Chapter 19: She's Kind

78 6 0
                                    

Sorry talaga kung ang ikli nung last chapter.

Bawi nalang dito:))

====================

3rd Person's POV

"KYAAAAAAAAAAHHH!!!!! WAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!! ANG SWEEEEEEEEEEEEEET!!! FIRST KISS YUN NI BEAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ni Chloe, Jessica, Ayessa at Ashlee. 

"WAAAAAAAAAAAAH!!! FIRST KISS RIN YUN NI KUYAAAAAAAAA!!!! KYAAAAAAAAAAAAHHH!!!" sabi ni Kaela tapos nagyakapan silang lahat at sumigaw habang umiikot ikot sa saya. 

Si Bea at Miko naman, medyo naiilang na sa isa't isa. Hindi makapaniwala si Bea na si Miko pala ang magiging first kiss niya. 

"Bea, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ni Miko kay Bea.

"No, wala namang may kasalanan eh. It's okay." sabi ni Bea. Nasa isip ng dalaga na wala naman talagang may kasalanan at aksidente lamang ang lahat ng iyon. Ngunit hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Inisip rin niya na mabuti na lamang at wala dito ang girlfriend ni Miko. At kung nagkataon, baka magkaaway silang dalawa. Pati na rin syempre si Miko at Angel.

Mga 5 minutes pa ang nakalipas bago makaget-over sina Kaela, Chloe, Jessica, Ayessa at Ashlee. Pagkatapos nun ay nagpractice na sila. Bumalik na si Ivan at nagkapatawaran rin naman sila agad sa tulong ni Ayessa at Ryan. Yung mga kasama sa singing, maayos na naman ang presentation nila kaya naman sila yung gumagawa ng props. Yung sa ballroom dancing naman, malapit na silang matapos sa sayaw nila. 

Pero si Bea, medyo namamali sa steps at parang wala sa kanyang sarili. Tila may malalim na iniisip. 

Natapos na ang practice nila kaya't nagpahinga at nagkuwentuhan muna ang mga kaibigan ni Bea. Pero nagpunta muna sa kwarto si Bea upang makapagpahinga ng tahimik.

~~~~

Bea's POV

Pagkatapos ng practice, nagpahinga muna ako sa kwarto ko. 

Kung tatanungin niyo ako tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang nagulat ako. Hindi rin ako galit kay Miko kasi hindi naman niya sinasadya yun. Basta pagkatapos nun, iba na yung naramdaman ko. Hindi ko alam basta mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinikilig ako or what. Pero sa tingin ko hindi naman dahil dun. 

Siguro ganito yung nararamdaman ng mga tao kapag yung crush niya at siya may nangyaring nakakakilig talaga. Pero yung totoo, simula nung nakilala ko si Angel, kinalimutan ko na na may crush ako kay Miko. Nag-iingat lang ako. Kaya hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pero mawawala rin naman 'to. Kaya lang, baka magkailangan nanaman kami ni Miko. Psh. Basta wala lang 'tong nararamdaman ko. At malinaw na wala akong gusto kay Miko. Wala na. At wala 'tong nararamdaman ko.

~~~~

Chloe's POV

"Grabe yung nangyari kanina no? First kiss yun ni Bea." sabi ni Ashlee na kinikilig.

"Alam namin. Sinigaw pa nga natin kanina diba? Tss." asar na sabi ni Ayessa sa kapatid niya.

Eto talagang dalawang 'to. Andito kami sa kusina nina Jessica tapos yung magkapatid. Kumakain kami ng pasta. Dinner namin 'to. Diet kami. Wala kayong pakialam. Charot. Hahaha.

Hindi namin kasama si Bea kasi sabi niya matutulog na daw siya. If I know, affected yun kanina. Well, nakakagulat nga naman kasi. At alam ko na after nun, may kakaiba ng  naramdaman si Bea. Alam ko yun kasi wala siya sa sarili. Tahimik ang girls kapag may malalim na iniisip. Kadalasan ang iniisip ay love problems. Naranasan ko na yan kaya alam ko. Joke lang yun. Wag kayong O.A. Hahaha.

One HelloNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