Paki-vote and comment po please.
Salamat po.
================================================
Bea's POV
Nakalipas na ang isang linggo. Wala naman masyadong nangyari. Still the same.
Si Dave, todo effort pa rin para mapatawad na siya ni Chloe. Si Jessica, hindi ko alam pero parang may problema sila ng boyfriend niya. Si Ayessa at Ashlee naman, may kumukulit sa kanilang dalawang lalaki. Medyo close na sila pero parang barahan, asaran at sigawan lang ang nangyayari tuwing magtatagpo sila.
Si Miko naman, ayun walang pinagbago. Sweet pa rin.
Joke lang yun. Pero akalain niyo bang may pagka pikon pala 'to. Minsan masungit na siya. Pero hindi naman as in. Mabait pa rin naman kasi inalok niya kami na sumabay sa kanya tuwing umaga. Pero maraming nagagalit sa amin. Marami kasing mga insecure sa school. Sikat kasi si Miko sa school dahil basketball player siya. Kasamahan niya si Dave sa team. Sikat silang dalawa dahil full package na raw. Meaning, gwapo, cute at mayaman. Psh.
Andito kami sa classroom at naghihintay ng professor. Katabi ko si Miko na nakapatong yung ulo sa desk at mukhang matutulog nanaman. Madalas siyang ganyan kahit may professor. Luckily, hindi pa naman siya nahuhuli. Sa likod ko naman sina Chloe at Dave. Naiilang pa rin si Chloe kay Dave kahit may ginawang kasalanan si Dave sa kanya. Dave na rin ang tawag ni Chloe sa kanya.
Sa tabi naman naming row nakaupo si Ayessa katabi si Ryan. Tapos si Ashlee na katabi si Ivan. Magkakabarkada sila nina Miko at Dave.
Habang may kanya-kanya kaming mundo. Biglang...
"AAAAANDYAAAAAAAN NAAAAAAAA SIIIIIII MAAAAAAAAAAAAAAAM!!!!!" sigaw ng isa naming kaklase.
At doon kami nakabalik sa kanya kanya naming kaluluwa.
"Good morning class." bati ni Mam Gonzales. May kasama siyang student na medyo pamilyar ang mukha sa akin.
"So, as you can see. I'm with a new student. He is a transferee. Please introduce yourself."
"Hi! Good Morning! I'm Erick Jason Perez. I'm from the States. I moved here to continue studying and because my brother is here also. I hope we'll have a good relationship here. Thank you." pagpapakilala niya. Siya nga. Siya na nga si Jason.
Umupo na siya sa vacant seat sa tabi ni Jessica. Agad naman silang nag shake hands. Alam ni Jason ang tungkol kay Jessica. Alam din ni Jessica ang tungkol kay Jason. Pero ngayon lang sila nagkita. Tumingin naman sa part namin nina Chloe si Jason tapos nag wave siya ng hand. Ganun rin naman ang ginawa namin.
Break na namin at agad namang lumapit sa amin ni Chloe sina Ayessa, Ashlee at Jessica. Agad naman kaming napansin ni Jason kaya lumapit na rin siya.
"Bea! Wow! It's been a long time! How are you?" pangangamusta niya.
"Eto, okay lang. As always. Hehe!"
"So, are you..... Jessica?" tanong naman niya kay Jessica.
"Yes. I'm Jessica La Costa." pagpapakilala naman ni Jessica.
"Nice to finally meet you."
"Ikaw, Chloe? Kamusta ka na?" tanong ni Jason kay Chloe.
"Eto, maganda pa rin."
"Haha. Conceited parin. Dejoke lang. Anyway, let's go to the cafeteria?" alok naman ni Jason sa amin kaya sabay-sabay kaming nagpunta ng cafeteria.
YOU ARE READING
One Hello
Teen FictionA girl meets a guy who lighten up her life with his presence. But will this last long if she believes that it is just one-sided?