Group Message

132 1 1
                                    


"Buhay pa ako. Ilabas niyo ako dito."

-AJ 10:24 PM


Limang hugis na may kanya-kanyang flashlight ang tumatahak sa tigang na bukirin ala una y media ng madaling araw. Sarado na ang Mt. Zion Memorial Park kaya mag-oover-the-bakod na lamang ang limang binata sa likurang bahagi ng sementeryo upang makapasok at tulungang makabangon mula sa hukay ang yumaong kaibigan. Alam nilang iligal ang gagawin nila, pero hindi na nila iniisip yun.

Natanggap nila Ron, Cyril, Vince, Pokz, at Jess ang group message mag-aalas diyes y media ng gabi kanina habang nag-iinuman. Agad nawala ang tama ng alkohol sa kanila nang matanggap ang text. Nung una'y may mga duda sila at sinubukang tawagan ang numero na sigurado silang kay AJ nga ngunit out of coverage na ito. Iminungkahi ni Ron na wala talagang signal sa ilalim ng lupa at naka-tsamba lang siya ng signal with just enough time para ma-send ang message. Agad naman nilang itinakas ang tricycle ng pamilya ni Cyril at ang dalawang pares ng pala at piko mula sa bahay nila Ron. Dalawang single at isang tricyle ang nag-convoy papunta sa likurang bahagi ng pribadong sementeryo upang ipuslit ang kanilang mga sarili.

"Guys! nakikita ko na yung gate," sigaw ni Ron na siyang nangunguna sa kanila. Lumingon siya sa likod at nakitang nakasunod sina Pokz at Vince habang nahuhuli naman sina Cyril at Jess na parehong pinakapayat sa grupo.

Napangiti si Ron nang makitang grills-type ang gate kaya madali silang makakaakyat at wala ding spikes ang tuktok nito. Kitang kita ang loob ng sementeryo, ang malapad na pavement para sa mga sasakyan, at ang madamong landscape sa magkabilang side nito kung saan nakahimlay ang mga yumao.

"Wala bang sekyu dito?" ang boses ni Pokz na nasa likuran.

"Nasa front gate yung guard. Tulog yun sigurado." sabi ni Ron.

Maya-maya pa'y nakarating na sina Vince at Jess. Nahuli naman ang hingal na hingal na si Cyril.

"Tubig?" alok ni Vince na siyang may suot ng malaking backpack na pinaglagyan ng mga supplies gaya ng tubig, lampara, at maliliit na tools. Inilabas niya ang isang tumbler at iniabot ito kay Cyril na halos ibagsak na sa sariling mga paa ang dalang pala.

"Hinay-hinay lang, Cy!" sabi ni Pokz habang tumutungga ng tubig si Cyril. "May iinum pa. Ako na lang sana pinagbitbit mo ng pala mo. Kaya ko naman."

Tumango lang si Cyril bilang paghingi ng tawad habang ibinabalik ang takip ng tumbler.

"Okay, ilusot na lang natin itong mga gamit sa ilalim ng gate," sabi ni Ron habang inilulusot ang palang binitbit kanina. "Vince, iabot mo sa'kin yang backpack pagdating ko sa tuktok." Mabilis siyang nakaakyat sa mababang gate at bumaba matapos isuot ang backpack na iniabot ni Vince. Agad ding sumunod ang iba.

"Okay, dalian na natin. May work pa ako bukas," ang sabi ni Pokz habang dinadampot ang isa sa mga pala.

"Vince, ako na magbibitbit nitong supplies," sabi ni Ron habang binibitbit din ang isa pang pala. "Ikaw na lang magdala niyang isang piko para hindi na magbuhat si Cy."

Nayuko na lang si Cy. "Sensya na talaga mga Bro."

"Ayos lang yan Bro!" sabi ni Pokz. "Sanay na kami sa'yo. Ikaw ang dalaga sa tropa natin e. Ha! Don't worry, magmamature ka rin pagka-graduate mo at pag nagtatrabaho ka na tulad ko." Si Pokz ay ahead sa kanilang lahat ng isang taon sa pag-aaral.

"Wag mo na lang pansinin," bulong ni Ron kay Cyril nang mag-umpisa na ulit maglakad ang grupo.

Gaya ng inaasahan, tahimik ang sementeryo. Tanging ang pavement lang ang nasisinagan ng ilaw mula sa mabababang poste sa kahabaan nito. Madilim ang malaking bahagi ng landscape at hindi nila mapigilang maramdaman na may nanunuod sa kanila. Nandiyan ang pakiramdam na may ibang presensya sa paligid, higit pa sa mga naaagnas na katawang lupa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Idle TimesWhere stories live. Discover now