Swing

11 0 0
                                    

"Gising na! Gising!" Ang sarap pa ng tulog ko ng bigla may umalog sa kama ko. Aiish. Balak ko pa namang magstay lang dito sa kama ko buong araw. Bakit? Tulad nga ng sinabi ni mark kagabi anniversary nila ngayon ni ate Yoona at ayoko namang panuorin sila habng naglalovey dovey sa isa't isa.

"Bambam, please just leave me alone. Ayoko pa bumangon or even better dito nalang ako forever" nagtago na lang ako sa ilalim ng kumot. Boses palang kilala ko ng si bambam yun kase naman ang cute cute ng boses ng batang yan. Halos magkaedad kami kaya nagkakasundo din kami. siguro siya ang inutusan ni JR para gisingin ako, si JR lang kase nakakaalam na ayaw na ayaw ko sa araw nato.

"Skyyyy naman ehh, sge na bumangon kana may photoshoot pa kame" aba at nagaegyo pa ang lalaking to. Di naman talaga siya nageaegyo sa iba sakin lang saka sa mga fans nila.

"Edi umalis na kayo. Iwan niyo nako dito" pagmamatigas ko padin.

"Eh hndi pwede, kasama ka daw sa photoshoot na yun eh" at dahil sa sinabi niya bigla nalang ako napatayo. Kasama ako? Pano na to, balak ko pa namang iwasan sila makita pero pano na ung career ko,aiish talaga naman ang tadhana.

"Aissh. Sge na nga. Sandali lang" tumayo nako at pumunta na sa banyo para maligo pano na kaya to, no choice kundi tiisin nalng..sana lang di kami magkita ni ate Yoona di naman sa galit ako sa kanya pero kase di mo din naman maiwasan na mainis at magselos pag nakikita mo silang magkasama ng taong mahal mo.

Pagkatapos ko magbihis lumabas nako ng kwarto, hindi pa naman pala sila tapos kaya lumabas muna ako para magpahangin sa park.

pagdating ko sa park naupo nalang ako sa may swing. ang daming mga batang naglalaro ang cute cute nila. nagulat nalng ako ng biglang may tumulak sa swing ko ng malakas kaya napasigaw ako. Takot pa naman ako pag mataas ung swing.

"UWAAAA MARK ITIGIL MO NAAAA" si mark lang naman gumagawa nito eh kaya alam kong siya yan.

" Ano munang ginagawa mo dito magisa ha?" tanong niya habang patuloy na tinutulak yung swing.

"NAGPAPAHANGIN LANG NAMAN AKO EH TAMA NA MARK WAAH!" sa sobrang taas nahulog ako pinikit ko nalang mata ko para maready sa sakit pero himbis na mahulog ako sa sahig nakaramdam ako ng braso.

"okay ka lang?" tanong ni mark mula sa ilalim ko. sinalo niya kase ako.

Hinarap niya ako sa kanya kaya parang nakapatong ako sa kanya, actually hindi parang eh NAKAPATONG TALAGA AKO tapos ang lapit pa ng mukha namin tapos siya nakangiti lang?! WAT DA PADGE HINDI KO NATO KAYA MARK.

"uy, sorry ha? peace!!" at nag eye smile pa talaga siya!

"TSS! ikaw kase eh! ayan tuloy!" tumayo na agad ako baka ano pang magawa ko dun eh. bat kase ako lang yung awkward?

tumawa lang siya tapos tumayo na din hinila niya ako palapit sa kanya saka hinalikan sa cheeks. ANAK NG! ano bang problema nito?!

" tara na nga baka hinahanap na nila tayo, ang cute cute mo" kinurot niya yung pisngi ko tapos ininterwine niya yung kamay namin at nagsimula na kami maglakad pabalik. tignan mo nga sino bang di maiinlove sa kanya?

"di mo man lang bako babatiin?" sabi niya. nako pinaalala niya pa.

"ayoko nga"  binelatan ko nalng siya. ayoko kase talaga alalahanin na anniversary nila ngayon.

