ko sa kanyang first modeling career" nagsmile siya sakin "diba favorite mo ung ice cream cake? Eto na oh" dagdag pa niya.
Hay nako mark! Gusto mo ba kong lalong mainlove sayo? May girlfriend ka na nga eh,kailangan ba ganto ka sweet sa bestfriend?!
"Nako, baka tumaba ako nyan tapos matapos na ang career ko, kasalanan mo!" Inasar ko nalang siya kase sobrang saya ko ngayon.
"Tataba? Edi sasamahan kita magworkout para sumexy ka ulet" tumawa siya kaya ayun sabay na kaming tumawa. Mahal ko talaga tong bestfriend ko eh, ang problema di lang bilang bestfriend.
"Halika na nga kainin na natin. Favorite mo din to eh, kunwari ka pa" kinurot ko siya sa tagiliran tapos hnila ko siya dun sa edge ng rooftop. Parehas kase naming favorite tong ice cream cake, dahil dito kaya kami naging close. Naalala ko pa nun nung binilhan ako ni jb oppa ng ice cream cake lumapit siya agad sakin kaya ayun naging close na agad kami.
"Hmmm ang sarap tologoo" kumain ako ng isang malaking piece, sobrang gutom na kase ako eh.
Bigla nalang tumawa si Mark kay tinignan ko siya. Ano kayang problema nito? Inaakit ata ako eh. Joke lang hahaha.
Kinurot niya ung pisngi ko tapos pinunasan niya ung labi ko. Parang di ako makahinga sa ginawa niya, kahit na lage naman siyang sweet sakin di parin ako nasasanay.
"Ang bata mo pa talaga, tignan mo nga ang kalat mo kumain" pinitik niya ung ilong ko kaya tinulak ko siya palayo.
"Che. Kumain ka na nga lng dyan" yumuko nalng ako baka kase mapansin niya pa na namumula nako.
"Thank you mark ha? Ginawa mo pa to" pagkatapos namin kumain nagstay lang muna kami dun at nagpahangin kaso lang malamig kaya magkashare kami nung cardigan niya. syempre di ko naman hahayaang lamigin siya.
"Sus, ikaw pa kakalimutan ko? Mahal ko ata tong bestfriend ko" yun nga masaklap dun eh bestfriend mo lang ako, ang shunga ko kase para magisip ng kung ano ano kung di sana ko inlove sayo edi sana di ako magkakaganto.
Just as i thought that this could be my best day hndi pala.
"First Anniversary namin ni yoona bukas, what do you think I should do?"
Nakakatakot mahulog dito sa rooftop, pero mas nakakatakot pala kung sa tao ka mahulog.

BINABASA MO ANG
Pretend Love (Got7)
Fanfictionpaano kung yung taong mahal mo walang maalala tapos hinananap niya yung taong mahal niya, magpapanggap ka bang ikaw yun? read the story of Sky the girl who took the risk just for a short time with the one she loves.