Ang Tula ni Diana

390 3 0
                                    




           

"Father Richmond, good afternoon," ang sabi ni Dr. Lopez, director ng Santa Cristina Mental Health Institute, habang inaabot ang kamay ko.

"Magandang hapon, Director," sabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at aking hinigpitan at hinila ang kamay namin pababa nang akma siyang magmamano. "Mon na lang po."

Hindi ako sanay na tawaging "father", sa dalawang taon kong pagka-pari, lagi akong nagpapatawag sa palayaw ko.

"Mon. Okay. May I interest you with some coffee?" Tinuro ni Doctor Lopez ang pinto na may label na 'Director's Office. Tumango lang ako at sinundan siya papasok sa malamig na opisina.

"I hope you don't take it the wrong way," sabi ni Dr. Lopez habang nagsasalin ng kape mula sa coffee maker, "but I expected you to be older." Iniabout niya sa akin ang mug at umupo sa likod ng desk niya.

"Thank you," ang sabi ko. "I take that as a compliment."

Tumango lang ang duktor. "Nabasa mo ba ang tula?"

Hindi ko akalaing didiretso kami sa usaping iyon. Yes. Nabasa ko ang mga tula ni Diana. "Opo. Araw araw mula nung ibinigay sa akin ng obispo nung nakaraang buwan." Isang buwan din akong walang tulog.

"Anong masasabi mo, nakakita ka na ba ng ganito?"

Naihanda ko na ang sarili ko sa tanong na 'to. "Well, hindi ako psychiatrist per-"

"I am not asking you to answer it from a medical point of view, trabaho ko yun. I'm asking you as an exorcist. I understand na isa kang expert pagdating sa mga ganito."

Lumunok ako ng laway. "I'm sorry. But we always give room for doubt. Hindi lahat possessed. Yung iba, gaya nga ng sabi niyo, dala lang ng medical reasons. At hindi po ako exorcist. Nasa preparation pa lang ako."

"And you come here kasi tingin niyo nasa preparatory stage lang itong kasong ito? Medical professionals na mismo ang nagpatawag sa inyo. Tingin niyo ba hindi namin alam ang specialization namin? Alam namin ang sakit sa utak. Alam din namin kung ano'ng supernatural na. I can't believe you people. Uunahin niyo pa ang siyensya kaysa sa espiritwal."

Na-overwhelm ako sa galit ng duktor at pinili ko na lang na wag munang ipaliwanag ang panig ng Simbahan. "Okay, in cases of demonic possessions, hindi ito bihira. Oo nagkakaroon sila minsan ng kakayahan na i-predict ang hinaharap."

"Alam ko ang sasabihin mo," ngiting aso si Lopez, "sasabihin mo, minsan coincidence lang." Umiling ang duktor. "I am telling you. Hindi ordinaryong pasyente si Diana Penafel. Hindi lang 'to tungkol sa tula. Tula na ginawa niya two years ago at na-predict ang pagkamatay ng head of security namin sa lung cancer at ang pagkasunog ng bahay ng nutrionist naming si Julia. Tell me, Father, bukod sa pag-predict ng future, common din bang symptoms ng demonic possession itong kakaibang--let's say-- sex appeal ni Penafel?"

Umiling ako. "No."

Sumandal si Dr. Lopez at tumingin sa kisame. Alam niyang nanalo siya. "Then, good luck. That's also the reason why I was expecting an older priest. You look like you can't be older than Diana. She's 31."

"I'm 29."

"Mas bata ka ng dalawang taon. I want an older priest. Mahina pa sa tukso ang isang batang paring tulad mo. Biologically, nasa prime ka pa sexually."

"The Holy Spirit would keep me from temptation, Director."

Tumango lang siya habang may ngiti sa mga labi. "Andito ka para mag-imbestiga, hindi ba? Bago magpadala ang simbahan niyo ng isang ganap na exorcist. I wish you all the best with your preliminary procedures." Tumayo siya at kinamayan ako. "Ituturo sa'yo ng nurse kung saan ang kuwarto mo. I suggest na magdasal ka munang mabuti sa kung sinumang santo ang nag-sspecialize sa chastity ng mga pari bago mo kausapin ang pasyente natin."

Idle TimesWhere stories live. Discover now