"tsk, evil bestfriend" pangaasar niya. kinurot ko nalng yung kamay niya at di na nagsalita. kahit di kami naguusap masarap padin sa pakiramdam yung ganto.

nung makabalik kami sa bahay kami nalang pala hinihintay nila.

 "Oh andito na pala kayo, tara na at baka malate pa tayo" sabi ni kuya JB. Dumeretso na kami sa sasakyan nila. Dahil marami kami dalawang sasakyan ang ginamit.

"Ky, dito ka na samin" yaya sakin ni Mark.

"Ah, ano hindi na may paguusapan pa kase kami ni bambam. Diba bam?" Nagfake smile ako  kay bambam para sabihing makiride nlng siya. Wala naman kase talaga kaming paguusapan ayoko lang talaga sumama kay mark.

"Oo hyung,samin muna si sky" inakbayan ako ni bambam saka hinila sa sasakyan. Buti naman nagets nia ko.

"And now tell me, bat ayaw mo dun kay mark? Eh samantalang di nga kayo mapaghiwalay eh" tanong ni bambam. Kasama namin sina Yugyeom saka JR, si JR lang nakakaalam ng dahilan kung bakit kaya siya lang nahihingan ko ng tulong,pero kanina kase wala siya kaya kay bambam tuloy ako nakiusap. Ano na sasabihin ko?

"Wala lang. Trip ko lang samahan kayo, ayaw mo ba?" Sagot ko nalang.

"Syempre naman gusto. Hayaan mo nga siya bambam eh sa gusto niya dito eh." Hay buti nalang to the rescue si JR.

Nung dumating na kami sa set ng photoshoot nila inayusan na agad sila ako nakaupo lng dito kase mamaya pa daw ako aayusan. Ang dami ngang tao eh paikot ikot silang lahat.

"Ky!" Biglang may tumawag sakin. Teka lang si mark lang naman tumatawag sakin ng ky eh pero babae ung boses nun.

"Ate yoona" parang nadurog na agad puso ko makita at malaman ko palang na nandito siya. Dapat si mark lang tumatawag sakin ng ky kaso bat kailangang gayahin niya pa?

"Nandito na ba sina mark? Ano ginagawa mo dito?" Nakangiti niyang sinabi sakin. Maganda naman talaga si ate yoona lahat na ata nasa kanya. Sobrang bait pa. Yun nga ung mas mahirap eh, i cant hate her kase sobrang bait niya sakin siya pa nga may sabi na tawagin ko siyang ate dahil parang little sister na daw niya ko.

"Opo. Kasama po kase ako sa photoshoot nila" nagfake smile nalang ako. Ayoko man mainis sa kanya di ko talaga maiwasan. Bakit kase di nalang siya maging bitchy at evil tulad nung mga nasa movies saka libro.

"Talaga?! Congrats! Im so proud of you!" Niyakap niya ko kaya no choice na ko kundi yakapin nadin siya.

Tinawag nadin naman ako nung stylist dahil aayusan na daw ako, nagpaalam na ko kay ate yoona saka nagpaayos na. Ang pinasuot nila sakin ung pang school uniform nila dito sa korea bagay daw kase skin.

"Wow, ang cute cute talaga ng bestfriend ko" kinurot kurot ni mark ung pisngi ko nung nakita niya ko. Tinry ko tumakas kaso wala eh.

"Tama naaaaa masakiiiiiit" tinatangal ko ung kamay niya pero siya tumatawa lang. Bigla nalang siya tumigil saka ngumiti sa likuran ko.

"Yoona!" Sumigaw siya kaya alam ko na kung sino ung nasa likuran ko. Umalis siya ng di man lang nagpapaalam sakin kaya naiwan akong nakatayo dun.

Yan ang mahirap kay mark eh, sobrang mahalaga ako sa kanya pero pag andyan na si ate yoona nakakalimutan niya nako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretend Love (Got7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon