Malakas na hiyawan at palakpak ang sumalubong sa akin 'pag labas ko lang sa sports car ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil alam ko na sa akin talaga ang mga 'yon at wala ng iba. Champion kasi ako sa drag racing at 'ni isa sa mga kalaban ko ay hindi nanalo kapag ako na ang kalaban. Siniguro ko talaga na nasa tamang condition ang baby girl ko. Iyon ang tawag ko sa aking red sports car.
"OUR QUEEN OF DRAG RACE ONCE AGAIN WIN!!!" announce ng MC namin.
Kinayawayan ko pa 'yong mga fans ko. Okay~ I know na OA na 'yong ginawa ko pero, haller? Gusto din naman nila 'no. Hindi ako nagmamayabang sadya lang na may ipagmalaki ako.
Anyway, My name's Alexa Del Rosario, 23 years old and I came from a wealthy family. Sa tingin ng ibang tao lalo na 'yong relatives ko ay laki sa layaw, spoiled brat and a bum. Hindi naman daw ako ganito noon pero n'ong iwan ako ng soon-to-be-husband ko ay nagkaganito na ako. Naging rebelde. Pero sa totoo lang, hindi naman ako gano'n eh. I'm not spoiled brat, laki sa layaw and most of all a bum.
Isa akong adventurous na tao, gusto ko na may thrill sa buhay ko. I don't want to act as a boring person like before and besides, I work as a secret agent under the Phoenix Emblem Agency. So basically, hindi nila alam 'yon.
"Oh em ge! Congratulations, Alex! I'm so proud na naging kaibigan kita!"
Tinaasan ko ng kilay si Dana. "Ah gano'n? proud ka lang na maging kaibigan ako dahil parati ako nanalo sa drag race?"
"Siyempre hindi naman kaya lang dahil sa panalo mo ay parati akong nanalo sa pustahan!"
"Aba, bawal 'yon ah!"
"Ano ka ba! hindi 'yon bawal kung walang nakakaalam." Nakangiti siya. Ngiting aso.
Matagal ko na siyang best friend at kagaya niya ay isa rin siyang secret agent. Minsan lang siya sumasali sa drag race dahil parati siyang mission noon. Pero dahil hindi pa kami binibigyan ng bagong mission ng tito ben, ang godfather ko, ay nagpakasaya muna kami dito. Hindi si Tito ben ang nagmamay-ari ng agency na tinatrabo-an nila pero siya ang superior o namalakad ng agency sa kadahilanan na parating busy sa ibang business ang may-ari niyon na si Rui Torres. Isang business tycoon, madaming babae na nagkagusto pero ang problema ay may keychain na siya.
Pero huwag kayong mag-isip na may gusto ako sa kanya dahil hangang hanga lang ako sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Hay, kelan ba tayo bibigyan ng bagong mission ni Tito Ben?"
"Uh! Paktay!" Exagerated niyang sambit.
"Anong paktay ka diyan?"
"Em...err...sorry! I forgot to tell you na kailangan pala natin pumunta sa office ngayon." Nag-peace sign siya sa akin habang ako naman ay matalim na tiningnan ko siya. "Sorry na! nasilaw ako sa pera eh!" Nanghaba ang nguso niya.
Piningut ko 'yong tenga niya then I drag her inside my sports car and then before we leave that place ay nagpaalam muna ako sa kanila at kinuha 'yong premyo.
Mabilis na pinaharurot ko 'yong sports car ko. "Lintik ka talaga, Dana! Kapag sa iba ibinigay ni tito 'yong mission na 'yon ay baka maghintay na naman tayo ng tatlong araw o linggo! Teka, anong oras ba 'yong oras ba dapat tayo pumunta doon?"
"9:30 PM sabi niya."
"Damn! We only have fifteen minutes left! Kakalbuhin talaga kita, Dana!"
"Huwag naman, wala pa nga akong boyfriend, kakalbuhin mo na ako?"
"You're late!"
Napangiwi na lang ako sa malakas na boses ni Tito ben.
"Si Dana kasi eh!" Sabay turo kay Dana na nagku-kwenta ng napalunan niya sa isang pustahan, nang napansin niya na nasa kanya nakatutok ang buong attention ni Tito ay isinuksok niya sa bulsa ang pera at nag-peace sign uli.
