Chapter 4

27 3 0
                                    

Yesha's P.O.V

Flashbacks

Tinatamad akong magtambay sa bahay dahil walang araw o gabi na hindi tumutulo ang mga luha ko, dahil hanggang ngayon di ko parin mattanggap ang mga nangyari. At kahit sa school umiiwas muna ako sa barkada dahil iniiwas ko ang aking sarili sa babaeng linta na kasamaang palad bestfriend ko at baka hindi lang sampal ang aabutin nya sa akin.

Its 7:00 am in the morning at sunday ngayon at bukas simula ng semestral break namin, so I decided to go out and have some walk para maka langhap ako ng sariwang hangin. Napadpad ako sa park kung saan ko unang nakilala si Nikko, at ito na naman ang mga luha ko, umupo sa bench kung saan kami unang nag usap kinuha ko ang headset ko para makinig ng music and I look up to the sky para pigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas. Hindi ko napagilang isipin ang parents ko, siguro masaya na silang dalawa, ngayon kaya? alam ko nakikita nila akong nasasaktan naiisip din kaya nila na e comfort ako gaya ng dati? I slowly close my eyes and let my tears to fall dahil halo halong feelings ang naramdaman ko ngayon at wala dun ang naging masaya. I miss my mom and my dad.

I checked on my watch, 1 hour na pala ang nakalipas simula ng nandito ako at umiiyak. Tinitingnan ko yung mga bata na masayang naglalaro, ang sarap nilang tingnan at ang mga tawa nila ang sarap ding pakinggan, gusto ko tuloy bumalik nung time na bata pa ako dahil hindi ko pa nararanasan na masaktan ng ganito at ang tangi ko lang problema ay laruan. Tumayo ako at naglakad lakad sa ilalim ng mga puno, hanggang sa di kalayuan nakita ko si Nikko at Alexis na naghahalikan, kaya yung luha ko nagsisilabasan na naman at hindi ko alam kung kailan ako magiging ganito at kailan ako ulit maging masaya.

End of flashback

Im currently here in my room. At nagiisip kong ano ba ang naging kasalanan ko kay Alexis para gawin nya sa akin to. For 1 year relationship namin ni Nikko hindi ko naman naramdaman na may iba sya o niloloko nya lang pala ako.

"Hindi ko sya mahal at hindi kita ipagpapalit sa kanya, ikaw ang nag utos sa akin na gawin to para maka bayad sya sa mga kasalanan nya sayo. Tapos ngayon sasabihin mo na mahal ko sya, nagpapatawa ka ba? I love you babe, ikaw lang ang mahal ko" sabi ni Nikko kay Alexis

Tok...tok....tok...

"Pasok" utos ko sa kumatok ng kwarto ko at biglang niluwa si Merriene sa pinto.

"Busy ka?" tanong nya.

"Uhmmm, di naman may iniisip lang, bakit?"

"May bisita tayo, andyan ang barkada, including Alexis at ang magaling ming ex, ang sabi kasi ni Seth invited daw tayo sa welcome party nya sa tagaytay" sabi ni Merriene

"Bakit kasali si Nikko? close ba sila?" pagtataka kung tanong.

"Syempre sinama sya ng magaling mong bestfriend" singit ni Chloe

"Oh? hi bhessy" bati ko

" Hello dear bhessy, if I were you maghanda kana, dahil one week din tayo dun and its time for you to shine, huwag kang magpaka better sa dalawang walang kwenta" sabi ni Chloe

"Okay!, ligo lang muna ako" sagot ko

Habang naliligo ako si Chloe naman ang nagprepare sa mga dadalhin ko, after 45 minutes tapos na akong mag cheche buriche, I just wear a simple off shoulder blouse and shorts with sneakers, namis ko din ang ganitong get up, dahil tuwing lalabas kasi ako ng bahay lagi akong naka jeans or leggings dahil magagalit ang magaling kong boyfriend, yun pala sya yung manloloko.

"Ang ganda mo talaga Bhessy, inggit tuloy ako sa beauty mo" sabi ni Chloe

"Ano ka ba parehas lang tayong maganda, kaya nga tayo nagiging magkaibigan diba?" sagot ko.

"Tayo na, nandun na sila sa baba ang dadalhin mo, at tsaka sabi ni Seth dun ka nalang daw sumakay sa kotse nya" sabi ni Merienne

Bumaba na kami at nakita namin ang barkada at pati na din ang dalawang mangloloko. Nawala ang ngiti ni Alexis ng makita nya ako paano ba naman kasi yung boyfriend ko ay este boyfriend nya pala grabe kung maka tingin sa akin.

"Finaly the Queen V is done" ani ni Lexy

"Mokie di ka parin nagbabago kahit kailan" reklamo ni Raven.

"I love you Mokie" naka ngiti kong sagot.

"So ano, lalakad na tayo?" iritang tanong ng magaling kong bestfriend.

"Oh?, hi besty and hi ex!, nandito pala kayo? hindi ko man lang napansin" i said sarcastically.

"WHAT? Anong ex at kailan pa kayo nag break?" sabay na tanong ni lexy at Raven ito talagang dalawa palaging huli sa balita.

"Lets go!" ani ni Seth.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN: hi guys sorry if ngayon lang nakapag update, masyado kasing busy sa trabaho. Pero I will try my best na every week makapag update ako, mahirap kasi ang buhay ng isang mangagawa.

Dont forget to vote and comment po.. Thank you

THE TWO OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon