Pananahimik

174 2 0
                                    

           

Pananahimik

Dito nako sa apt

-Jane 8:46

Isang linggo na ang lumipas mula nung ilibing si Jane kaya ganun na lang ang kilabot ko nang mabasa ang text. Nag-scroll up ako at nakumpirmang thread nga namin iyon, naroon ang mga lumang messages. Nakaramdam ako ng lamig sa mga braso at batok ko, luminga-linga ako at nakitang ako na lang ang pasahero sa sinasakyang mini bus. Ano na naman kaya itong technique na natuklasan ni Risa para sa prank na 'to. Tinap ko yung call button para patunayan sa sarili ko na wala akong dapat ikatakot.

Ring

Bumilis ang tibok ng puso ko.

            Ring

Inalis ko sa tenga ko ang phone at tinitigan ang screen.  Naka-peace sign ang chinitang si Jane sa contact photo niya sa phone ko. Rest in peace, Jane. Pagpasensyahan mo na kung insensitive 'tong housemate nating si Risa, nagawa ka pang gamitin para takutin ako. Sana nga andyan ka lang sa apartment, pa-kilay sana ako.Hehe. Bigla kong tinap ang end button. I  don't care kung prank 'to, tatawagan ko si Risa sa number niya mismo. Sumusobra na siya sa jokes niya,. Ngayon nagawa pa niyang gamitin ang pagkamatay niJane. Pero, in fairness, paano naman niya nagawang ituloy yung thread ni Jane na para bang phone niya talaga ang ginamit na pang-text. Ang dami talagang natututunan ng babaeng 'to.  Nahanap ko ang pangalan niya sa recent contacts at tinawagan ito. Walang sagot. Alam niyang nahuli ko na siya.

Nag-type na lang ako ng text, "Hoy bastos ka, hindi ka man lang makaisip ng ibang biro or makapaghintay man lang. Kamamatay lang ng tao e. Nagbukas ka ba ng ilaw sa apt? Pauwi nako."

Nang ita-tap ko na ang send, biglang nag-sink in na nasa work pala itong si Risa. Kasisimula lang ng shift niya kaninang 8:30pm sa pinagtatrabahuhang call center. Kinumbinse ko na lang ang sarili ko na kahit papano'y naipupuslit niya ang phone niya at nakakapagtext siya habang tumatanggap ng calls. Pasaway talaga ang babaeng yun.

Tahimik ang kalye pagkababa ko ng mini bus. Gusto ko pa sanang bumili ng makakain sa convenience store, pero ayoko nang maglakad. Sinabi ko na lang sa sarili ko na pagod na ako at ayaw ko nang maglakad ng kalahating kilometro para lang makabili ng siopao. Huminga ako ng malalim at  at tinahak ang madilim at makitid na eskinita papunta sa apartment namin ni Risa. Tatlo kami dati nung buhay pa si Jane.

Nanlumo ako nang makitang wala nang ka-ilaw ilaw sa compound. Mukhang tulog na ang mga kapitbahay at hindi na naman nakapagbukas ng ilaw si Risa para sa'kin. Nagsitahulan ang mga aso sapaligid nang buksan ko ang gate at bago ako makarating sa tapat ng pinto namin, naging alulong na ang mga pagkahol. Hinalungkat ko ang bag ko para sa susi ng front door pero nahirapan ako sa sobrang dilim. Hinugot ko ang phone ko at ini-unlock a ang screen at ginamit ang liwanag nito bilang flashlight. Nakita ko na ang kislap ng purple key chain ko nang biglang mag-vibrate ang hawak kong phone, halos malaglag ko ito sa gulat.

Bzzzzzt... Bzzzzzt... Bzzzzzt... Si Risa.

"Hello?"

"Hello, San? Nakauwi ka na ba?"

"Hoy!" Ibi-bring up ko na sana yung prank niya pero nawala ako dahil sa tanong niya. "Oo, nasa pinto na ako. Hoy! Ayus ayusin-"

"Good! Lock mo yung pinto tawagan kita uli mamaya pag break ko."

"Uy teka lang—" beep. Nag-end ang call.

Dinukot ko ang keychain sa bag ko at kinapa kung alin ang pinakamalaking susi at ipinasok ito sa door knob. Itinulak ko ang pinto at papasok na sana ngunit bigla akong napatigil. Dinig na dinig ang malakas na tibok ng puso ko sa gitna ng tahimik na kapaligiran. May kulang. Walang click nang pihitin ko ang susi. It was open all along. Nakalimutan din bang i-lock ni Risa?

Idle TimesWhere stories live. Discover now