"Nakalimutan ko, sir."
He let out a sigh while massaging his temple. "This will be the first and last warning, you two, ayoko sa lahat ay 'yong late. Anyway, may bago kayong mission."
Pumalakpak ako. "Good, nangangati na ako dito. Ano ba kasi 'yon?" Excited na sabi ko sa kanya.
"Oo nga, sir! Ano ba kasi 'yon? Excited na ako! huwag naman sana 'yong maging bodyguard sa isang mayaman tao ha? boring 'yon."
"Actually, para sa'yo ay iyon ang mission na ibibigay ko." Sabi ni Tito kay Dana.
"WHAT?! Oh em ge! No~!"
"I will repeat it again, Dana, you will be working as a personal bodyguard for Mr. Kent Smith. He ask me na kailangan niya ng bodyguard dahil lumalala ata 'yong obssess stalker niya. I will give you the details tomorrow. And as for you, my goddaughter of mine, you will be investigating the case about the serial killer sa san isidro. At dahil nandito na ang lahat ng impormasyon na ibinigay ng kliyente natin ay sasabihin ko na ngayon na para makasimula ka na bukas."
"hay salamat, I thought na magiging bodyguard din ako."
"Ang daya!" nanghaba ang nguso ni Dana.
"Huwag ka ng magreklamo Dana, maganda din naman 'yong trabaho mo." Pinapat ko 'yong balikat niya.
"Easy for you to say! Dahil hindi naman ikaw 'yong binigyan ng mission na 'yon. Makaalis na nga, good luck sa akin. I'm doom!" Nagmartsa na lumabas na siya sa office. Natatawa na lang ako sa inasta niya.
Tumigil lang ako ng tumikhim siya kaya bumaling uli ako sa kanya.
"You were saying, tito?"
"As I was saying, kailangan mo imbestigahan at tuklasing kung sino ang salarin. Hindi lamang siya ordinaryong serial killer kundi rapist din."
Bigla kong ikinuyom ang kamao ko. Ang halang talaga ng kaluluwa ng lalaking 'yon! Mas lalong tumindi ang pagnanais ko na mahuli ang lalaking 'yon! Langya!
"Anim na buwan na iyon at limang tao na ang nabiktima niya at dahil wala naman maasahan ang kliyente natin sa mga pulis ay sa atin na sila lumapit. Isa sa nabiktima ng serial killer na 'yon ang anak nila, mayaman, kaya malaki ang bayad. I know you can do this job."
"Don't worry, tito, I won't let you down. I will find out who that person is at sisiguraduhin ko sa kulungan siya dadamputin."
"I know, anyway, may isa pa. You need to disguise yourself as a nun, nakausap na namin 'yong kura paroko at naiintidihan naman niya ang sitwasyon."
"Siya lang ang nakakaalam kung sakali na maging madre ako do'n?"
"Yes."
"But why a nun?"
Oh man! Of all the things to disguise—bakit madre pa? Oh lord, patawarin niyo ako pero kailangan ko itong gawin para rin naman ito sa ikakabuti ng lahat eh at sana makayanan ko ito, sa totoo lang hindi rin ako handa na pumasok sa isang simbahan dahil naalala ko na naman 'yong nakaraan. Masakit parin sa akin na maalala nang hindi siya sumipot sa kasal namin, anong year na ba? ah, one year. Sariwa parin sa alaala ko iyong ginawa niya but I have to move on at ang trabahong ito ang makakatulong sa akin na makalimutan ko siya kahit na panandalian man lang.
"Because, most of his victims were a nun at kung hindi naman ay malapit lang sa simbahan na makita 'yong bangkay ng biktima."
BINABASA MO ANG
My Ex is a Secret Agent! (COMPLETED+5 SAMPLE)
Misterio / SuspensoMy Ex is a Secret Agent! (Phoenix Emblem Series # 1) Alexa Del Rosario was ready to let go of her profession as a secret agent for the sake of her husband to be, Damon Woodson. But fate must be against her plan because Damon didn't come to their wed...